PART 4: Right Person

16 2 0
                                    


Hindi pala imposibleng mahulog ulit sa ibang tao kahit kakagaling mo lang sa isang hiwalayan. Posible pa lang humilom agad yung sugat na gawa ng isang tao sa buhay mo na dati akala ko hindi ako makakausad.

Tama nga naman sila. Sa buhay natin may aalis o mawawala ngunit balang araw may dadating upang
muling ibalik ang ngiti at tamis ng iyong nawasak na puso.

Naghiwalay man kami ni Brayle, naging bitter man ako noong panahong iyon, ngunit hindi ko nabigyang pansin na may isang tao pala ang palihim na pumapasok sa buhay ko.

Si Ghon Alferes. Na walang ibang ginawa kundi asarin at sirain ang araw ko. Idamay sa mga kalukuhan niya para kaming dalawa ang may parusa. Pero sa bawat gawi niya, unti-unti kong nakalimutan ang sakit na dulot ni Brayle sa akin hanggang sa unti-unti rin akong nahulog sakanya.

"Sabi na e," napailing-iling na saad ni Ghon nang makita ako na nakaupo na sa loob ng jeep.

Bahagya siyang yumuko para makapasok sa jeep at tumabi sa akin. Hindi pa bumyahe ang jeep sapagkat hindi pa puno ang loob.

"Alam mo? Minsan nakakainis ka e." sabi nito habang may kinakapa sa loob ng bag niya.

"Find my paki, please?" malamig kong sagot sa kanya pero sa kalooban ko gusto na talagang lumukso sa kilig ang puso ko habang katabi siya at pasimpleng inaamoy ang pabango nito.

'Shet talaga mga bhe. Ang bango kahit hapon na.'

Samantalang ako, amoy pawis at magulo pa ang buhok na tila ba hindi sinuklay ng isang linggo.

Natawa siya sa naging sagot ko at tumabi pa sakin lalo nang sunod-sunod na pumasok at sumiksik ang ibang pasahero. Maya-maya pa, umandar na ang jeep at nagsimulang bumiyahe.

"Birthday ko ngayon. Wala man lang bang greet diyan?" bulong nito sa akin. Mabilis akong lumingon sakanya na naging dahilan kung bakit muntik ng magdikit ang aming labi. Sandali kaming nagtitigan at ako na mismo ang umiwas ng tingin.

'Awkward'

"Happy birthday." bati ko sakanya nang hindi tumitingin.

Mula sa gilid ng mata ko, nakita ko ang pagsingkit ng kanyang mata dahil sa pag ngiti nito. "Hindi na pala ako tumatanggap ng greetings. Kaninang umaga pa kita hinihintay na batiin ako kaso binati mo nga ako kaso pinapaala ko naman sayo." mahabang sambit nito.

Lumayo muna ako ng kaunti sakanya bago nilingon siya, "Talaga ba? Pero ayos lang hindi naman sasakit ang apdo ko kung hindi mo tatanggapin." pangbabara ko pa.

Ngumisi siya sa akin, yung ngisi niya tila may pinaplano. Inirapan ko na lamang siya at hindi na pinansin pa.

Minsan kulang sa pansin talaga 'tong si Ghon.

"Manong. Bayad naming dalawa nitong katabi ko," nginuso ako ni Ghon habang inabot ang bayad. "Dito nalang kami,"

Kumunot ang noo ko. Anong dito nalang kami? E, ang layo pa nga sa amin e!

Hinawakan ako ni Ghon sa pulso ko at hinila na pababa nang ihinto ni Manong ang sasakyan.

"Hoy! Huwag mo nga akong idamay ulit sa mga kagaguhan mo!" hinila ko ang wrist ko kaso mahigpit ang pagkakahawak ni Ghon sa akin. Napatingin sa amin ang kasabayan naming pasahero na may tingin na 'LQ na naman ang dalawa ah.'

"Ano ba hoy!"

Binitawan na ako ni Ghon nang makababa kami. Tinaasan lang niya ako ng kilay na may ngiti pa sa labi nito.

Argh. Nakakaasar talaga ang ngiti niya!

"Galit now, thank you later."

Mas lalo pang kumunot ang noo ko sa pinagsasabi nito.
"Baka galit pa rin later! Tang* ka!"

A Love That Was Never Meant To Be [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon