31

4.5K 103 22
                                    

LUNA

Dahil sa sobrang dami kong iniisip ay napadpad ako sa mall na hindi ko namamalayan


Dahil na rito naman na ako. bumaba nalang ako para kahit papaano naman medyo malibang utak ko dahil sa nangyari kanina



Pagpasok ko palang ay pinagtitinginan na kaagad ako. isa kasi to sa pinaka sikat na mall tapos naka suot lang ako ng hoodie at pants. lakas ko tuloy maka nerd ngayon pero okay na rin yun, at least hindi nila ako kilala bilang allegre



Hindi sa kinakahiya ko ang pagiging allegre ko. sa tutuosin nga dapat ako maging proud kasi ang pinaka powerful na pamilya sa buong mundo ay kasali pala ako ron, pero being a part of allegre is not easy. hindi perfect ang pamilya namin hindi gaya ng iniisip ng mga taong tumatangkilik sa amin



Kaya mas gusto ko pa rin yung ordinaryong buhay. yung hindi ako kilala bilang allegre tulad nalang ngayon malaya akong nakakalabas ng walang kasamang bodyguards at malaya akong gawin mga gusto ko kasi wala na ako sa puder nila daddy




"Nako pasensya na po" Hingi ko ng paumanhin sa nabangga kong lalaki



Agad kong pinulot yung mga nalaglag niyang gamit dahil nagkalat ito. matapos ko mapulot lahat ay inabot sa kanya




"Okay lang poba kayo?" Tanong ko kasi nakatitig lang siya sa akin




"M-maraming salamat hija." Nakangiti niyang saad




Inabot ko nalang sa kanya yung mga nahulog niya kanina at awkward na ngumuti. I think kaedad lang niya si daddy




"Walang anuman po. mauna na po ako." Aalis na sana ako ng hawakan niya ako sa kamay para pigilan




"Sandali hija. pwede mo ba ako samahan kumain?" Nakangiti niyang sabi





Napapaisip naman ako kung nagkita naba kami nito. parang narinig ko na kasi yung boses niya pero hindi ko lang maalala kong saan





"Pasensya na po pero may pupuntahan pa po kasi ako e." Magalang na pagtanggi ko sa kanya





Wala naman talaga akong pupuntahan. baka ikotin ko nga lang itong buong mall dahil wala naman akong bibilhin




"Ganon ba hija." Tumango lang ako sa kanya bilang tugon





Nagpaalam na rin ako sa kanya kasi hindi ako mapakali. magaan naman loob ko sa lalaking yon pero feeling ko kasi may nakatingin sa amin





"Ano namang gagawin ko rito ngayon." Buntong hiningang saad ko ng mapadpad ako sa mga bilhan ng libro





Hindi ko alam bakit dito pa ako napadpad. marami naman na kasing libro sa bahay ni ma'am parang library na nga e




Bigla ko naman siya naalala. dumating na kaya siya sa bahay nila chen? for sure magagalit na naman siya sakin kasi sinuway ko siya


Kinuha ko nalang yung phone ko para tignan kung may message siya. pero napabuntong hininga nalang ako ng makita kong wala siyang message sakin kahit isa, siguro busy lang siya


Lumabas nalang ako sa bilhan ng mga libro para mag-ikot ikot pa. sa itsura ko ngayon mukha akong naligaw lang dahil panay ang tingin ko sa paligid kahit wala naman akong bibilhin


Napadpad ako sa labas ng bilhan nang mamahaling cellphone at laptop. ewan pero dito ako dinala ng paa ko


Papasok na sana ako ng matanaw ko sa loob ang takalikod na babae. napangiti ako ng mapagtantong si ma'am lang pala. ano namang ginagawa niya rito? sabi niya may importante siyang gagawin pero andito lang pala siya



PROFESSOR MARIANO (Editing/Revising)Where stories live. Discover now