"UWI PO TAYO kay Lola?"
Isang malambing na boses ang umagaw ng atensyon ko sa pagkakatingin sa labas ng bintana. Nasa sasakyan kami ngayon ni Miss at kanina pa kami tahimik maliban na lang nu'ng nagsalita itong maliit na 'to.
Hindi ako sanay na tahimik.
"Oo, siguradong miss na miss kana ng lola mo" Saad ko sabay ngiti sa kanya na nakaupo sa kandungan ko.
Pauwi kami ngayon sa bahay. Kami lang ni Lia. Weekends naman ngayon at wala na akong klase, wala nadin muna kaming practice dahil mawawala si Miss Talia na siyang coach namin. Wala siya dito ng isang lingo. Walang sinabing dahilan pero 'yon ang sinabi niya sa aming lahat na player at 'yon din ang sinabi niya sa bata, siya din ang nanghikayat na sa bahay muna kami nina Mama umuwi dahil nga wala siya.
Tahimik lamang ang naging biyahe namin hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay.
Pinag buksan kami ni Miss ng pinto at siya narin ang nagdala ng isang bag na may laman ng mga laruan ni Lia. Hindi na naman kasi namin kailangan na magdala pa ng mga damit dahil meron na kaming damit dito sa bahay.
Pagkaabot niya sa akin ng bag ay nagpaalam na rin siya na aalis na siya dahil may mahalaga pa raw siya na pupuntahan. Tumango na lang ako at tinanaw na lamang ang papaalis niyang sasakyan. Napahawak ako sa dibdib ko, ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko dahil sa kilos niya.
"Mama, ba't po tigas dibdib niyo?"
Aba't.
Pinisil ko ang ilong niya at sinakbit nang maayos ang bag bago binuksan ang gate.
"Eh ikaw bakit ang liit mo?"
"'Kaw din naman po"
Aba, sino nagturo nito dito?
Buti na kang kasama ko 'tobg bata na 'to. Medyo gumagaan ang pakiramdam ko dahil sa kanya.
Karga-karga ko si Lia habang binubuksan ko ang pintuan nang bahay. Alam naman na ni Mama na uuwi kami kaya hindi na ako kumatok. Magandang araw din 'to na umuwi kami dahil na'ndito sa bahay ngayon si Papa.
"Ma?"
Tawag ko nang walang makita na tao sa sala. Baka nasa kwarto siya, na'ndito pa naman si Papa.
"Thyra"
Isang bratinong boses ang s'yang tumawag sa pangalan ko. Hindi ko na ito kailngan pang tingnan dahil kilalang kilala ko ang boses na 'to.
Ilang lingo ko rin itong 'di nakita.
"Papa!"
Imbis na ako ang tumakbo papalapit sa kanya ay siya na mismo ang gumawa no'n, patakbo siyang bumaba sa hagdan at niyakap kami.
'Di naman halata na na miss ako nitong papa ko.
Kumalas siya sa pagkakayakap at pinag hahalikan ako sa buong muka ko. Pati si Lia ay dinamay niya narin pero mukang nahihiya pa itong bata dahil biglang nag sumiksik sa leeg ko. Pangalawang beses pa lang niya kasing nakikita si Papa, una ay nu'ng unang beses ko siyang dinala dito sa bahay at ang panglawa ay ngayon.
"Sama ikaw sa LoLo" pag papalambing pa ni Papa kay Lia kaya humarap sa kanya si Lia. Bago ito sumama kay Papa ay tumingin muna ito sa akin kaya tinanguhan ko ito hudyat na ayos lang na sumama siya.
Iniwan ko na muna siya kay Papa at umakyat ng hagdan para ilagay sa kwarto ko yung gamit na dala-dala ko; yung mga laruan ni Lia.
Kampante naman ako naiwan si Lia kay Papa dahil sigurado akong hindi niya ito pababayaan, gano'n siya sa akin eh.
Habang papunta ako sa kwarto ko ay nakasalubong ko si Mama. Tila ba nang hihina ito.
"Ma, ayos ka lang?"
YOU ARE READING
Serendipity
Romance"I won't let you to love someone other than me. You are mine, honey. Mine. Alone. I wouldn't let anyone to come in our way, to take you away from me. So don't they dare try me. Because If they do? They will suffer to the point that they will wish to...