LUNANapamulat ako nang may sunod sunod na tumapik sa pisnge ko. nang makita na si ate ito ay pumikit nalang ulit ako. I'm still sleepy ang sakit din ng ulo ko
"Avy, wake up malalate kana" tapik muli nito sakin.
Pinilit kong imulat muli ang mga mata ko at tumingin sa paligid, nanlaki ang mga mata ko nang mapag tantanong hindi ito ang room ko.
"Your drunk last night" napatingin ako kay ate nang magsalita ito
Kaya pala wala na akong maalala, pero ang alam ko hindi ako nag inom kagabi ang huli ko lang naaalala ay yung pag kausap sakin nong lalaki.
"Hindi ako nag inom" sapo sapo ang ulong bumangon ako.
Tumayo na rin si ate at tinaasan pa ako nito ng kilay, well wala namang bago
"Maligo kana. kanina pa tumatawag si dad, call them after mo maligo" she said at lumabas na tanging tango nalang ang naging sagot ko
Kung itatanong niyo kong bakit hindi nakatira si ate sa bahay, well may hindi sila pagkakaintindihan ni dad kaya umalis nalang si ate sa bahay.
Pagkatapos ko maligo ay kinuha ko ang cellphone ko. pagbukas ko pa lang ay sunod sunod ang tunog nito, napairap na lang ako sa kawalan nang makita ang pangalan ng mga kaibigan ko. alam kong puro kolokohan nanaman yan. inuna kong buksan ang message ni Rachel dahil siya ang kasama ko last night para matanong kona rin kong sinong naghatid sakin dito kay ate
Rachel Lucien
hoy babaeta ka nakauwi kaba sainyo? baka nasa ibang bahay kana ako pa malalagot nito sa daddy mo eMarami syang message sakin pero ayan ang nakakuha ng attention ko. so that means hindi siya ang naghatid sakin dito? kung hindi siya sino naman ang maghahatid sakin dito? posible naman na si ate, e hindi nga nagpupunta yun sa ganong lugar, naputol ang pag iisip ko ng malakas na tumunog ang cellphone ko. si dad lang pala
"Hello dad? baka mamayang dinner po ako makakauwi dito po kasi ako kay ate natulog dahil malakas ang ulan kagabi kaya dito nako natulog" mahabang sabi ko dito dahil alam kong magtatanong siya kaya inunahan kona. buti nalang talaga nakasanayan kona magsinungaling kay dad.
"Make sure na makakauwi ka mamaya before dinner, may mga bisita tayo kaya wag kang mawawala" he said hindi ko nalang tinanong kong sino magiging bisita namin kasi wala naman akong pake, charott baka kunin nako ni god dahil sa sama ng ugali ko.
"Okay, dad. noted"
Pagkababa ko ay nakita ko si ate na hinahanda niya ang mga niluto niya sa lamesa, swerte talaga nang magiging asawa ni ate in future dahil bukod sa maganda siya ay magaling pa magluto. edi siya na ako kasi nabuhay lang para may maganda dito sa mundo
"Eat now, Avy. you look stupid" Pairap na sabi sakin ni ate. minsan talaga ang sarap tusokin nang mga mata niya.
"Masusunod po mahal na reyna" Sarkastiko kong sabi sa kanya.
Hindi man lang ako nakahuha ng sagot dito dahil inirapan lang ako at nauna ng kumain. tignan niyo tong si ate hindi man lang inantay ang maganda niyang kapatid.
"Sinong naghatid sakin dito kagabi?" tanong ko sa kanya sa kalagitnaan ng pagkain.
"Don't talk when you're eating" Seryoso nitong sabi. hmp tatanong lang e
"Sumabay kana sakin" Napalingon ako kay ate nang magsalita ito.
"Sasabay naman talaga ako sayo, alangan namang lumipad ako" Sarkastiko kong sabi. nagiging ganito talaga ako pagdating kay ate.
"Dami mong sinasabi" Iritang sabi nito sabay sakay sa sasakyan niya. apaka sungit talaga
Sumakay nalang din ako dahil malalate na kami. first day of school pa naman ngayon, 2rd year college na ako and I'm already 19 yrs old tatlo kaming magkakapatid pero ako ang pinaka maganda este pinaka bunso
"Tinawagan mona ba si dad?" Basag ni ate sa katahimikan
"Nakausap kona siya. sabi niya umuwi raw ako mamaya before dinner, sasama kaba?" matagal tagal na rin hindi nakakapunta itong si ate sa bahay kaya yayain kona para naman may taga pagtanggol ako don sa isa kong kapatid sa bahay na saksakan ng yabang.
"Yeah." Ay taray ang cold. parang ang walang kwenta kong kausap ah
"Alam mo ate, buti bumawi ka sa ganda dahil sa sobrang pagkamasungit mo" Siguro kong pangit to si ate baka wala ng kumausap sa kanya
Hindi ko nga alam paano naging professor to dahil sa sobrang pagkamatipid magsalita. yes oo professor siya sa university na pinapasokan ko, buti nga ay hindi ko ito naging prof. nong 1st year college ako.
"Yeah, I know. ikaw kailan ka babawi sa ganda? bukod sa mukha kang dugyot ang daldal mopa" Sinamaan ko ito ng tingin pero nginisian lang niya ako, duh sa ganda kong ito sasabihan niya ako ng dugyot?
"Babawiin mo yang sinabi mo o babawian kita ng buhay?" Singhal ko sa kanya
"We're here" Pag iiba nito sa usapan at lumabas na nang sasakyan niya, tignan mo talaga lagi nalang ako hindi hinihintay
"Tigil-tigilan niyo nga ako kakasabi ko lang na kay ate ako natulog kagabi. gumagawa nanaman kayo ng issue" Iritang sabi ko sa mga kaibigan ko.
kanina pa nila akong kinukulit na may na bigwit daw akong lalaki. nako kung alam lang nila paano ako nangdiri sa lalaking lumapit sakin kagabi sa bar.
"Weh? so sino yung kausap mong lalaki last night? talagang iniwan mopa ako dahil sa kanya" Nagtatampong sabi ni Rachel. napairap nalang ako sa kawalan dahil sa kakulitan nila
"Asus wag kana mahiya samin parang hindi mo naman kami kaibigan" Singit pa ni Seven na may mapang asar na ngiti.
"Kapag talaga hindi kayo tumigil itatakwil kona kayo. wag niyo sirain araw ko ngayon baka bigwasan ko kayo isa isa" Inis kong singhal sa kanila
"Kalma, kaya ka nagmumukhang matanda e" Singit pa ni Toby na ngayon lang ata nagising sa realidad dahil sa kaka-cellphone niya.
Siguro kong andito si Chen ay baka mas lalo masira ang araw ko. kung malala mang aasar ang tatlong ito ay ganon naman kalala kay Chen dahil hindi ka niya titigilan hangga't sa hindi nasisira ang araw mo
"Wag kana makisali toby toby. baka gawin pa kitang totobi" Pairap kong sabi pero nagsi-tawanan lang sila.
A/N: goodnight guys