36

6.9K 178 43
                                    

LUNA

𝖨 𝗐𝗈𝗎𝗅𝖽 𝗋𝖺𝗍𝗁𝖾𝗋 𝖻𝖾 𝗁𝗎𝗋𝗍 𝖻𝗒 𝗍𝗁𝖾 𝗍𝗋𝗎𝗍𝗁 𝗍𝗁𝖺𝗍 𝖻𝖾𝗍𝗋𝖺𝗒𝖾𝖽 𝖻𝗒 𝖺 𝗅𝗂𝖾 -𝖠𝗏𝗒


Kanina pa ako paikot ikot dito sa kwarto, matapos ang  sagotan namin kanina sa labas ng mansion ay sapilitan niya ako pinasakay ng sasakyan niya. ang masaklap pa sa ibang bahay niya ako dinala kaya nahihirapan akong makalabas kasi marami ding mga bodyguard na nagbabantay sa labas



Inis akong naupo sa kama at sinabunutan ang sarili, bakit hindi ko magawang magalit sa kanya kahit ginagamit niya lang ako? tapos ngayon parang ginawa pa niya akong prisoner. gusto ko malaman anong rason niya bakit niya ginagawa to pero hindi naman niya sinasagot mga tanong ko



Pinagkatiwala ko sa kanya pati katawan ko dahil ang akala ko totoo lahat ng pinapakita niya sakin, pero nagkamali lang pala ako. mali ako sa part na basta nalang akong nagtiwala sa kanya kasi minsan na niyang iniligtas buhay ko



Napatingala ako dahil nagsisimula na naman mag bagsakan ang mga luha ko, do i deserve this kind of pain?



Pinunasan ko ang mga luha ko sa mata at nanghihinang humiga sa kama, kanina pa ako rito sa loob ng kwarto pero hindi man lang siya pumasok para tanongin kung okay pa ba ako. hindi naman ako makalabas kasi nilock niya ang pinto



Ilang minuto pa akong nakatulala nang biglang bumukas ang pinto, nanatili lang akong tahimik habang hinihintay na magsalita ang pumasok sa kwarto


"Let's eat."

Tahimik lang ako habang pinapakiramdaman ang bawat kilos niya, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin dahil sa halong halo na nararamdaman ko ngayon. ayokong tignan siya sa mga mata dahil baka madala na naman ako sa mga tingin niya



"I know your mad at me, but you need to eat." Saad niya



"Busog pa ako, makakaalis kana." Paos na sabi ko



Narinig ko ang mga yapak niya at kasunod nun ang pagtunog ng pintuan, napahikbi ako dahil parang sinasaksak na naman ako ng paulit ulit sa puso


"Stop crying."


Napigilan ko agad ang paghikbi ko dahil sa biglang nagsalita, akala ko ba lumabas na siya? buti nalang hindi ako nakaharap sa kanya kasi pati sipon ko tumutulo na


"Lumabas kana."


Parang gusto ko pa i-untog sarili ko kasi napasinghot pa ako, nalasahan ko pa ang sarili kong sipon kaya napangiwi nalang ako dahil sa alat



"Do you hate me?" Halos pabulong niyang tanong



"No, you're just hurting me." Honest kong saad sa kanya



Wala akong narinig na kahit na ano mula sa kanya. nanatili lang kaming tahimik hanggang sa maramdaman ko ang mga kamay niyang pumulupot sa bewang ko


She hugged me.



Hindi ako makagalaw dahil sa bigla niyang pagyakap sa likuran ko. langhap na langhap ko rin pabango niya kaya pinigilan ko ang sarili na hindi madala sa kinikilos niya ngayon



"I-i'm sorry... hate me if that's you want, i don't care. Your safety is more important to me ." Mahina niyang saad at mas lalong hinigpitan pagkakayakap sakin



Anong ibig niyang sabihin sa kaligtasan ko? hindi naman nanganganib buhay ko kaya anong ibig niyang sabihin? hindi ko alam kong rason lang ba niya yan para hindi ako magalit sa kanya. if she really want to protect me hindi niya ako ilalagay sa ganitong sitwasyon



PROFESSOR MARIANO (Editing/Revising)Where stories live. Discover now