18

5.4K 137 5
                                    

LUNA

"Ma'am, nood tayo." Aya ko kay ma'am na kakalabas lang ng bathroom, nakasuot na rin siya ngayon ng pajama.

Kahit ano talaga ipasuot sa kanya bagay sa kanya, tulad nalang ngayon. nakasuot siya ng pajama na may mukha ni spongebob, naghalong maganda at cute tuloy siyang tignan.

"Stop calling me ma'am. We're not in the school." Malamig pa sa yelong sabi niya. Ano ba dapat?

Nasanay akong tawagin siyang Ma'am or Ms. Mariano e, sabi niya kasi noon 'no one allowed to call me in my name' sinunod ko lang naman sinabi niya

"Edi Ms. Mariano nalang po." Sinamaan niya naman ako ng tingin

"We're not in the school, Luna." Pag-uulit niya sa sinabi niya

"Ano po ba gusto niyo? Mahal? Baby?" Pagbibiro ko, pero mali atang nagbiro ako dahil ang pula ng mga pisngi niya ngayon

Agad naman siya nag-iwas ng tingin, kita kopa ang pagkagat niya sa lower lip niya

"Ay si ma'am namumula." Asar ko pa

Magsasalita pa sana ako ng may lumanding sa mukha kong unan, Ang sadista rin pala nitong si Ma'am

"Aray! ang sakit ma'am ah." Inis ko siyang tinignan

"Stop calling me ma'am, Allegre."

Napalunok naman ako ng wala sa oras dahil  sa tingin niya sa akin ngayon

"A-ano ba kasi gusto mong itawag ko sayo? tinatanong kita tapos nangbabato kapa ng unan jan" Sinubukan kong wag mautal pero hindi naman nagtagumpay dahil sa traydor kong bibig

Sino ba kasi ang hindi mauutal kapag katapat mo ang ganito kagandang babae tapos ang sama pa ng tingin sakin.

"Elyse, Just call me elyse." She said

Ang ganda talaga ng name niya, parang naiiba yung pangalan niya sa lahat. Wala na tuloy akong mapuna sa isang 'to

"Mas maganda kung Ms. Elyse" Sabi ko kaya napapikit siya at napahinga ng malalim na para bang nauubosan na siya ng pasensya sa akin.

"Sleep now, Luna. inuubos mo lang pasensya ko." Sabi niya kaya napatawa ako

Parang hindi naman guro itong si Ma'am, yung pasensya kasi parang kasing haba lang ng buhok ni dora. baka nga mas mahaba pa buhok ni dora e

"Hindi pa po ako antok, nood na po kasi tayo." Nakasimangot kong sabi sa kanya, gusto ko talaga manood ng mga movie ngayon dahil wala namang pasok bukas.

"Pwede ka manood mag-isa, you can use my extra laptop kung takot ka manood sa movie theater room"

Hindi naman ako takot manood mag-isa, mas masaya kasi manood kapag may kasama ka.

Tumango nalang ako sa kanya kahit labag sa loob ko, tinignan niya muna ako bago siya lumabas. marahil ay kukunin daw niya kuno yung extra laptop niya

Pagbalik nito ay maydala na siyang laptop, mukhang hindi pa ito nagamit dahil sobrang bago pa. nagtitinda siguro to ng laptop si Ma'am

"Here, tawagin mo ko if you need something" Tumango nalang ako at kinuha ang inabot niyang laptop sakin

Hindi pa ako nakakapagsalita nang maglakad na siya papunta sa parang study table at umupo sa swivel chair niya, mukhang may office naman siya sa baba pero mas pinili pa niyang magtiis sa hindi kalakihan na study table

Matapos niyang maupo sa swivel chair niya sinunod niyang buksan ang laptop niya, nakatalikod siya sa akin ngayon kaya hindi niya ako makikitang nakatingin sa kanya

PROFESSOR MARIANO (Editing/Revising)Where stories live. Discover now