TAMA BA ang narinig ko? Pina-pasabay nya ako sa kanya kumain? Pero nag-hihintay sa 'kin sina Cris. Baka mag-taka ang mga 'yon pag-hindi ako agad bumalik.
"Ma'am, hindi na po may kasabay naman po akong kumai---sabi ko nga po sasabay ako" Agad kong bawi at napa-kamot na lang sa ulo nang mapansin ko na sumama ang timpla ni ma'am. Katakot naman, kung tignan ako parang ang laki ng kasalanan na ginawa ko, tumangi lang naman ako.
Sungit.
Inanyayahan nya ako pumunta sa kusina ng opisina niya. Taray, may kusina sa office, parang condo lang ah. Baka mamaya makita ko na lang may bedroom narin.
"Sit" Pinaupo nya ako sa upuan habang may kinukuha na dalawang tupperware at inilagay sa lamesa, ang isang lagayan ay may laman na fried rice at yung isa naman ay bacon at itlog may kasama pang gatas. Favorite kong kainin at inumin tuwing umaga.
Hindi kasi ako nainom ng kape, ewan ko hindi ko kayang umubos kahit na kalahating tasa lang. Kaya gatas o kaya naman ay chocolate drink lang ang iniinom ko tuwing umaga. Buti na lang may gatas si ma'am.
Gusto ko sana siyang tulungan na mag-hain pero ayaw naman ako patulungin, sinasamaan niya ako ng tingin kaya hinayaan ko na lang. Baka magalit pa sa 'kin eh. Masungit pa naman si ma'am, mas masungit pa kay sir Alaras.
Inayos nya na ang pag-kakainan namin, pinag-lagyan narin ako ni ma'am ng pag-kain ko sa pingan na nasa harapan ko. Tama lang din ang dami nang kanin at ulam na nilagay niya.
Umupo na si ma'am at kumuha narin ng pag-kain nya.
"What are you waiting for? Christmas? Eat" Sambit niya sa malamig na tinig habang na kataas ang kilay.
Ay, hindi po, new year po ang hinihintay ko hindi christmas.
Gusto ko sanang tumawa dahil sa naisip pero baka isipin ni ma'am na babaliw na ako.
Sa kanya.
Joke lang.
Kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip ko na walang kabuluhan. Makakain na nga lang.
Nag-simula kaming kumain nang tahimik. Sumubo ako at ang masasabi ko lang ay, masarap ang pag kaka-luto hindi sunog. Pag-ako kasi ang nag luto, laging na-susunog. Kaya naman sa cafeteria na lang ako na kain. Pero pag-dinadalaw naman ako nina ate at mama ay dinadalhan nila ako ng pag-kain at tinuturuan ako minsang mag-luto.
Pero minsan lang sila dumalaw---si ate naman ay mas madalas dumalaw kumpara kay mama, kaya siya lagi ang tagaluto ko. Nag-kataon lang talaga na hindi dumalaw sa akin kanina si ate kaya hindi ako nakapag-agahan.
Uminom ako ng kaunti nang gatas. Wow, pati yung gatas yung paborito kong brand. Ang galing naman ni ma'am.
Uminom muli ako ng gatas at susubo na sana ako ng kanin nang biglang hinawakan ni ma'am yung baba ko. Inilapit niya ang kanyang muka sa 'kin at hindi ako makapaniwala at hindi maiwasang magulat sa sunod na ginawa ni ma'am.
Paglapit niya ay tumama sa labi ko ang kanyang malambot n labi at pag kalapat na pagkalpat ay inalis niya din kaagad bago umupo sa kanyang upuan na tila walang nang yari. Sandali lang naman yung halik pero hindi ko maiwasang mapa-tulala. H-hindi ko inaasahan ang ginawa nya.
F-first kiss ko yon eh! Bakit nya kinuha? Isumbong ko kaya siya kay mama ko? Pati na kina-ate. B-bata pa ako eh! Baka mapagalitan ako nina mama. Ang bata kopa tapos na wala na kaagad ang first kiss ko.
Hindi ako makapaniwalang naka-tingin sa kanya habang siya ay nag-papanggap na parang walang nangyari. .
"What? Why are you looking at me like that" Wow. Tinatanong pa ba 'yan? Ma'am kinuha mo lang naman ang first kiss ko! Lagot ako nito pag-nalaman ni mama. Masyadong strikto si mama lalo na si ate, pag-nalaman nila 'to siguradong lagot ako.
YOU ARE READING
Serendipity
Romance"I won't let you to love someone other than me. You are mine, honey. Mine. Alone. I wouldn't let anyone to come in our way, to take you away from me. So don't they dare try me. Because If they do? They will suffer to the point that they will wish to...