LUNA"Ano pong tawag sa shampoo kapag nabawasan ng isa?" Tanong ko kay Ma'am nang makaisip na naman ako ng kalokohan
Tumingin siya sa akin saglit bago niya ulit ibalik ang tingin niya sa laptop niya
Walang pasok ngayon kaya sobra na akong naboboring, inaya ko naman itong si Ma'am na pumunta kami sa condo ni ate pero ayaw niya, boring talaga ng buhay niya
"What?"
Nakatuon lang siya sa laptop niya na parang ang walang kwenta ng tanong ko, well wala naman talagang kwenta
"Edi... Sham nalang." Proud ko pang sabi pero tumingin lang siya sakin na parang hindi nagets ang joke ko.
"Then?" Taas kilay niyang sabi kaya napasimangot ako
Hindi ba niya alam na nag-search pa ako para naman hindi mabulok ang laway niya dahil sa ang tahimik niya
Pagkatapos kasi namin mag breakfast kanina pumunta siya agad dito sa office niya dahil may kailangan daw siyang gawin
"Hindi ka man lang natawa?" Maktol ko pero tinaasan lang niya ako ng kilay
Hirap talaga pasayahin ng isang to, hindi ko malaman laman ano tumatakbo sa isipan niya
"That's not funny." Sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin
"Ano naman ang tawag sa puno na hindi mo pwedeng akyatin?"
Hindi pwedeng hindi ko magamit yung mga ni search ko, kahit hindi pa niya maintindihan
"What?" Mahina niyang tanong habang nakatingin parin sa laptop
"Edi... yung nakatumba." Natatawa kong sabi
Patuloy parin siya sa pagtitipa ng laptop niya kaya agad nawala ang ngiti sa mga labi ko, mukhang ako lang talaga ang natatawa sa sarili kong joke
"Ma'am naman e. hindi mo naman pinapansin joke ko."
Maktol ko sa kanya. sa kanya nga lang ako nag effort na mag joke tapos hindi man lang niya ako papansinin
"Oh. you're joking? I thought your serious."
Grabe talaga ang isang to, hindi ba halata na i was just joking? masyado kasi siyang seryoso kaya hindi na niya alam yung seryoso sa nagbibiro
"Ay hindi, Ma'am. seryoso po talaga ako." Sarkastikong sabi ko
Hindi man lang niya na-appreciate jokes ko. mas okay sana kung sa sarili ko nalang ako nagjoke. mapapatawa kopa sarili ko
Hirap talaga magjoke sa mga seryosong tao
"I'm right, you're serious."
Tuloyan na ako napahinga ng malalim para hindi ko siya masigawan. mabilis pa naman ako mainis sa mga ganitong tao
"Ewan ko sayo." Tumayo ako sa kinauupoan ko para makalipat ng upoan
"Where are you going?"
"Maghahanap ako ng multo." I said kaya tumingin siya sakin na nagtataka
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa mukha niya ngayon, bigla kasi nawala yung seryosong mukha niya kanina. di naman halatang takot siya sa multo
"Don't you dare, Luna." She said kaya hindi kona napigilan na matawa
Sa tingin ba niya may mahahanap akong multo dito sa bahay niya? tsaka takot din ako sa multo e