II: Abducted By A Stranger

7.4K 229 10
                                    


Adria


Lalo akong napatda nang bigla kaming lamunin ng asul na liwanag. Hindi ko alam kung dapat ko bang mas ipagsiksikan ang sarili sa lalaking nakayap sa 'kin dahil sa wala akong ideya sa kung ano na ang nangyayari.


All that I'm witnessing is confusing and upsetting me to the core. Also, the fact that mom and dad aren't my real parents is tormenting me inside. Muntik nang tumulo ang luha ko na napigil lang nang balutin ng kadiliman ang buong paligid.


"A-ano'ng nangyari?" Muli akong nagpumiglas. I hate darkness.


"Stop moving!" Pigil ng lalaki sa pagpipilit kong makawala.


"I don't take orders from anyone! It became dark, in case you didn't notice!" I hissed sarcastically.


"I'm with you. Don't act stupid. Baka kung saan tayo mapadpad!"


Naningkit ang mga mata ko sa inis.  Mas nilakasan ko pa ang pagpiglas na ginantihan niya lang nang mas mahigpit na pagyakap sa 'kin.


Everywhere I look all I can see is darkness, but why is that I can see myself and him clearly? Napatingala ako sa kanya na sa harap lang nakatuon ang atensyon kahit pa wala namang kahit anong matatanaw. He's really the guy in the same dream I'm having countless of nights. Ngayon, totoo na siya. Hindi tamang hayaan ko lang siya na dalhin ako kung saan gaya ng laging nangyayari sa panaginip ko. Muli akong nagpumiglas. I tried freeing myself with everything I've got, but before I could do so, another light coming from I don't know where blinded me. Kasabay n'on ang pakiramdam na tila ako nahuhulog. Napatili na lang ako nang luminaw ang nakikita ko sa paligid. We're up in thin air and is really falling from a great height!


"This is what I'm avoiding!" Nakatunghay sa'kin ang nakasimangot niyang mukha. "Your going to get us killed!" paninisi pa nito.


I was left speechless. All I could think of was the pain that I'll soon feel in every part of my body.


"Kumapit ka sa 'kin kung mahal mo pa ang buhay mo!"


Wala akong nagawa kundi ang kumapit nga sa kanya nang mahigpit. I braced myself and closed my eyes as we approach hard earth. Nagsimula na naman siyang umusal ng mga salita gaya ng ginawa niya kanina. My body started to weigh less. I felt somewhat floating.


"Malayo pa 'to sa dapat na destinasyon natin," galit niyang wika nang magmulat ako ng mga mata.


Napamaang ako dahil sa liit ng distansiya sa pagitan ng mga mukha namin. What I'm feeling against my back is definitely solid ground. Nakaibabaw sa 'kin ang letseng lalaki habang nakasandal ang dalawang kamay nito sa lupang kinahihigaan ko. The position was enough to make me notice his facial features. His eyes were so blue... like the deepest unknown part of the ocean. I'll drown just by staring at it. Then there's his lips. Natigilan ako nang mapansing tahimik lang din siyang nakatitig sa 'kin.


"Like what you're seeing?" He said with a sarcastic tone. He's even frowning.


Power Within I: Fated to Meet (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon