IX: Love At First Sight

4.4K 178 12
                                    

Adria


Mystery of Mana ✓

Summoning Mastery ✓

Spells and Sorcery ✓


Kausap ko ang sarili habang tinitingnan kung tapos na lahat ang klase ko para sa araw na 'to. Bitbit ko rin and ilang mabibigat na libro tungkol sa mga subject ko nang biglang sumulpot mula kung saan si Cyan at ngayon ay kasabay ko nang naglalakad sa pasilyo.


"Did you listen to your lectures properly?"


Ilang araw, linggo at buwan na rin ang lumipas mula no'ng insidente sa library. When he returned after going to who knows where, he acted as if nothing happened. Hindi ko na lang din binigyan ng ibang kahulugan ang naganap at nagpatuloy na parang walang nangyari.


"Do I have to answer that same question every single day?"


Imbes na sagutin ako, tanong na naman ang lumabas sa bibig niya. "What is the source of mana?"


"Mana comes from the power of one's soul. The strength of magic in one's blood."


"How do we replenish mana?"


"It replenishes on its own, but it takes time. It also consumes little strength from the magic user as it replenish. Mana can also be replenished through drinking mana potions." It was as if we were having a pop quiz in the hallway while moving around.


"What is mana needed for?"


Pinanlakihan ko na siya ng mata. "To use magic!"


"Good," komento niya nang makuntento sa mga isinagot ko.


"You don't have to evaluate me each passing day!"


"I have to, that's my task," giit niya. "Walang magagawa ang pagrereklamo mo."


"Ano pa bang gusto mo? Hanggang pagtulog nag-aaral ako?"


Learning magic is fun, but complex at the same time. It may not be as easy as I thought it was, but I'm confident that I am being able to grasp its fundamentals. Hindi rin naman ako nagdadalawang isip magtanong sa mga propesor, kahit pa nga kay Cyan na saksakakan ng yabang kung sumagot.


Pagpasok na pagpasok namin sa cafeteria, umalingawngaw na agad ang nakakatoreteng tilian ng mga tagahanga ni Cyan. Para rin silang mga announcer ng pagdating at pag alis niya araw-araw.


"Study while eating," anas niya habang sinisipat ang menu.


"Buong buhay ko 'yan na lang yata ang gagawin ko habang kasama kita." Naiinis kong binuklat na rin ang hawak na menu. "So, you don't have to remind me."


Sumenyas na siya sa isang diwata na siyang waitress para ibigay ang order niya. Isinabay ko na rin ang sa 'kin. After the fairy went to get our food, Cyan began his normal routine. Isinuot niya ang reading glasses na kinuha niya sa  bulsa at agad na nagbuklat ng malaking libro saka nagpalamon sa sarili niyang mundo. Ganito siya sa tuwing kakain kami, at inaasahan niyang gano'n din ang gagawin ko. Wala naman din akong pagpipilian kaya inilabas ko na lang ang homework ko at sinimulang basahin 'yon. Mayamaya'y dumating na ang pagkain. Basa, subo at nguya, gano'n lang siya at gano'n lang din ako. Ito talaga ang pinaka ayoko, ang makasama siya at walang gawin kundi ang mag-aral nang mag-aral.

Power Within I: Fated to Meet (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon