ILANG ARAW na ang lumipas matapos kong makalipat sa dorm kung saan ang makakasama ko ay ang coach namin at professor ko na si Miss Talia.
Kahit na lilito kung bakit ako lang ay may kasamang professor sa dorm at Coach pa namin ay ipinag-sawalang bahala ko na lang at itinuon na lang ang pansin sa pag-eensayo.
Yung dorm na tinitirhan namin ni Miss ay napakalaki. Hindi ko nga alam kung matatawag ko pang dorm 'yon. Pero kahit na malaki 'yon ay iisa lang yung kwarto at kama. Wala tuloy kaming pagqpipilian kun'di ang mag tabi sa iisang kama. Ayos lang naman dahil komportable ako sa kama dahil malaki naman 'yon, kasya nga siguro ang tatlo hagang apat na tao 'don eh.
Nagtataka nga lang talaga ako kung bakit isa lang yung kama.
Pagkalipat namin ng mga gamit namin sa dorm, kinabukasan ay nag simula na yung training namin. Ang naging tagpo naman namin ni miss ay siya yung tagaluto at ako naman yung taga hugas ng mga pinag kainan namin.
Nitong mga nakaraang araw din ay usap-usapan ang pagkawala nang dalawang babae; si Blondie at si brown. Usap-usapan na pinatalsik daw ito, at ang may ari nismo ng unibersidad na pinapasukan ko ang mag pakana. Bumagsak din daw ang mga negosyo ng pamilya nila at nag kautang utang. Mag kaibigan ang pamilya nilang dalawa daw at yung ama nilang pareho ay nakulong dahil umano sa pag gamit at pag bebenta ng ipinag babawal na gamot at yung nanay naman nila ay laging nasa Casino.
Hindi malaman kung sino yung nag padala ng mga ebidensiya sa mga otoridad ngunit ng dahil sa mga ebidensiya na iyon ay nakulong at bumagsak ang kompanya nila.
Ngayong araw ako mag sisimulang mag trabaho kay Miss. Katatapos lang ng lunch break namin at sabi ni miss tuwing wala daw akong klase ay pumunta daw ako sa opisina niya para gawin ang trabaho ko.
Kumatok ako ng tatlong beses at ng may marinig na 'come in' ay binuksan ko na ang pinto at pumunta sa harapan ng mesa niya kung saan ay seryoso siyang may kung anong ginagawa sa loptop niya. Marami ding mga papeles sa lamesa niya.
"Miss? Ano po yung gagawin ko?" Magalang kong saad. Nag-angat siya ng tingin mula sa ginagawa bago ako sinenyasan na umupo sa upuan na nasa unahan ng mesa niya.
"What time is your next class?" Tanong niya. Tiningnan ko naman ang oras sa relo ko bago nag salita.
"Mamaya pa pong three." Alas dose y medya na ngayon at may tatlong oras at kalahati pa bago ang susunod ko na klase.
"Okay. Check these papers" Ibinigay niya sa akin ang sandamakmak na pepel na sa tingin ko ay lahat ng mga test paper ng mga estudyanteng hawak niya. Kasama na 'don yung sa amin dahil nakita ko yung isang test paper ng kaklase ko.
Madami pero sa tingin ko naman ay kaya.
"Here" May inabot sa akin na isang test paper si miss; yung akin, may check na.
"You got a perfect score. Good job"
Napa ngiti naman ako nang puriin niya ako dahil sa pag perpekto ko ng ibinigay niyang pagsusulit. Up-to fifty yung test at sa tingin ko lahat din ng che-check-an ko ay fifty items din.
Nag pasalamat ako at tumayo bago umupo 'don sa sofa habang dala yung iba kong che-check-an. Mas komportable kasi sa tingin ko dito mag check dahil maluwang. Binalikan ko na lang yung iba bago ako nagsimula mag check.
Kanina pa akong nag che-check at tama nga ako na puro one-to-fifty yung items. Garabe din mag pa quiz so miss, yung fourty items puro identification at enumiration, tapos yung natitirang sampung puntos ay essay.
Medyo nahirapan ako sa pagcheck dahil merong hindi tugma 'don sa essay. Para bang binasta na lang nawala naman sa Ibinigay na topic yung isinulat.
Ilang sandali pa habang nag che-check ako ay may kumatok sa pinto, tatayo na sana ako para buksan kaso naunahan ako ni miss at siya na ang nag-bukas. Nag-patuloy na lang ako sa pag gawa ng trabaho ko habang kausap niya yung kumatok.
YOU ARE READING
Serendipity
Romans"I won't let you to love someone other than me. You are mine, honey. Mine. Alone. I wouldn't let anyone to come in our way, to take you away from me. So don't they dare try me. Because If they do? They will suffer to the point that they will wish to...