LUNA
Ngayon ang araw na pupunta kami ng probinsya nila Chen kaya talagang gumising kami ng maaga ni Ma'am Elyse para makapag handa malayo layo rin kasi ang byahe mga 8 to 9 hours bago ka makarating sa probinsya nila
"Buti naman dumating kapa." Agad na bungad sakin ni Rachel ng makababa ako ng sasakyan
Iniwan ko muna si Elyse kasi nakatulog siya
Dito kami unang pumunta sa bahay nila Chen para sabay sabay na kami pumunta doon
Dumapo ang tingin ko sa apat na van na magkasunod sunod na naka park sa gilid ng kalsada. siguro ang isa kay Seven habang ang isa naman ay kay Rachel ata dahil ito ang lagi kong nakikitang pang sundo sa kanya sa university
Naks parang hindi probinsya ang pupuntahan namin ah
"Baka kasi hindi kayo tumuloy kapag hindi ako dumating." Ngumiwi lang siya sakin
"Asan sila?." Tanong ko sa kanya dahil siya lang naabutan ko sa labas
"Nasa sasakyan sila Toby, si Chen naman nasa loo--- Gagu bakit kasama mo si Prof Mariano?" Lumapit pa siya sakin para bumulong
Napatingin ako sa likuran ko. Nakita ko si Ma'am na kakababa lang ng sasakyan, naka sunglasses na ito at parang model na naglakad palapit samin
Nagtalo pa kami nyan kanina dahil hindi ko raw sinabi sa kanya na malayo pala ang pupuntahan namin, Kung pinatapos lang naman kasi niya yung sinasabi ko kagabi edi sana nalaman niya
"Parehas pa talaga kayong nagdala ni Chen ng Professor. Mga traydor." Bulong nitong katabi ko kaya agad siyang nakatanggap ng siko sakin
"Dapat hinintay mo nalang ako sa loob ng Van" Tinanggal nito ang sunglasses niya. Bahagya pa niya akong tinaasan ng kilay
"I W-want to pee." Nahihiya niyang saad at nag iwas ng tingin
Parang nabulunan ata ako sa sarili kong laway. rinig ko pa ang pigil tawa nitong katabi ko kaya agad ko siyang kinurot sa tagiliran niya
"Sumunod ka nalang sakin." Nauna na akong maglakad
Nang makita ko ang kapatid ni Chen ay agad ako lumapit dito
"Hoy batang chanak" tawag ko sa kanya kaya agad itong napalingon sakin
"Hindi po ako batang chanak." Naka busangot niyang saad
Tumawa muna ako ng mahina bago siya lapitan
"Alam mo ba nasaan cr niyo?" Tanong ko sa kanya
"Ano pong gagawin niyo sa cr?"
"Kakain siguro ng tae." I said in a sarcastic tone
Tatanong pa kasi.
"Luna, watch your words. She's still a kid."
Nilingon ko si Ma'am na walang ka emo-emosyon ang mukha, naiihi ba talaga to? Ako kasi kapag naiihi hindi mapakali
"Hindi na bata yan. nakakapag lakad na nga e." Sabi ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin
"Hi, baby girl, do not talk to this bi again, okay?" Nakangiti nitong saad sa bata
Kunot noo naman akong tumingin sa kanya. Anong bi pinagsasabi nito? Pinanganak kaya akong straight
"Hoy anong bi ka dyan. pinanganak kaya akong straight."
"Stupid, bad influence not bisexual." Grabeng kahihiyan 'to Luna.
"Where is your comfort room, baby?" Tinuro agad ng kapatid ni Chen ang cr
"Wait me here." Baling nito ng tingin sakin bago maglakad papuntang cr