III: Beyond Another Realm

6.6K 223 8
                                    

Adria


If only I could drop for eternity, which isn't the case. It was indeed a very long fall, but I still ended being swallowed by water. Pikit-mata kong naramdaman ang pagbalot ng tubig sa buong katawan ko. Kahit anong kampay ang gawin ko sa mga kamay at paa, hindi ko maiangat ang sarili. I gave up the struggle. Naghihintay na lang ako na maubusan ng hangin nang may naramdamang pumulupot sa bewang ko. Madali kong iminulat ang mga mata. Panandalian akong nablanko dahil sa nasasaksihan. Cyan is holding unto me while he himself is having a hard time resurfacing. Nang marating ang ibabaw ay agad niya 'kong binitiwan habang ako, isinusuka ang nainom kong tubig.


I was breathing heavily when I finally took notice of the surrounding. Nasa isang lawa ako na ngayon ay hanggang bewang ko na lang ang tubig samantalang kanina lang ay halos lamunin ako ng lalim n'yon. The horned serpent and the old well were nowhere to be seen.


Hinanap ko ng mata si Cyan na nasaktuhan kong umaahon na. Just as he set foot on the mossy ground, his raiment instantly dried up. Pumasok sa isip ko ang nangyari kanina nang salagin niya ang pangil ng taong lobo. It must have been his clothes that protected him, just like what it did now.


Gumapang ang ginaw sa katawan ko dahil sa biglaang ihip ng hangin. Aahon na rin sana ako na hindi ko nagawa dahil sa kung anong pumigil sa 'kin.


"You've already crossed the boundary between realms," walang lingon-lingon niyang saad na kasalukuyang inaayos ang suot na damit. "Shouldn't you be getting out of the water by now?"


"If I could, I would!"


Bakas ang pagkairita sa mukha niya nang balingan ako. Saglit siyang natigilan pero agad ding bumalik sa normal ang ekspresyon niya. "That's a merfish," kalmado niya pang wika.


The predicament I'm into didn't got him perturbed. Not in the slightest! Samantalang halos hindi na 'ko huminga dahil mula sa likuran ko ay nakakapit sa magkabilang balikat ko ang kung anong nilalang na tinutukoy niya. I didn't dare face its direction. I'm too petrified to move even an inch away from it. I only managed to get a peek of its blue skin from the corner of my eyes. Damang-dama ko rin ang mahahaba at mabubuto nitong daliri na tila may palikpik. And I'm pretty darn sure that it has very sharp claws. I thought the gigantic snake was the last creature I'll be crossing paths with, I was gravely wrong.


"It's a half man, half fish critter that lives through flesh and blood." He added as if it wasn't a big deal. Naiwang nakaawang ang bibig ko. "No need to make a fuss," saway niya. "Hindi ka kakainin n'yan hangga't hindi mo siya tinitingnan sa mga mata. It hyponitizes its prey before sinking its teeth unto it."


By no means, no person in its rightful mind can stay calm after hearing all that. "For Pete's sake, do something!" I almost screamed my lungs out.


Matagal niya 'kong pinagmasdan, para siyang nang-iinis. Mayamaya'y umakto siyang may ilalabas galing sa damit niya. Sukat do'n, mabilis na bumitiw sa 'kin ang nilalang. Nagkukumahog akong umahon at napaupo na lang sa damuhan nang matiyak na ligtas na 'ko. Tilamsik ng tubig ang huli kong narinig galing sa lawa. Walang nang bakas ng halimaw tubig.


"Tumayo ka na d'yan." Walang pakialam niya 'kong nilampasan, ni wala siyang balak na pagpahingahin man lang ako.

Power Within I: Fated to Meet (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon