ITIM, itim lamang ang makikita mo sa paligid ni wala man lang kahit na anong liwanag kang makikita. Para akong nasa kawalan.
Nasa'n ako? Bakit ako na'n dito?
"Victoria"
Isang tinig ang nakapukaw ng aking pansin; tinig ng isang babae. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid kahit na napakadilim upang hanapin kung saan nang-galing ang mala anghel na tinig ng bababae na 'yon.
"Sino 'yan?" Tanong ko nang wala akong nakita na bulto ng tao, kahit anino nito ay wala.
"Victoria, mahal ko."
Isang tinig muli ang aking narinig at hindi ko maiwasang magulat dahil sa itinawag nito sa akin. Mahal?
'Hindi naman siya siguro isa sa mga yumao kong kamag anak 'no? Sinusundo na ba ako?
Hindi ko naman maiwasang kabahan dahil sa naisip, 'di makikita ko na pala si san pedro---kung sa langit nga ba ako mapapapunta.
Pinag patuloy ko ang pag hahanap at aalis na sana sa pwesto ko nang hindi ko maigalaw ang mga paa ko tila ba ito ay naka dikit kung nasaan man ako ngayon. Ibinaba ko ang aking paningin at nanlaki ang aking mga mata nang makita na naka-kadena ang aking mga pa dito mismo sa ilalim ng pinagkakatayuan ko. Ni hindi ko man lang naramdaman 'to kanina.
Teka nasaan ba talaga ako? bakit ako naka-kandado dito sa madilim na lugar na ito? Atsaka kaninong boses yung na ririnig ko?
Nilibot ko muli ang aking paningin sa paligid. Tuminign ako sa likuran ko at hindi ko maiwasang magulat dahil sa nakita.
Isang babae na may mahabang buhok na naka suot ng kulay puting bistida ang aking nakita. Ramdam ko ang pagkawala ng dugo sa aking katawan dahil sa itsura niya. Sa tingin ko ay siya yung tumatawag sa akin kanina dahil kami lang naman ang na'ndito.
Mali ako nang naisip kanina na isa siya sa mga kamag anak ko na yumao na susunduin ako. Maling, mali, dahil ang babae na nasa likuran at tumawag sa akin kanina ay......
Walang muka!
White lady ata 'to eh.
Ramdam ko ang lalo ko pang pamumutla ng humakbang siya papalapit sa akin. Sinong hindi matatakot kung makakakita ka ng babae na naka kulay puti na kasuotan, mahaba ang buhok at.... at walang muka?
Humakbang siya nang humakbang papalapit sa akin nang malapit na siya sa likuran ko ay kumanan siya upang maka punta sa harapan ko.
"Mahal ko"
Iniangat niya ang kanyang kanan na kamay at humawak sa pisngi ko, magaan niya itong hinahaplos kaya naman ay ipinikit ko ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit na imbis na matakot ay tila ba ay nakaramdam pa ako ng saya at ginahawa sa katawan sa haplos niya. Komportable ako sa hawak niya at pakiramdam ko ay ligtas.... ligtas ako sa kanya.
YOU ARE READING
Serendipity
Romance"I won't let you to love someone other than me. You are mine, honey. Mine. Alone. I wouldn't let anyone to come in our way, to take you away from me. So don't they dare try me. Because If they do? They will suffer to the point that they will wish to...