VIII: A Secret To Hide

4.5K 180 10
                                    

Adria


Hindi matahimik ang isip ko dahil may kung anong nagtutulak sa 'kin na ungkatin pa ang tungkol sa napag-aralan sa kasaysayan ng Amystrea. Days had already passed, but still my mind is full of thoughts about it. Somehow, I really got curious.


"Hurry up!" Nakabusangot na namang utos ni Cyan. Makakasama ko na naman siya sa loob nang nakamamatay na apat na oras. "Quickly." Lagi siyang parang may hinahabol. Ang apat na oras, ay apat na oras pa rin naman kahit saan pa daanin.


Diretso lang kami sa paglalakad. Marami ring estudyante ang mamamataang papunta sa kung saan. Halos hindi nawawalan ng mga estudyante ang bawat sulok at pasilyo.


"Cyan, can you tell me more about the four families of Elemental Masters?" naisip kong itanong. "We studied some things about them during Magic history class."


Bumagal ang paglalakad niya hanggang sa tuluyan na siyang huminto. Humarap siya sa 'kin na seryosong seryoso ang ekspresyon. Titig na titig siya, pero wala naman siyang sinasabi. He just frowned before walking again in silence.


Paakyat na kami sa isang hagdan nang muli siyang nagsalita. "I'll give you some books that could help you with what you want to know."


Dahil sa kanya natuon ang atensyon ko, huli na nang namalayan ko ang maling pagtapak ko sa baitang. Sinubukan kong kumapit, pero imbes na sa barandilya, sa nakalahad na kamay ni Cyan ako napahawak. Saktong nagdaop ang mga palad namin ay hinila niya 'ko kaya napasubsob ako sa dibdib niya.


Napaawang ang bibig ko. Mukhang gulat na gulat din si Cyan. Sa ayos naming 'yon, parang yakap namin ang isa't isa. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ko. Unti-unti niya 'kong inilayo sa kanya. He stared at me confused. It's as if he's asking himself as to why he stopped me from falling.


"P-pay attention to what you're doing." Saka niya 'ko tuluyang binitiwan.


Iglap lang ay nakabalik siya sa realidad, habang para sa 'kin, tila ilang segundong tumigil ang mundo. Nagpatuloy ako sa paghakbang kahit hindi pa tuluyang humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Kung hindi pa nga ako nabangga sa likod niya, hindi ko mapapansin ang higanteng pinto na dahilan nang paghinto niya.


"This is Elixir's Library of Magic," he explained dismissing the awkwardness of what I just did.


Itinulak niya pabukas ang malaking pinto. Sinalubong kami nang napakalawak na aklatan. Sa loob, may mga palapag kung saan nakatayo ang mga naglalakihang istante. It's like ten or even twenty libraries merged into one. The whole place is crawling with students.


"Dito kita dapat laging makita." Nagsimula siyang humakbang papasok na aking sinundan. "You should spend hours here, reading.


"Ang alam ko library 'to hindi kulungan."


Tinapunan niya 'ko nang masamang tingin. "This will really serve as prison if you don't study well."


"Si Cyan!"


"It's the black-hearted Prince!"

Power Within I: Fated to Meet (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon