Cyan
Eyeing the concrete wall in front of me did me no good. I just wasted a few seconds of my valuable time. The premise behind that very wall, was supposed to be a school. Pero kahit saang anggulo ko 'yon tingnan, hindi ko 'yon maituturing na lugar para sa karunungan. Malayong-malayo 'to sa pamantasan na kinagisnan ko. Hindi rin ako mapalagay sa suot kong hindi pamilyar sa 'kin na kinailangan ko lang naman para hindi makatawag pansin. Labag sa kalooban ko ang makibagay sa mundong kinalalagyan ko ngayon.
Tinungo ko ang mas tagong parte ng eskuwelahan mula sa labas. After making sure that there's no one around, I took my wand from underneath my shirt. "Light as a feather, swift as the wind. Heed me, Aurae," bulong ko kasabay nang pagwasiwas sa aking hawak.
Dahil do'n, nagawa kong makatalon pataas ng pader na tila kasing gaan ng balahibo.The spell can only last for a few seconds, and as I reach the ground on the other side of the towering wall, it instantly wore off. Maingat kong ikinubli ang sarili sa isang mayabong na halaman bago lumipat sa susunod na ligtas na mapagtataguan.
At will I can easily make myself inconspicuous; invisible to the naked eye, but I hate using magic for everything. I'm not the type to abuse the power I possess for such little things.
As my eyes wander, I effortlessly spotted the 'Fated one' who's surrounded by Vassals; humans so as they are called.
"Sige na. Give me your answer."
"Go on, I'm listening," sagot niya kahit pa halata naman na hindi talaga siya interesado sa gustong sabihin sa kanya ng kaharap niya.
She's sitting atop a table with her legs crossed. May lalaking halos nakaluhod na sa paanan niya. Sa likod, nakatayo ang tatlo pang mga babae, na sa unang tingin lang, masasabi nang utusan niya ang mga 'to.
"I've been courting you for as long as I can remember. Haven't I done enough?"
Ngumiti lang siya at buong kumpiyansang nagsalita. "Sorry, enough isn't in my vocabulary."
Nangunot ang noo ko sa narinig.
"I love you, Adria. Please be —"
"Shhhh." Ikinumpas niya ang hintuturo at sinaway ang nagsasalita kaya natigilan 'to. Sinuri niya pa 'to ng tingin bago nagsalita. "Honestly speaking, I didn't even noticed what you did. Nanligaw ka ba talaga?"
Napalitan ng pagtataka ang ekspresyon ng lalaki. Balak pa sana nitong magsalita pero pinigil na naman niya.
"No need to explain anything. Just get out of my sight."
"N-no. Bigyan mo 'ko ng chance," pagmamakaawa nito. "Kahit ga'no pa katagal abutin, maghihintay ako. Just acknowledge me, Adria. Please."
I shook my head in bewilderment. He must be really dumb to beg someone with that kind of attitude. Vassals really are such weak beings. They don't have any pride in their existence.