38

3.4K 92 25
                                    

LUNA

"Hija, sigurado bang dito ang punta mo? masyadong makulimlim ang lugar na ito."

Andito na kami ngayon sa lugar na sinabi sa akin ni Rachel, tama si manong masyadong makulimlim ang lugar na ito dahil nag gagabi na rin, pero hindi naman ito yung exact na sinabi ni Rachel kung saan kami magkikita. sabi niya kasi sa may lumang bahay daw pero tinanong ko naman si manong ang sabi niya sa looban pa iyon kaya hindi niya ako pwedeng ihatid doon dahil mahirap ang daan

Hindi ko rin alam kung bakit ito pa ang napiling lugar ni Rachel, nakakalibot dahil walang ka bahay bahay tapos parang iba ang pakiramdam ko sa lugar na ito.

"A-ah opo." I answered "Mauna na po ako kuya, salamat." I smiled at him

"Hindi kapa nagbabayad hija."

Naudlot ang ngiti ko dahil sa sinabi ni manong, naalala kong wala pala akong dala kahit ano. ano na ngayon ibabayad ko? nagkunwari akong nangangapa sa pants ko bago tumingin sa kanya na may gulat sa mukha. sana naman gumana itong acting skills ko

"Hala, manong nahulog po ata yung wallet ko sa labas kanina." Malungkot na sabi ko

"Nako naman hija. nagpagasolina pa ako kanina para lang mahatid ka rito." Dismayadong saad niya. parang nakonsesya tuloy ako

Pero ano naman kasing gagawin ko? alangan namang bumalik pa kami para lang makapag bayad ako, tsaka ko nalang siya babayaran kapag nagkita kami ulit. hindi ko naman tinatakasan mga utang ko, iyon nga lang kung magkikita pa ulit kami ni manong

"Babayaran po kita kapag nagkita tayo ulit, promise po yan." Nag taas pa ako ng palad na parang nangangako

"Baka patay na ako nyan hija." Ang advance naman ni manong

"Edi sa langit ko nalang po kayo babayaran." Nakangiti kong saad napakamot lang siya sa batok niya

"Ano paba magagawa ko, sige na at baka gabihin kapa lalo." Pilit niyang pagpayag sa gusto ko

Muntik kopa yakapin si manong dahil sa tuwa, agad ako nagpasalamat sa kanya at bumaba na ng taxi. napatingin ako sa paligid, tanging puno lang ang nakikita ko ngayon. nang makita ko ang maliit na daan na itinuro ni manong kanina ay naglakad na ako, hindi ko alam kong anong oras na pero sa tingin ko 6pm na dahil dumidilim na ang paligid

"Bahay paba to?" Bulong ko ng makarating ako sa labas ng bahay

Sobrang luma kasi nito tapos nag iisang bahay lang siya dito. nasa loob kaya si rachel? ang tahimik kasi ng lugar tapos walang bakas na may tao sa loob. kakalibot tuloy

Napatingin ako sa likuran ko ng makarinig ako ng palakpak, gulat akong napatingin sa taong kakarating lang. may sugat ito sa kabilang pisngi. blanko lang siyang nakatingin sa akin ngayon, bakit siya na rito?

"D-daddy." Halos pabulong nalang na saad ko dahil parang may nagbara sa lalamunan ko

"Yes, my little angel? Do you want to play with me?" Sabi niya ng nagpakaba sa akin

"Prank ba to daddy?" Natatawa kong saad pero deep inside sobrang kinakabahan ako

Umatras ako dahil palapit siya sa akin. sa mga tingin palang niya ngayon nagpapahiwatig na wag ko siya pagkatiwalaan

"W-wag kang lalapit."

"Kunin niyo siya." Utos niya sa mga tauhan niya kaya ginamit ko na lahat ng lakas ko para makatakbo ng mabilis

"RUN! TAKBOHAN MO RIN AKO GAYA NG LAHAT." Malakas na sigaw niya at nagpaputok ng baril

Paano kong hindi pala siya ang daddy ko? sa binibigay niya na tingin kanina ay sobrang malayo siya kay daddy. at doon palang sa pagtawag niya sa akin ng 'little angel' ay malayong malayo sa kinalakihan kong tatay

PROFESSOR MARIANO (Editing/Revising)Where stories live. Discover now