9

5.6K 160 6
                                    

LUNA

"Sinong nag utos sa inyo?" kalmado niyang tanong pero makikita mo sa kanya yung galit

Nagtitigan naman yung dalawang lalaki na hindi makita ang mukha dahil naka cap sila at naka face mask. umiling yung isang lalaki sa kasama niya, sign ata nun na hindi nila sasabihin kong sinong nag utos sa kanila.


"Kahit patayin mo kami ay hinding hindi namain sasabihin saiyo!" matapang na sabi ng isa


"Really?" peke pa siyang tumawa. napasigaw naman ako at napapikit dahil sa dalawang beses na pagputok ng baril.


Pagmulat ko ng mga mata ko ay nagtama ang mga tingin namin ni Ms. Mariano, kitang kita ko sa mga mata niya yung galit at pag-aalala.


Lumipat ang tingin ko sa dalawang lalaking nakaluhod ngayon. ang isa niyang kasama ay may tama ng bala sa balikat. marahil ay doon siya binaril ni Ms. Mariano


Tumingin ako ulit kay ma'am at umiling sign na wag niya sila papatayin, kita ko sa mga mata niya ang unti unting pagkawala ng galit at napalitan nang sobrang pag-aalala


"Get out of my sight!" baling niya sa dalawang lalaki kaya agad inalalayan nung isa ang kasama niya dahil may tama ito ng bala.


Nakahinga ako ng maluwag ng makaalis na ang dalawang lalaki.


"Are you okay?" agad na tanong sakin ni ma'am at niyakap ako bigla. hinayaan ko nalang dahil halo-halo ang mga nasa isip ko ngayon.


"O-okay lang po ako" mahina kong sabi dahil parang naubos lahat ng lakas ko.


Pagbitaw niya sa pagyakap sakin ay sinipat ako ng tingin. "Damn." mura niya ng dumapo ang tingin niya sa kamay ko.


Pagtingin ko sa kamay ko ay dumudugo ito. kaya pala parang namamanhid ito kanina, siguro dahil ito sa nabasag na salamin at tumama sa kamay ko dahil ito ang ginamit kong pangharang sa ulo ko.


"Does it hurt?" alala niyang tanong. umiling lang ako

"That bitch." madiin niyang bulong pero narinig ko naman.

"Let's go home." muli niyang sabi at inalalayan ako sa pagbaba ng sasakyan.


Pagpasok namin sa sasakyan niya ay kinuha niya ang panyo sa bag niya at lumapit sakin.


"Give me your hand. ilalagay ko lang ito para mapigilan ang pagdugo ng sugat mo." sabi nito kaya umiling lang ako. parang hindi ko maramdaman yung sugat sa kamay ko


"Luna." sabi nito sa nagbabantang boses kaya napabuntong hiniga nalang ako bago i-abot sa kanya ang kamay ko.

"Kilala moba ang mga yun?" tanong ko sa kanya matapos niya maitali yung panyo sa kamay ko.


"No." maikli niyang sabi at pinaandar na ang sasakyan. hindi nalang ako umimik pa dahil parang hindi mawala sa isip ko yung nangyare kanina.


"Bakit dito moko dinala?" tanong ko ng makababa kami ng sasakyan. hindi kasi ito ang bahay namin.


"Stop asking, luna." sabi nito at hinawakan ako sa kamay para makapasok kami sa loob.


Pagpasok namin sa loob ay namangha naman ako dahil sa lawak nito. wala ba siyang kasama dito? wala kasi akong makita kahit saan.


"Wait me here." Pagkuha ni ma'am sa atensyon ko at pinaupo ako sa sofa.



Muli kong nilibot ang tingin dito sa loob. maganda nga ang loob pero makikita mo ang lungkot. wala rin ka-gamit gamit kahit tv ay wala, dito kaya siya natutulog?

"Aray! ang sakit ah." reklamo ko dahil napadiin ang paglilinis niya sa sugat ko.


"Damn." pabulong nanaman na mura niya. "I'm sorry, does it hurt?" paghingi niya ng paumanhin at tinignan niya ako kaya bigla akong nailang. para akong nalulunod sa mga tingin niyang yan.


"Aaray ba ako kung hindi masakit?" sarkastikong sabi ko kaya natanggap ako ng irap. bilis talaga mag iba ng mood nang isang to

"What do you want to eat?" hindi niya pagpansin sa sinabi ko.


"Ikaw." wala sa sariling sabi ko kaya napahawak agad ako sa bibig ko. pagtingin ko sa kanya ay namumula ang mga mukha niya kaya nag iwas agad siya ng tingin


"W-what I mean is ikaw sa gusto mo." Utal kong paglilinaw sa sinabi ko. ayan naman talaga sasabihin ko e


"S-stay here. magluluto lang ako" sabi nito at tinalikuran niya agad ako

Humiga nalang ako sa sofa dahil wala naman ibang magagawa dito sa bahay niyang walang kabuhay buhay. gustohin ko man na tulongan siya magluto ay hindi ko magawa dahil wala naman akong alam sa pagluluto. baka mahampas lang niya ako ng kaldero


"Luna. wake up" sabi ng tumatapik ng mahina sa mukha ko kaya dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. bumungad naman sakin ang nilaglag ni papa god na dyosa.


"Stop staring." muli nitong sabi kaya napaiwas agad ako ng tingin. masyado kasi mapang-akit mga mata niya e.


"Assuming talaga." bulong ko pero sinadya ko talaga iparinig sa kanya para pagtakpan kahihiyan ko. pero lalo lang ata ako nahiya dahil sa mahina niyang pagtawa

"You look like a tomato again." natatawa niyang sabi kaya agad ako nag-iwas ng tingin. ayoko makita mga tawa niya baka lalo akong mamula


"Che dyan kana nga." padabog akong tumayo

"Luna."sabi nito kaya nilingon ko siya habang nakataas ang kilay. kumakapal nanaman mukha ko


"that's not the way to the kitchen" pigil tawa nitong sabi kaya parang umakyat lang ng dugo ko sa ulo ko dahil sa kahihiyan.

"Sino ba kasing nagsabi sayo na sa kitchen ako pupunta?" nakataas na kilay na sabi ko para hindi mapahiya lalo. mukha lang akong kalma pero deep inside gusto kona magpalamon sa lupa napakalawak naman kasi nitong bahay niya. wala namang ka-gamit gamit


"Fine. sunod ka nalang" sabi nito at nauna ng pumunta sa kitchen. sinampal sampal kopa ng mahina ang mukha ko dahil sa kahihiyan. nang makarecover sa kahihiyan ay sumunod nalang din ako sa kitchen dahil ramdam kona ang gutom.


"Slow down, luna. you look like a kid" saway sakin ni ma'am dahil sunod sunod ang subong ginawa ko, bakit ba kasi sobrang gutom na kaya ako.


"I told you to slow down." singhal niya sabay abot ng tubig sakin dahil nabulunan ako. sunod sunod nanaman bang kahihiyan to?

Kasi kong oo papasundo nako kay papa god.

"Are you okay?" tanong niya


"Y-yeah." hindi makatinging sagot ko sa kanya


Siguro iniisip niya ngayon na deserve ko lang kasi ang patay gutom ko kaya ako nabulunan


"You sure?" paninigurado niya. grabe naman to si ma'am, kitang buhay na buhay pa naman ako e


"Yes po. humihinga pa naman po ako e." pagbibiro ko sabay ngiti ng pilit


Nagtataka na talaga ako dito kay ma'am nung unang pagkikita namin ang sungit sungit niya tapos halos patayin na ako sa mga titig niya, tapos ngayon tinatawanan lang niya mga kahihiyan ko. hindi kaya inutos ito ni dad para mapalapit ako sa kanya at mapapayag nila ako sa kasal na sinasabi nila?


Nakakainis naman. nagugulohan tuloy ako sa mga nangyare ngayon dagdag mopa yung dalawang lalaki kanina na hinarangan nila yung sasakyan ko.


********

PROFESSOR MARIANO (Editing/Revising)Where stories live. Discover now