LUNA
"Ma'am pwede napo ba akong umuwi? baka po kasi hinahanap nako nila dad." sabi ko sa kanya pagpasok niya sa kwarto
Nauna akong umakyat dito kanina dahil sinabi niyang magpalit ako. mukhang minsan lang siyang matulog dito dahil bukod sa kama, sofa at lagayan ng damit ay wala ka nang makikitang ibang laman.
"No. we will sleep here" sabi nito at pumunta sa walk in closet
Pala desisyon nanaman to si ma'am
"Pero baka nag-aalala na sila dad."nakasunod kong sabi sa kanya. siguradong nagtataka na yun sila dad kung bakit wala pa ako sa bahay
Hindi naman nila ako matawagan dahil hindi ko nalagay yung sim sa bagong cellphone na pinalit ni ma'am
"I already called your dad." malamig nitong sabi. parang kanina lang tinatawanan niya kahihiyan ko tapos ngayon para nanaman siyang yelo, gusto niya siguro lagi akong gumawa ng kahihiyan para mapatawa ko siya
"Sinabi moba yung nangyare kanina?" tanong ko. ayoko na sanang malaman pa yun nila dad dahil alam kong may gagawin nanaman siyang hindi ko magugustohan
"No." tipid nitong sabi kaya nakahinga ako ng maluwag. buti nalang hindi ito chismosa si ma'am
"Ma'am kayo lang ba nakatira rito?" tanong ko sa kanya paglabas niya ng bathroom. nakasuot na siya ngayon nang pajama
"Yeah" malamig nitong sagot. ang lamig na nga dito sa kwarto niya dumagdag pa siya
"Kaya pala walang kalaman laman" bulong ko. totoo naman kasi kung akin ‘to baka magkaroon pa ito ng buhay at mapuno ng iba't ibang gamit
Ito kasing si ma'am okay lang sa kanya na walang gamit basta may mahigaan siya.
"Are you saying something?" tanong nito habang nakataas ang mga kilay. nag transform nanaman siya.
"Ang sabi ko ang ganda naman nitong bahay mo... kaso walang kalaman laman." bulong ko sa huli kong sinabi
Hindi nalang niya ako pinansin at umupo sa kama. may pinapahid nanaman siya sa mga balat niya kaya nag iwas nalang ako ng tingin
"Let's sleep." sabi nito matapos sa ginagawa niya
"Mauna napo kayo. hindi pa naman ako inaantok" sabi ko pero sinamaan lang niya ako ng tingin
"It's getting late." sabi nito sa cold na boses. ang pala desisyon nang isang to
"Oo na, pala desisyon." bulong ko sa huli kong sinabi at umirap sa kawalan. may binulong din siya pero hindi ko narinig dahil sobrang hina
......
Nagising ako sa hindi malamang dahilan. paglingon ko sa likuran ko ay wala na yung katabi ko, saan nanaman kaya nagpunta yun
Bumangon nalang ako kahit inaantok pa ako baka mamaya nyan ay may mangyare pang masama sa isang yun tapos ako ang masisi dahil ako lang naman ang kasama niya dito
Tinignan ko muna ang oras bago siya hanapin sa bahay nyang napakalawak na wala namang kalaman laman. siguro kapag pinasok ‘to ng magnanakaw ay mapapagod lang sila kakasikot sikot dito dahil wala namang kalaman laman.
Pagkababa ko ay wala akong nadatnan na dyosa pumunta rin ako sa kitchen pero wala rin siya ron. dumapo ang tingin ko sa pintuan palabas na medj nakabukas kaya hindi nako nag-alinlangan na lumabas pa
Nang matanaw ko ang pool sa gilid nang bahay niya ay lumakad na ako patungo doon. hindi ko man lang ito napansin kanina, hindi pa ako nakakarating sa pool ng matanaw ko na ang kanina kopa hinahanap na nakaupo sa gilid ng pool habang nakababad ang mga paa sa tubig. may mga iilang bote rin ng alak sa tabi niya.
Grabe namang maglasing ang isang ‘to
"Opss, tama napo yan." agaw ko sa boteng tutunggain nanaman niya
"What the hell luna! What are you doing here?" singhal niya sakin pero hindi ko nalang pinansin at umupo sa tabi niya.
Tinignan ko naman ang mapupungay nitong mga mata. kitang kita ko rin yung pagod sa mga mata niya
"Okay lang poba kayo?" tanong ko dahil mukhang ang laki ng problema niya dahil sa itsura niya ngayon.
"I'm fine. bumalik kana sa kwarto, it's getting late" hindi makatinging sabi niya
"Sabay napo tayo. mukhang napadami kasi inom mo" ayoko namang iwan to dito baka malunod pa e
"I'm not drunk." sabi nito at tinungga nanaman yung boteng may lamang alak. napabuntong hininga nalang ako
"Edi mamaya nalang ako babalik sa kwarto." pagmamatigas ko. siya naman ngayon ang nagbuntong hininga
"Fine. balik na tayo sa kwarto" sabi niya at nauna ng tumayo kaya sumunod nako. baka mag-iba pa ang isip e
......
"Luna." mahinang tawag sakin na nasa likod ko. gising din pa pala siya, kanina kopa pinipilit matulog pero gising na gising parin ang diwa ko
Hindi ko nalang pinansin ang pagtawag niya sakin at nagtanggap na tulog na. baka makagawa pa ako ng kahihiyan kapag hinarap ko siya ngayon
Muntik pa ako mapasinghap nang maramdaman ko ang pagyakap niya sakin sa likuran
"Good night" sabi nito sa mahinang boses. gusto ko sana tanggalin ang pagkakayap niya sakin dahil kakaiba ang epekto nito sakin. pero para naman akong napako sa higaan at hindi makagalaw kaya hinayaan ko nalang
Dumaan ang ilang minuto ay hindi parin ako makatulog. pinakiramdaman ko itong nakayakap sakin kung tulog naba siya
Dahan dahan kong inaalis ang mga kamay niya sakin dahil hindi kona talaga kinakaya. sobrang lakas na rin ng tibok nang puso ko
Ingat ingat kopa itong tinatanggal para hindi siya magising. makakahinga na sana ako ng maluwag dahil malapit kona matanggal. pero nasinghap nalang ako ng tuloyan dahil lalong humigpit ang pagyakap niya sa akin.
A/N: GOOD AFTIEE!