XIX: Will Love Conquer All?

3.4K 156 20
                                    

Cyan


It didn't took me long to realize where Adria could be, which I hopefully wished to be just a wrong guess. Hinihingal akong napahinto sa tapat ng isang malaking nakabukas na pinto. The door to the library of unknown spells has been opened inspite the truth that only elemental masters has the power to unseal the especially charmed door, for the purpose that it imprisons something evil. Mother was right, everything that's happening right now is part of the enemy's plot. The turmoil all around the castle was just a diversion!


Nakakailang hakbang pa lang ako nang may humarang sa daraanan ko. "As expected." Klaude pointed his wand at me. In response I did the same.


From my peripheral view, I took notice of a shadow from the end of the room. Hindi ko na kailangang hulaan kung sino ang nagmamay-ari sa anino. The expanding burning light made what she's doing not so difficult to miss. The fire sphere prison where the Cryo sorceress' soul is sealed, was made by a Flaminghearst, therefore only a descendant of their kin can undo the seal.


Ibinalik ko ang buong atensyon sa kaharap. Isang maling kilos at pwedeng ako ang unang magtamo ng pinsala. "Adria?" Pagkukunwari kong nakita ang tinutukoy sa likuran niya na nakuha naman ang kanyang atensyon. Agaran kong itinumba ang pinakamalapit na bookshelf at tumakbo para makapagkubli.


Nag-echo ang humahalakhak na boses ni Klaude sa silid. "I can't believe I fell for such an old trick." Napalitan ng tunog nang tumatamang sapatos sa sahig ang tawa. "Alam mo naman na kung ano ang mangyayari, Cyan. Kahit anong gawin mo hindi mo na mapipigilan ang nakatakdang maganap."


Kung hindi ako kikilos sa kinalalagyan, hindi niya matutunton ang kinaroroonan ko, pero magkakatotoo ang sinasabi niya kung nandito lang ako at magtatago. Pasilip-silip sa mga siwang na maingat akong lumipat sa bawat madaanang shelf para unti-unting makalapit sa kinaroroonan ni Adria, habang kasalukuyang sinusuyod ni Klaude ang silid.


"Anyway, isn't my Chartreuse something?" dugtong niya na saglit nakapagpahinto sa 'kin.


"Are you her master?!" Hindi ko napigilang isigaw.


"Do I have to answer that?" Hindi pumasok sa isip ko na siya na mismo ang pasimuno sa lahat ng nangyari sa Elixir noon, hanggang sa ngayon. Imposible kasing magkaro'n siya nang gano'n kalakas na kapangyarihan. "I bet you're doubting me as if I'm lower than you!" Saktong natangpuan niya ang kinalalagyan ko ay nagpakawala siya ng isang uri ng itim na mahika na kung hindi ako nakayuko ay tinamaan na 'ko.


Nagbato ako ng atake bago nagtagong muli. What he used was surely dark magic. Magiging mapanganib ang sitwasyong 'to para sa 'kin. Hindi rin ako madaling makakalapit kay Adria kaya nagkasya na lang akong kausapin siya mula sa malayo.


"Adria, stop whatever you're doing!" sigaw kong hindi kumikilos sa pinagkukublian. "Don't destroy what mother built for you!"


"Nagsasayang ka lang ng laway!" Sunod-sunod akong pinaulanan ni Klaude nang muling matagpuan.


Kahit papa'no, nagawa kong makaganti sa bawat bato niya sa kabila nang panay kong pag-ilag. Dahil sa naging palitan namin, nagsipagbaksan ang karamihan sa mga istante. Dark magic is far from normal spells, it can't even be compared to combat spells. One hit, and I'll be obliterated. Hanggang sa huling binitiwan naming atake, hindi namin natamaan ang isa't isa.

Power Within I: Fated to Meet (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon