LUNA"hoy mga gagu, ang dami niyo namang kinuhang mga damit. baka kayo na ipangbayad ko jan sa mga pinagkukuha niyo." Reklamo ni Seven
Kararating pa lang kasi namin dito sa mga bilhan nang mga damit ay puro na dambot sila Rachel nang damit. lalo na si Chen, kulang nalang i-uwi niya itong mall
Ako naman ay tamang tingin lang dahil parang lumilipad ang utak ko, tsaka binilhan din naman ako ni Ms. Mariano ng iba't ibang damit, kaso nga lang naiwan sa bahay niya
"Sino ba kasing nagsabi na ililibre kami? ikaw diba? kaya wag kang umangal jan, pasalamat ka nga may natitira pa akong awa sayo." pabalang na sabi sa kanya ni Chen
"Masyado kasing makapal yang mukha mo, sa susunod hindi ka na namin isasama. ang laki mong pabigat samin e." Kahit kailan talaga napakaisip bata ng mga to
Lipat lipat lang ang tingin ko sa kanila at napapailing nalang
"Bakit binubuhat niyo ba ako? laki mo talagang bobo." Taas kilay na sabi ni Chen
Napatingin naman ako kay Toby na palipat lipat lang din ang tingin sa kanila. habang si Rachel naman ay tumitingin pa ng mga damit, sa kanilang apat ay masasabi kong si Toby ang matino sa kanila. nakikisabay lang talaga yan sa mga bardagulan ng tatlo kaya minsan nagmumukha rin siyang isip bata
"Tumigil nga kayo. Mga isip bata talaga." Awat ko sa kanila kaya napatingin sila sakin
"Wow, nagsalita ang leader namin." Minsan talaga ang sarap lagyan nang pandikit ang bunganga ni Chen
Sa aming magkakaibigan, siya lang ang laging ayaw magpatalo at pasimuno ng lahat, kaya hindi nako nagtaka kung bakit naging kagaya siya ni Rachel. lagi kasi silang nagkakasundo ni Rachel pagdating sa mga kalokohan
"Pag hindi kapa tumigil, lalagyan kona talaga ng shoes glue yang bunganga mo." Inis kong sabi sa kanya pero tinawanan lang ako
"Hoy ano kagulohan 'to? Nawala lang ako saglit para na kayong mga batang kalye." Biglang sulpot ni Rachel sa likod ni Chen kaya napailing nalang ako
Dapat talaga hindi na ako sumama rito e. bukod sa wala naman akong napili na bibilhin ay dumagdag pa sila sa iisipin ko.
"Isa ka rin e, baka gusto mo pang dagdagan yan?" nauubos na pasensyang sabi ni Seven kay Rachel
mukha na siyang nalugi ngayon dahil sa itsura niya
"Sige mamaya, wag kasi kayong mag bangayan para hindi naman maistorbo ang pagpili ko." Hindi ko alam kung na gets ba talaga ni Rachel ang sinabi ni Seven o talagang nang-iinis lang siya
"Pinagsisihan kona talagang naging kaibigan ko kayo." Sabi ni Seven na mukhang stress na stress na ngayon habang yung dalawa naman ay tuwang tuwa pa
"Bakit ba lagi kami ang napapansin mo ni Rachel? anjan naman si Luna at Toby." Singit pa ni Chen at talagang tinuro pa kami ni Toby.
"Mga baliw, nananahimik ako dito tapos idadamay niyo pa ako." Sabi ni Toby na mukhang nauubosan na rin ng pasensya sa tatlo.
"Magsitigil nga kayo, laki niyong pasakit sa ulo." Singhal ko sa kanila
Pero mukhang wala lang naririnig yung dalawa kasi nagtatawanan pa sila
"Ito kasing si Seven eleven ang daming reklamo, yaman yaman tapos ipagdadamot pa sa amin itong mga damit." Sabi sakin ni Rachel na parang batang nagsusumbong sa nanay
"Parents ko lang ang mayaman, hindi ako. Allowance ko ng limang taon yang mga pinagkukuha niyo" Nanghihinang sabi ni Seven kaya tinawanan siya ni Chen