THIRD PERSON POINT OF VIEW
ISANG TAO ang siyang nakaupo at tina-trabaho ang mga papeles nang biglang may kumatok sa pintuan ng kanyang opisina.
"Come in." Saad niya habang patuloy parin sa pagtingin sa mga papeles.
Masyadong mahalaga ang mga papeles na ito, at kinakailangan na maresulba niya ito sa lalong madaling panahon. Nauubusan na sila ng oras.
Pumasok naman kaagad ang kumatok matapos marinig ang sinabi ng taong nasa loob. Bahagya siyang nanginig dahil sa malamig na tono ng boses ng kanyang amo.
'Pareho sila ng pinsan niya. Nakakatakot.' Saad ng empleyado sa kanyang isipan.
"There's someone who want to talk to you... po." Magalang na saad ng kasamahan niya sa trabaho.
"Papasukin mo." Agad naman siyang sinunod ng empleyado at pinapasok ang tao na gustong kumausap sa kanya.
Mas mataas ang posisyon niya dito kaya ganon nalamang ang takot sa kanya. May imahe rin ito ng pagka-strikto na nag re-resulta upang katakutan siya ng mga kasamahan niya sa trabaho.
"Hello there, my friend"
Isang babae ang magiliw na pumasok sa kanyang opisina. Umayos siya nang upo at itinigil ang ginagawa. Tumingin siya dito ng diretso sa mata at seryoso.
"What are you doing here? May kailangan ka?"
"Mangungutang lang san--- charot. Ito naman, gagalit agad." Seryoso at malamig lamang siyang nakatingin sa babae kaya natigil ito sa kalokohan at seryosong tumingin sa taong nakaupo at abala sa mga papeles bago siya dumating.
"Here." Inabot niya sa isa ang isang brown envelope.
Tumingin muna siya sa babae bago kinuha ang envelope. Binuksan niya ito at nakita ang mga letrato at ilang dokumento na nag-pagulat sa kanya.
Tila ba siya ay naging estatwa matapos makita ang laman nito.
Hindi maaari.
"S-saan mo 'to nakuha?" Dali-daling tanong nito sa kasama.
"Ewan. Nakita ko na lang bigla sa labas ng unit ko, tapos, may note na nakalagay ibigay ko daw sayo." Kalmadong saad ng babae.
"Siraulo nga ata yung nag send niyan, ba't hindi nalang direktang ipadala sa'yo? Bakit kailangan pang sa'kin ipadala? 'Diba? May sayad din eh." Natatawang saad nito at talagang dumukwang pa ito papalapit sa isa at hinampas ito sa braso.
"You..."
"You you you yo--- aray!" Agad na binato nito ng ballpen na tumama sa noo ang babae dahil nag sisimula nanaman ito. Kahit kailan hindi talaga makausap ng maayos.
"Imbestigahan mo 'to. Tingnan mo kung edited ba yung mga picture. At, yung nga documents, make sure to check kung reliable ba ang source nito."
"Masusunod, kamahalan." Binato niya itong muli dahil sa sinabi. Pa'no ba naman kung magsalit akala mo'y kausap ang isang Hari pero yung kamay nakatutok sa ulo na akala mo ay isang pulis. Nasisiraan na talaga ito ng bait.
"Nakakarami kana ah." Nakasamingot na saad nung babae habang hinihimas ang noo na tinamaan ng eraser.
"Leave, Woman."
Sa kabutihang palad ay sinunod na siya nito at umalis na sa kanyang opisina.
Kinuha naman niya kaagad ang kanyang telepono at kinuhanan ng litrato ang mga bagay na nakalagay sa envelope.
YOU ARE READING
Serendipity
Romance"I won't let you to love someone other than me. You are mine, honey. Mine. Alone. I wouldn't let anyone to come in our way, to take you away from me. So don't they dare try me. Because If they do? They will suffer to the point that they will wish to...