XII: Chartreuse In Between

3.9K 163 8
                                    

Adria


Saka palang nagising sa pagkatulala ang propesora. "Oh dear, oh dear, oh dear! Take her to the—" Bago pa man nito natapos ang sasabihin, mabilis pa sa hangin na kumilos si Cyan. Like a strong gust he carried the still unconscious girl lying on the ground. Itinakbo niya 'to sa infirmary.

"All right, everyone calm down, and return to the classroom for now." Sinimulang palakarin ng propesora ang lahat ng sophomore pabalik sa kani-kanilang silid aralan. "Ms. Serrano, please take Mr. Ludivice to the infirmary," pakiusap nito bago tinungo ang head office para siguro i-report ang nangyari.


Saglit kong pinagmasdan si Klaude bago siya nagawang tanungin. "Y-you okay?" Inalalayan ko na rin siyang tumayo.


"Never been better." Nakaakbay niyang wika sa 'kin habang tumatawa.


Maliliit na hakbang ang ginawa namin patungo sa infirmary. "Normal na lang ba ang magpatayan sa mundong 'to?"


"Kung magsalita ka parang hindi ka tagarito," tugon ni Klaude na nakapagpahinto sa 'kin sa paglalakad. Nakalimutan kong hindi nga pala nito alam na galing ako sa ibang mundo. "This is an everyday thing, baby. You don't have to worry." Sinabayan niya ang sinabi ng kindat.


Nakahinga naman ako nang maluwag ng hindi niya na inungkat pa ang nabanggit ko. Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad. Napatitig ako sa mukha niyang halatang may iniinda. Bukod sa sakit ng katawan, tiyak na masakit din ang kalooban niya dahil sa pagkatalo.


"You don't have to take what happened seriously." I said to console him that he just openly laughed at. "Ano'ng nakakatawa?" inis ko nang tanong.


"You have nothing to worry about. Wala sa 'kin 'yon," saad nito nang may ngiti.


Ramdam ko ang sensiridad sa salita niya. Mukhang hindi nga big deal sa kanya ang nangyari kahit pa ganyan ang inabot niya habang si Cyan ay walang malalang tinamo.


"This way." Mabilis kaming iginiya ng nurse nang makapasok kami sa pintuan ng infirmary. Inihiga nito si Klaude sa isang bakanteng kama bago sinimulang linisin ang mga sugat.


"Are you really fine?" Naulinagan kong sabi ng boses na natitiyak kong kay Cyan.


Bahagya kong hinawi ang kurtinang tumatabing sa kinalalagyan namin ni Klaude. I noticed shadows from behind another white curtain that's just a few beds away .


"I-I'm okay," malumanay na sagot ni Chartreuse. Most probably, she said it with a smile on her face, like the usual.


"I apologize for involving you."


Natigilan ako sa narinig, para pa nga akong nasampal. Ang masamang pakikitungo niya sa 'kin, kahit kailan ay hindi niya inihingi ng tawad tapos ngayon madali niya lang nasabi ang mga salitang 'yon sa ibang tao. Sampal ang ginawa niyang 'yan sa pagkatao ko.


"N-no, it's okay. Gasgas lang naman ang mga 'to." Kahit pagtakpan niya, wala siyang mapapaniwala na hindi malala ang naging pinsala sa kanya ng malakas na atakeng sinalo niya kanina. Baka nga nasunog na lang siya, kung hindi balot ng protective spell ang suot niyang uniporme.

Power Within I: Fated to Meet (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon