LUNA
"Good morning dad, mom." nakangiti kong bati sa parents ko nang maabotan ko silang kumakain.
Nagtataka naman silang tumingin sakin, siguro iniisip nila yung nangyare kagabi tapos ito ako ngayon nakangiti na parang walang nangyare.
Pasalamat nalang sila kasi maganda ang gising ko ngayon.
"Good morning, my princess." nakangiting sabi ni dad. si mom naman ay tumango lang
"Maupo ka anak. breakfast ka muna bago ka pumasok sa school." pag aya sakin ni dad.
"Hindi na po dad. sa cafeteria nalang po ako kakain, maaga pa naman po" pagkumbinsi ko sa kanya.
kahiya naman kay mom. mukhang ayaw ako kasamang kumain e
"You sur-" hindi natuloy ang sasabihin ni dad nang sumingit na si mom.
"Wag mona pilitin." walang emosyong sabi ni mom
"don't forget to eat your breakfast okay?" nasa labas na ang maghahatid sayo." sabi ni dad at hindi na pinansin si mommy.
Simula nang umalis dito si ate sa mansion tanging si dad nalang ang nagiging kakampi ko.
"Noted dad" pilit akong ngumiti
Panira rin talaga ng mood si mom e, manang mana sa kanya si kuya. buti nga at hindi ko naabotan yung isang yun.
"Take care." sabi ni dad.
Lumapit naman ako sa kanya at hinalikan siya sa pisnge "bye dad." paalam ko
Nag alinlangan pa ako kung lalapit ako kay mom. pero bilang pag respeto lumapit nalang ako
"Bye mom." sabi ko pagkatapos ko siya halikan sa pisnge.
"Manong tara na po." agaw ko sa attention niya dahil nakatalikod siya sakin.
"Anjan napo pala kayo ma'am luna, magandang umaga po" nakangiti nitong sabi sakin.
"Good morning po" magalang kong sabi sa kanya.
"Ma'am luna anjan napo pala yung sasakyan niyo." nagtataka ko naman itong tinignan
Ang alam ko pinaayos ko yun kasi talagang malala ang sira.
Nang mapansin ni manong ang nagtataka kong mukha ay nagsalita siyang muli.
"May naghatid po kasing lalaki kanina."
"Hindi poba sainyo naghinge nang bayad?" tanong ko sa kanya
"Wala po e. ang sinabi lang po niya ay naayos na raw po nila." paliwanag niya.
Tanga siguro yung nag ayos. hindi pa nga ako nakakapag bayad, tsaka wala rin akong sinabi na dalhin dito kapag napaayos na.
"Ah ganon poba manong." tumango naman si manong at nagpaalam nang sabihin kong hindi nako magpapahatid sa school.
Kahit nagtataka ay pinagsawalang bahala ko nalang. ang mahalaga naka libre ako
Pagkababa ko pa lang ang natatanaw kona si Rachel na patakbong papunta sakin.
"Wow ang bilis napaayos ah, binantaan moba yung nagpaayos nyan?" ito nanaman po tayo
"Hindi halata sa mukha ko, sa mukha mo pwede pa." asar ko sa kanya pero parang wala lang sa kanya.
"Mukhang good mood ah. pabulong naman jan." sabi nito at inilapit pa sakin ang tenga niya.
Imbes na bumulong ako sa kanya ay pinitik ko nalang ang tenga niya. deserve
"Aray ang sakit ah!" singhal nito sakin kaya napatawa nalang ako.
Naputol ang pagtawa ko ng may tumikhim sa likuran namin.