14

5.7K 166 8
                                    

LUNA

"Ma'am sigurado po bang dito kayo nakatira? Baka hindi po tayo papasokin nang guard." Pagkuha ni manong sa atensyon ko

Pauwi ako ngayon sa bahay. tinakasan ko lang si Ms. Mariano dahil hindi ko siya kayang harapin dahil sa nangyari kagabi

Matapos kasi ang mapusok naming halikan ay tinulak ko agad siya at tumakbo na agad palayo sa kanya, hindi ko naman sinasadya na sabayan yung halik nadala lang ako nang iba't ibang emosyon ko.

𝘚𝘶𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘣𝘪𝘩𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘯𝘢𝘨𝘶𝘴𝘵𝘰𝘩𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘩𝘢𝘭𝘪𝘬 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘢𝘺𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘵𝘶𝘮𝘶𝘨𝘰𝘯 𝘬𝘢, What?! No It's a big NO.

Dala ko rin ngayon si Yelo na kasaluyang natutulog nang mahimbing sa lap ko, Hindi ko 'to pwedeng iwan kay Ma'am. baka ibitay pa niya.

Alam kong magagalit sakin yun si Ma'am dahil matapos niya akong bilhan nang napakamahal na pusa ay tinakasan ko lang siya

"Ma'am okay lang poba kayo?" tanong muli ng taxi driver sakin, 𝘓𝘶𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘰 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘭𝘶𝘯𝘢

"Ay sorry po kuya, opo dito po ako nakatira" sabi ko sa kanya at ngumiti ng pilit

Parang naiwan yung utak ko sa nangyari kagabi. halos wala na akong tulog dahil hindi yun maalis sa isip ko, 𝘍𝘪𝘳𝘴𝘵 𝘬𝘪𝘴𝘴 𝘬𝘰 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘺𝘶𝘯!

"Pwede po bang kayo ang kumausap Ma'am?" Tanong sakin ni Manong kaya nag sige nalang ako

"Kayo po pala yan Ma'am, Luna." Nakangiting sabi nang guard ng makita niya ako. Agad niya rin kaming pinapasok nang sinabi kong uuwi ako sa amin

"Manong dito nalang po." sabi ko kay manong kaya agad siyang huminto

Agad ko naman sa kanya inabot ang bayad at bumaba nang taxi habang buhat buhat si Yelo

Sa itsura ko ngayon mukha akong nanay na nilayasan ang asawa habang buhat buhat ang anak

Napailing nalang ako dahil sa naisip ko

"Manang, Asan po sila daddy?" tanong ko sa isang kasambahay namin nang makapasok ako sa bahay

"Magandang umaga po Ma'am, Luna. nasa kitchen po si sir Adam, Kasama po niya ang mga kaibigan niyo." Sagot niya sa tanong ko, tumango nalang ako at ngumiti ng pilit

Tsaka ano raw? Andito mga kaibigan ko? Ano naman kaya ang ginagawa nang mga bruhang yun dito sa bahay namin.

Hindi pa ako nakakarating sa kitchen ay narinig kona ang malakas na tawa ni Rachel, Grabe talaga tumawa ang bruhang to. parang may microphone ang bunganga

Ibinaba ko muna si Yelo sa sofa at naglakad na muli papunta sa kitchen, nang matanaw ako ni Rachel ay agad itong sumigaw kaya napairap nalang ako

"OMG! ANDITO NA SI LUNA!" sigaw niya kaya napatingin silang lahat sakin

Halatang kakatapos lang nilang kumain dahil sa mga kalat sa lamesa

"Hoy bruha ka, Saan ka nanaman ba nakipag lampungan? mukhang kinonsinte mopa si tito adam kaya ayaw samin sabihin kung nasaan ka." Taas kilay na tanong sakin ni Rachel nang makalapit sila sakin

"Oo nga, hindi mo man lang ako sinama para tulongan kang pumili nang kalampungan mo." Sabi pa ni Chen nang nakanguso kaya napangiwi ako agad

Tinignan ko naman yung dalawa sa gilid nila at tinaasan nang kilay "Baka gusto niyo pang dumagdag sa kanila? para sabay sabay kona kayong mapalayas dito"

PROFESSOR MARIANO (Editing/Revising)Where stories live. Discover now