kabanata 14
Saan ka pupunta?
"Ano naman sayo! kung saan ako pupunta!
Umalis ka sa katawan ko!Patahimikin mo na ang mga kaluluwa namin!"Bakit!Sapalagay mo ba ang kaluluwa ko ay tahimik na?Narito pa-rin ako sa lupa at naghihintay kung kaylan ako makakabalik o makakapagpahinga!Napapagod na-rin ako.(Ang mahabang sabi ng kaluluwang naroon sa katawan ni shaina.
"Bomulung ang kaluluwang nasa katawan ni shaina at sinabi.(Wag kang maingay baka magising ang tunay na demon sa katawan ng batang iyon,,Patay tayong lahat pag-nagkataon,ang bulong nitong sabi sa tunay na kaluluwa ni shaina.
Anong ibig mong sabihin?
"Malalaman mo rin sa oras na nagising siya,ang pabulung ulit nitong sabi.Tumuloy nang naglakad si shaina at naiwan ang tunay na kaluluwa ni shaina,,at unti unti itong naglaho at bumalik sa madilim na mundo.
"Pagkabalik na pagkabalik ni shaina sa madilim na mundo,kitang kita niya roon si rochel,malungkot at umiiyak,,habang pinapalibutan siya ng maraming kaluluwa na hindi niya nakikita.
Rochel,pamangkin ko'Patawad pero hindi kita matutulungan ngayon,,Hindi ka pwedeng magising sa natutulog mong katawan,,hindi ko alam kung bakit?Pero wala akong magagawa kundi sundin ang gusto ni lola.
"Biglang lumingon si rochel sa kinaroroonan ni shaina,,na para bang alam ni rochel na may nakatingin sa kanya roon at kinakausap siya sa pamamagitan ng tinig lamang.
"Kitang kita ni shaina,,sa mukha ni rochel na parang nag iiba na ang kanyang anyo simula nung napadpad siya sa lugar na ito,kung saan ikinulong ng matandang si borra ang lahat ng kaluluwang kanyang nahihigup.
Samantala kaganapan sa mansion nina Ruben:
"Hindi ako makapaniwalang magagawa ng batang iyon ang isakrepisyo ang kanyang sariling kaluluwa,mapatigil lang ang kaluluwang iyon!
Pakiramdam ko may mali sa batang iyon!!"Anong ibig niyong sabihin lolo?ang tanong ni ruben sa kanyang lolo estor.
Hindi ko alam apo!Pero may mali sa mga nakita ko!Ang saad nito sa kanyang apo.
Wag kanang bumalik pa sa kanila,,ayukong pati ikaw ay mapahamak nang dahil lang sa batang iyon!!"Pero lolo,akala ko ba tutulungan natin si rochel na makabalik ang kaluluwa niya!
Apo!Makinig ka sa sasabihin ko!!Simula nung sumanib ang kaluluwa ng matandang multo sa katawan ng batang iyon!Hindi na muling bumalik pa ang kaluluwa nito sa kanyang katawan.
"Tanging alam lang ng kaluluwang bumabalik sa katawan ng batang iyon ay siya ang tunay na rochel,,ngunit matagal na panahon nang naliligaw ang kaluluwa ng batang iyon.
"Ano!!ibig niyo bang sabihin hindi ang kaluluwa ni rochel ang nakuha ng matandang multo?
"Hindi!!ang nakuha niyang kaluluwa ay isang demon spirit,,na kasalukuyan ngayong nakakulong sa loob ng matandang iyon,,kapag nagkataon."Pati ang matandang multo at ang lahat ng naroong kaluluwa ay mabibihag ng kaluluwang demonyo!!
Kaylangang mahanap ni rochel ang daan pabalik sa kanyang katawan,,dahil kung hindi manganganib ang lahat ng naroon kasama na ang lahat ng mga mahal niya sa buhay.
Nakakatakot lolo estor!!Paano natin siya matutulungan lolo?
"Wag na tayong makialam apo!!
Ayukong mapahamak ka sa gagawin mong pagtulong sa kanila."Pero lolo!Siya ang tumulong sa akin noon sa bahay ampunan,,kaya ako nakatakas roon!
Gusto ko ring tulungan siya lolo!!Pag-iisipan ko ang bagay na yan!
Ayokong magkamali apo!!
Kaya pakiusap apo!!Wag kang magmadali!
BINABASA MO ANG
ROCHEL BAHAY AMPUNAN
HorrorAng isang inang pinagkaitan ng isang anak. Paano kung malaman ng isang ina na ang kanyang anak.Ay kaharap na niya ngunit hindi niya ito makilalang anak niya.At kasalukuyan niya itong pinapahirapan hanggang sa makatakas na ito sa kanyang kalupitan?At...