8

5.6K 178 16
                                    


LUNA

"I like your smell." napahawak ako ng mahigpit sa swivel chair dahil sa pag-amoy niya sa leeg ko

"M-ma'am." utal kong sabi pero tumawa lang siya ng mahina.

"Calm down, luna" kalmado niyang sabi

napahawak ako lalo sa swivel chair nang maramdaman ko ang mainit niya hininga sa leeg ko.

Pero siya mukhang enjoy na enjoy kasi tumatawa pa.

God help po please. masyado na pong nang aakit itong alagad niyo.

"I-ikaw nga ata yung may iniisip n-." hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pinto.

Dahil sa gulat ay natulak ko si ms. mariano. buti nalang hindi siya nahulog dahil na control niya sarili niya.

"Damn you, Elyse! anong ginagawa mo sa kapatid ko?!." gulat kong tinignan si ate na sobrang sama ng mga pinupukol na tingin samin.

Pero ito namang nasa harap ko walang emosyon na nakatingin kay ate.

"Hindi kaba marunong kumatok, Lyve!?" may inis na sabi ni ms mariano kay ate.

Magkakilala ba sila? parang magkaibigan lang mag-usap ah

"A-ah labas napo ako ms. mariano."

"No stay here." pagpigil sakin ni ma'am

Tinignan ko naman si ate na ang sama ng tingin sakin kaya ngumiti ako sa kanya pero inirapan lang ako.

"What are you doing here?" cold na tanong ni ms mariano kay ate.

"Nothing. I'll go now." paalam ni ate. bago pa niya kami talikuran ay sinamaan niya ng tingin si ms. mariano

"Let's talk later luna." sabi nito bago tuloyang umalis.

Nako po. mukhang kailangan ko ng tawagin lahat ng mga santo.

Ito kasing si ma'am e. pahamak masyado buti sana kung kaya akong ipagtanggol kay ate.

"Ikaw kasi ma'am e." paninisi ko sa kanya. pero totoo naman kasi e. may paupo upo pa siya sa lap ko.

"What?!" irita nitong sabi. siya pa may ganang mairita ah

"Maganda nga binge naman." bulong ko

"I hear that."

"Edi congrats hindi ka binge." may pagka sarkastiko kong sabi

"Whatever." pairap nitong sabi at umupo na sa swivel chair niya.

Akala ko gagawin nanaman akong upoan e.

.......

Payapa akong naglalakad papunta sa parking lot na may sigaw akong narinig. paglingon ko sa likod ko nakita ko mga kaibigan kong patakbo papunta sakin.

"Hoy babaeta! san ka galing?"Rachel

"Luh si gagu nakapang bahay pa. feel at home ah." Chen

Inis ko silang inirapan pero nagsitawanan lang sila.

Mali talagang nag stay pa ako dun sa office ni ma'am e.

"Tigil-tigilan niyo ko. wala ako sa mood makipag asaran sa inyo." Singhal ko sa kanila pero tumawa lang sila.

"Magtapat ka nga samin luna. kabit kaba ni dean? wag kang matakot kasi tatanggapin ka naman namin." kunwaring seryoso na sabi ni Chen kaya lalong lumakas tawa nila Rachel.

"Oo nga. hindi ka naman namin isusumbong sa asawa ni dean." epal pa ni Seven.

"Manahimik ka seven. baka gawin pa kitang number."

Sarap mangtakwil ng kaibigan

"Guys nabalitaan niyo naba yung tungkol sa mga kaibigan ni Syra? na expelled din sila." hindi rin talaga to nahuhuli sa balita si Toby e.

Pero bakit naman sila na-expelled? imposible naman na dahil sa pagbuhos nila sakin ng coffee kanina

"Bakit daw na expelled?"tanong ni Seven

"Para raw magsama sama sila ni Syra." pagbibiro ni Chen.

"Sana rin ma expelled kayo para para maging payapa ang pag-aaral ko rito" pagbibiro ko sa kanila.

"Kapag talaga na expelled kami ikaw magiging unang suspect namin." sabi ni Chen kaya napatawa nalang ako.

Nang tignan ko naman si Rachel ay nakangisi itong nakatingin sa phone ko itatago kona sana ito sa likod ko kaso masyadong mabilis ang kamay ni Rachel kaya naagaw niya agad.

"Aha sabi na e tama ang hinala namin." parang asong ngisi ni Rachel kaya inirapan ko siya.

"Wow may bagong cellphone ah. mukhang mas mahal pa yan sa buhay mo luna ah." asar sakin ni Chen kaya puro tawa lang nila ang maririnig ngayon sa daanan. buti nalang nakauwi na yung mga ibang students.

Kinakahiya ko talaga itong mga kaibigan ko.

"Akin na nga yan. Inggit nanaman kayo." agaw ko sa cellphone ko pero pinasa lang ni Rachel kay Seven.

"What's happening here?" biglang pagsulpot ni ms. mariano sa likod nila Chen

"Ma'am oh ayaw nila ibigay cellphone ko." parang batang sumbong ko. narinig ko naman ang pigil tawa ng mga kaibigan ko kaya inirapan ko sila.

"Mr. Sanchez. give it to her." sabi ni ma'am na malamig lang nakatingin kay Seven

Pigil tawa naman ako dahil sa mukha ni Seven. para siyang nakakita ng multo dahil sa takot sa mukha niya ngayon.

"Ikaw kasi e." bulong ni Seven kay Rachel at dahang dahan inabot sakin ang cellphone ko.

Nang maibigay sakin ni Seven ang cellphone ko ay walang paalam na umalis si ms mariano kaya nakahinga ng maluwag itong mga kaharap ko.

"Gagu napaka sumbongera rin pala." sabi ni Seven matapos huminga ng malalim.

"Mga siraulo kasi kayo." irap ko sa kanila

"Palibhasa kasi malakas kapit mo kay dean." Chen

"Whatever. bahala na kayo jan sa buhay niyo." singhal ko sa kanila at tumalikod nang walang paalam sa kanila.

.......

hindi pa ako nakakalayo sa university namin nang mapansin ko ang sasakyan na nakasunod sakin. dahil sa pagtataka ay umiba ako ng daanan kong ako ba ang sinusundan nito.

nakahinga ako ng maluwag nang mawala ito sa likuran ko. masyado na ata ako nagiging delulu.

Napa prino ako kaagad ng may humarang sakin na sasakyan. lalabas na sana ako nang sasakyan ng makita ko ang dalawang lalaki na may dalang baseball bat.

Tumingin ako sa paligid kong may tao ba. pero mukhang minamalas ako ngayong araw dahil kahit bahay ay wala akong makita.

Sige luna katangahan mopa kasi sa susunod.

Agad kong naiyuko ang ulo ko ng hampasin nila sa harap ang sasakyan ko.

God kayo napo ang bahala sa mga asungot na 'to. ayoko pang humimlay

Kukunin kona sana yung cellphone ko para tawagan si dad nang malakas nilang pinalo ang harap ng salamin ng sasakyan ko kaya muli kong naitago ang ulo ko.

Tatanggapin kona sana ang kamatayan ko ng may marinig akong putok ng baril kasabay rin non ang pagtigil nang panghampas sa sasakyan ko.

"Don't fucking touch her. idiot!" dahil sa pamilyar na narinig kong boses kaya dahan dahan kong tinaas ang ulo ko.

Gulat ang gumuhit sa mukha ko ng makita ko itong may hawak na baril habang nakatutok sa dalawang lalaking nakataas ang mga kamay.





*

PROFESSOR MARIANO (Editing/Revising)Where stories live. Discover now