Nakarinig ako ng malakas na preno ng sasakyan, nakabibinging busina, at di mapagkakailang sigawan ng mga tao. Mga tao!
"Hoy!" sigaw ng drayber ng jeep. "Hindi ka ba tatabi?"
Mga ilang saglit pa bago nasanay ang aking mga mata sa liwanag hangang sa dahan-dahang nabuo ang mga imahe sa aking paningin. May isang IKOT jeep sa aking harapan, binubusinahan ako ng drayber nito. May mga sasakyan pang dumaraan sa tabi ng jeep. May mga taong naglalakad sa sidewalk, ang iba nakatingin sa akin. Nang dilat na dilat na ang aking mga mata, napuna kong tirik na tirik na ang araw. Nang sinuri ko ang aking paligid, saka ko pa lang napagtanto kung nasaan na ako.
Nasa gilid ako ng Benitez Hall at sa harapan ko ay ang Schuster St. sa pagitan ng UP Integrated School at Vinzons Hall.
Nakabalik na ako ng UP Diliman.
BINABASA MO ANG
Sutsot (Short Story)
FantasyLingid sa kaalaman ng kanilang superior officers, at taliwas sa provisions ng UP-DND Accord, pinasok ng isang pangkat ng ISAFP agents ang UP Diliman--sa College of Education--para dakpin ang isang professor na pinaghihinalaang recruiter ng mga NPA. ...