Adria
"Ramwickles passed, next Rodenhart." Boses lang ni propesor Thadius ang umaalingawngaw sa malaking koliseo na nasa kanang bahagi ng courtyard habang nagtatawag ng mga pangalan.
"Adi, are you ready? I believe you'll be next," sabi ni Klaude habang mahigpit na hawak ang kamay ko.
"Yes! I'm definitely ready!"
My eyes wandered, every third year is with their guardian, waiting nervously for their names to be called. For what's commencing right now is the long awaited senior guardian qualification exam.
The examination will determine who among the third years will be appointed as senior guardians on their fourth year at Elixir.
Pagkalipas ng isang oras at kalahati ay muling nagsalita ang propesor sa unahan. "Rodenhart failed. Step forward, Serrano."
Lumakas ang kabog sa dibdib ko matapos marinig ang pangalan ko. I did every sort of preparation possible to this day, still I feel anxious on what's going to happen. Idagdag pa na hindi lang mga third year ang nandirito, pati mga estudyante galing sa ibang year level ay nanonood. Will I emerge victorious, or will I make a fool out of myself in front of everyone.
"Here are the rules," panimula ng propesor. "One; you must retrieve a certain object from the beast. Two; you are only allowed to use weapon spells, and lastly, you must finish your task within the given time. Understood?"
"Clearly, professor." Naisagot ko kahit hindi ko na alam kung nasaang parte na ng katawan ko ang puso ko.
"Always remember that there are enough professors present at this very moment. We will make sure that you'll be safe under any circumstance, do not fear," the instructor assured.
I looked around, truly the professors are in position. Nabawasan ang takot at kaba sa dibdib ko kahit papa'no. Hindi sinasadyang nahagip ng paningin ko si Cyan, nakapuwesto 'to sa tabi ni Chartreuse habang nakapagtatakang sa 'kin nakatingin.
I averted my eyes, there's no need for us to make eye contact. Kung maaari nga ay ayoko na rin siyang nakikita pagkatapos nang nasaksihan ko. Muli kong isinaksak sa isip ang halik na iginawad niya kay Chartreuse. Sapat nang dahilan 'yon para kalimutan ko siya.
"If you feel like giving up in the middle of the examination just raise a white flag with your wand," saad ng propesor sa tabi ko na umagaw sa 'king atensyon.
The test area is on lower ground. The espectators' seat are elevated. Maihahalintulad 'to sa sinaunang koliseo sa roma kundi lang sa mga nagtataasang puno at malalaking bato na sinadyang ipuwesto sa mismong paggaganapan ng eksaminasyon. Inilagay 'yon para mapagkublian ng mga examinee, na sa tingin ko'y kulang pa. I would've asked for a mountain if given the chance.
"Ms. Serrano, you'll be dealing with a wyvern." Nalunok ko ang sariling laway pagkatapos ng tinuran ni propesor Thadius. "You must retrieve a toe nail within thirty minutes." This examination isn't a joke, I might end up with a broken bone with just a single mistake.
