Rochel Bahay Ampunan Kabanata 19

10 2 0
                                    

ROCHEL(Bahay Ampunan)

Pero sino ang kumatok sa pintuan?
Si mama kaya?
kaming dalawa lang naman ni mama ang tao sa bahay.
Wala din naman ang katulong namin dahil nasa bakasyon ito.

Bumalik si ruben sa upuang iyon at itinuloy ang kanyang ginagawa.

Ngunit sa ibang mundo ito napunta at hindi sa kinaroroonan ni rochel.

Napakadilim nang lugar na ito,,saang lugar ito?
Nasaan ako?

Nagulat si ruben sa biglaang paglitaw ng isang babae sa kanyang harapan nakadamit ito ng puting bisti-da.

Ah- sino ka?
Ang tanong ni ruben sa babae.

"Ikaw sino ka?anong ginagawa mo sa lugar na ito?

"Ahh ako! ano kasi,,ahh may hinahanap akong kaibigan,,Baka napadpad siya sa lugar na ito?

Teka,,Parang kilala kita ?
Parang nakita na kita kung saan?
Saan na nga ba kita nakita??

a,,oo naalala kuna!
Nakita kita sa bahay ampunan noon,,ikaw yung kasama ni rochel na multo hindi ba ? na tumulong sa amin noon?

Nagtaka ang babae at sinabi)

Kilala mo ako?
Patay kanarin ba kaya ka narito sa madilim na mundong ito?

Naku hindi!buhay na buhay pa ako,,Hinahanap ko lang ang kaibigan kong si rochel.

"Kilala mo siya?

Oo,,siya ang nagligtas sa akin sa bingit ng kamatayan.
Pero matagal na panahon na iyon nung buhay pa ang bahay ampunan ni mrs veron.

Kung ganun,,,Paano ka nakarating sa mundong ito?

Hindi kp pwedeng sabihing nasaa akin ang upuang iyon,,tiyak na ako ang sisisihin kapag nagkataon.
Anong gagawin ko!

Agad iminulat ni ruben ang kanyang mga mata upang maiwasan ang katanungang iyon sa kanya ng babae.

Gusto ko munang pumunta sa ospital upang kausapin ang ina ni rochel,,tiyak kong hindi niya alam ang nangyayari sa ngayon.

Samantala paalis na sa ospital sina rochel,veron at rommel.
Nakasakay ang mga ito sa magarang sasakyan.

Hindi naman makapaniwala si rommel sa mga nangyayari sa kanila,,biglang yaman ang mga ito at meron narin silang sariling bahay na napakalaki at napakaganda.

Napapangiti si rommel sa mga nangyayari sa kanilang buhay,,samantalang si veron ay nag aalala sa nga nangyayari ngayon sa kanila

"Mama! saan niyo gustong pumunta ngayon?
Wala anak,,mananatili lang ako sa tabi mo.

"Ikaw papa saan ang lakad mo ngayon?
Naku anak,,meron sana akong pupuntahan kayalang naubos na ang perang sinahod ko,,pinambayad sa ospital.

Hindi kumibo si rochel at agad binuksan ang isang malaking bag sa kanyang tabi at kumuha ng dalawang bandel na pera.

Na lubos na ikinagulat ni veron,,
Na ikinasaya naman ni rommel.

Maraming salamat anak,,ang masaya niyang sabi

Sige anak bababa na ako rito,,susunod nalang ako sa bahay natin. Ang pag papaalam ni rommel sa kanyang anak.

Pero rommel!
Teka lang!

Okay lang ako mama!hayaan niyo lang si papa.
Ang saad ni rochel sa kanyang ina.

samantala
Pagkarating na pagkarating palang ni ruben sa ospital ay agad na siyang nagtungo sa silid kung saan naroon si rochel.

Ngunit wala na siyang nadatnang tao roon.
Naku!
Mukang nakaalis na sila!
Saan ko ngayon sila hahanapin!?
Ang naguguluhan na niyang sabi.

Nang biglang lumitaw sa harapan niya si shaina ang kaluluwang nakita niya sa kadiliman kani kanina lang.

Owww! nakakagulat ka naman!
Bigla bigla kanalang sumusulpot!

Umalis na sila kanina pa!,,Patungo ngayon sila sa Villa Mendoza kung saan makikita ang pinaka malaking bahay roon!

Ano?
Doon din ako nakatira!
Malapit lang kami sa bahay na iyon!
Magmadali ka at lutasin mo ang problemang ito!

Kung hindi ka sana nakialam noon!tapus na sana ang kaguluhang ito!
Ang saad ni shaina bago ito tuluyang naglaho.

Anong ibig niyang sabihin?
Alam na kaya niya ang totoo??
Ang naguguluhan niyang tanong sa kanyang sarili.

"Pero paano?
Paano niya malalaman ang bagay na iyon!!
Na tanging ako lang ang nakakaalam!
Hindi kaya napansin na niya kanina!

Ang upuang iyon lang ang tanging may kakayahang magtungo kung saan,,kaya wag mo nang ikaila pa!
Ang sabi ng babaeng tinig,,dahilan upang magulat ito sa kanyang kinatatayuan.

Magmadali ka!!
Kung ayaw mong mahuli ang lahat!!

ROCHEL BAHAY AMPUNANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon