LUNA
"Hoy alam niyo ba. may bagong professor daw"
Kong sino man yang tinutukoy ni Rachel. sana naman ay hindi siya kasing terror ng mga matatanda naming mga professor.
"No one ask" Pang aasar ko sa kanya
hindi lang sila yung marunong mag-inis.
"Edi wag kang makinig. hindi naman ikaw kausap ko e. apaka assuming talaga." Pairap nitong sabi sakin
Oh diba pikon agad. hindi pa nga ako nagsisimula manira ng mood e.
"Bakit kasi sakin ka nakatingin? bobo ka rin e"
Sakanila nakikipag usap pero sakin nakatingin. palibhasa kasi walang silbi yang mga nasasagap niyang chismis.
"Sino manok mo Seven? manok ko si Luna ah" hindi rin talaga mawawala sa eksina itong dalawa na to e.
Talagang ginawa pa kaming manok. sa ganda kong 'to gagawin nila akong manok? asan ang hustisya
"Bobo tatanong kapa e pinili mona si Luna."
"Wag na kayo magtalo. parehas naman kayong bobo" Tama tama
Bago pa ako masali sa usapan nila ay umiba na ako ng daan para magpunta sa cr. wala lang gusto ko lang makita ang maganda kong mukha sa harap ng salamin.
Pagpasok ko sa cr ay humarap na agad ako sa salamin. "naks ganda mo talaga Luna." pagpuri ko sa sarili ko sa harap ng salamin. ako nalang ang pupuri sa ganda ko kasi hindi ata nila makita ang ganda ko.
Nang masigurong maayos ang mukha ko ay naglagay ako ng pabango. alam niyo na hindi pwedeng amoy pawis ako. nakakabawas ganda yun.
Nang matapos ay tinignan ko ang oras sa phone ko... Puta late na ako
Sige Luna unahin mopa kasi ang pagpaganda
nagmamadali akong lumabas ng cr. pero dahil sa dakilang tanga yung nabunggo ko ay nabitawan ko yung phone ko at siya rin pagsabay ng mga nalaglag na libro.
"Are you blind?!!" Sigaw nito
Amputa siya kaya tong blind jan, kitang nagmamadali yung tao e.
Hindi ko nalang siya tinignan at pinulot ang phone ko. bahala siya jan
"Ngayon naging binge ka naman" Kalmado pero ramdam mo yung inis sa kaloob-looban niya.
Pagkakuha ko sa phone ko ay nagtaas ako ng tingin para tignan ang pangit niyang muk-... ugali
Tangina? may anghel atang hinulog si papa god para sakin.
nakangangang tinignan ko ito. Oo maganda siya pero mas maganda ako. walang tatalo sakin PERIOD.
"Stupid" Inis nitong pinulot ang mga librong nahulog.
Hindi na pala siya maganda.
"S-sorry miss. sa sunod kasi tumingin kayo sa dinadaanan niyo hehe." kasalanan niya naman talaga basag pa nga cellphone ko dahil sa kanya.
Puta nauutal pa ako. nagmumukhang kasalanan ko talaga e. Paano ba naman kasi makapang akit ang mukha niya. No, No, No hindi siya maganda
It's a big NO.
"Really?" Di maka-paniwalang tumingin ito sakin.
"Buti nga nagsorry pa ako e." bulong ko
Pasalamat pa nga siya nagsorry ako kahit kasalanan niya.
"Stupid." Walang emosyong sabi niya.
Ako stupid? Hindi ba niya alam na lagi akong with honors simula elementary.