7

5.8K 196 27
                                    

LUNA

"Wear it." abot sakin ni miss mariano ng isang t-shirt at pants.

Nahihiya ko naman itong kinuha "Thank you po."

May tinatago naman palang bait ito si ma'am

Tumingin naman ako sa paligid niya para tignan kong nasaan ang bathroom. ang lawak naman kasi nitong office niya

"Right there. That's the bathroom." turo nito sa bathroom.

"Wag kana pumasok. since ako naman ang first period niyo ngayon." tanging tango nalang ang naisagot ko. feeling ko nawalan ako ng boses

"Use your voice, Allegre." masama ako nitong tinignan

"S-sige po. Thank you." peke akong ngumiti sa kanya para itago ang kabang nararamdaman.

.

"Wait me here. don't you dare to leave here, I'll be back around 9:30" sabi nito sa nagbabantang boses

Akala mo naman nagkautang ako ng malaki sa kanya kaya ayaw akong paalisin dito sa office niya.

"S-sige po." Isang utal pa talaga papalamon nako sa lupa.

Nang makalabas na siya sa office niya ay naglakad na ako papunta sa bathroom.

.....

Nagising ako dahil sa may mahinang tumatapik sa maganda kong mukha. pagmulat ko ay bumungad sakin ang nilaglag ni lord na isang dyosa.

Hindi ko man lang namalayan na nakatulog na pala ako.

"Let's eat." cold nitong sabi at naglakad na papunta sa lamesa tsaka hinihanda ang bagong order lang na mga pagkain.

Takaw naman nito ni ma'am. kami lang naman kakain pero yung order niya pang sampung tao na.

"Kanina pa po kayo dito?" tanong ko sa kanya

"No." pangit naman kabonding ni ma'am. magsasalita lang kapag tatanongin.

Hindi nalang ako umimik at umupo nalang. nagugutom na rin ako kasi nakalimutan kong mag breakfast kanina.

Nang makita ko ang adobo ay mas lalo akong nakaramdam ng gutom.

Tinignan ko naman itong kasama kong nakatitig lang sakin. gandang ganda si ma'am sa view ah

Ipinagsawalang bahala ko nalang ang pagtitig niya dahil gutom na talaga ako. walang hiya kong inabot ang adobo at nilagyan ang plato kong may kanin.

Unang subo pa lang ay napapikit na ako dahil sa sobrang sarap.

Oh wag kayong dirty minded

"Slow down luna. hindi ka mauubosan ng pagkain." saway niya sakin dahil sunod sunod ang pagsubong ginawa ko.

Bigla naman akong nahiya. kahiya ka talaga luna.

"Ikaw kaya hindi makapag breakfast." sabi ko para pagtakpan ang hiya ko. totoo naman kasi

"Mas inuna mopa kasi makipag landian." bulong nito

"May sinasabi ka po?" tanong ko.

"Nothing. just eat." sabi nito kaya pinagpatuloy kona ang pagkain

napansin ko naman na hindi niya pa nilagyan ng kanin at ulam ang plato niya kaya tumayo ako para ako na ang maglalagay

Para naman makabawi.

"What are you doing?" tanong nito ng lumapit ako sa kanya.

"Ako na maglalagay ng pagkain sa plato mo. nakatitig ka lang kasi sakin." kapal mukha kong sabi. masyado naman kasing nagagandahan sakin si ma'am

Kinuha ko yung plato niya at nilagyan ng kanin at ulam.

"Assuming." panggagaya niya sa sinabi ko sa kanya kagabi kaya napatawa ako

"Thanks." mahinang sabi nito nang mailapag ko sa kanya yung pagkain sa harap niya

.

"Welcome to 7/11." pagbibiro ko kaya nagtataka itong tumingin sakin

"What 7/11?" nagtataka nitong tanong.

Natawa naman ako kaya tinaasan ako nitong nang kilay.

"I'm just joking." natatawa kong sabi. ang cute kasi ni ma'am

"Whatever. let's just eat." pairap niyang sabi at nagfocus sa kinakain niya.

Kumain nalang din ako. baka tamaan pa ako ng plato sa mukha e, kawawa naman maganda kong mukha kapag ganon.

......

"Ma'am maganda ako diba?" tanong ko kay ma'am nang maboring ako.

Paano ba naman kasi hindi ako hinayaan na makalabas dito sa office niya. baka raw kasi harangan nanaman ako nung mga kampon ni Syra.

Sinabi niya rin na na-excuse niya ako sa prof namin ngayon. gusto lang talaga ako makasama nito ni ma'am e

"Ma'am maganda ako di-"

"Why you asking me like that? Yes you are beautiful, you're always beautiful in my eyes" agad naman ako nag iwas nang tingin dahil sa sinabi niya. feeling ko ang pula na nang mukha ko, kakahiya ka luna!

Narinig ko naman itong tumawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"You look like a tomato right now." pang aasar pa niya.

"Ma'am naman e!" pagtawanan ba naman kahihiyan ko.

"Just kidding. come here." malambing nitong sabi. Hmp hindi niya ako madadaan sa pa ganyan niya.

"Ayoko. inaasar moko e" parang batang sabi ko kaya tumawa nanaman siya nang mahina.

Happy pill talaga ako ni ma'am

"Luna." tawag niya sakin sa nagbabantang boses. hindi ko rin talaga alam anong tumatakbo sa isip ni ma'am e, bigla bigla ba naman nag iiba ang mood.

Padabog naman akong tumayo at naglakad palapit sa kanya.

Tumayo naman ito kaya nagtataka ko siyang tinignan. "Sit here." turo niya sa swivel chair niya.

"P-po?" utal kong sabi.

"I said sit here." turo pa ulit nito sa swivel chair at inirapan ako.

Kahit nagtataka ay umupo nalang ako sa swivel chair niya.

"Ma'am bak-" hindi ko natuloy ang tanong ko nang umupo siya sa lap ko ng walang paalam.

Gulat ko naman itong tinignan. pero nakatingin lang siya sa mga mata ko kaya nag-iwas ako ng tingin. ang init nanaman ng mga pisnge ko

hindi pa ako nakakarecover sa pag-upo niya sa lap ko ng yakapin niya ako sa leeg at sumandal sa balikat ko.

Hindi yung mahigpit na yakap sa leeg ah.

Bigla ko nanaman ulit naramdaman ang mga nagrarambolan sa mga tyan ko. 

"Ma'am ano pong ginaga-"

"Give me 5 minutes to rest with you." mahina nitong sabi.

Ramdam ko yung pagod sa boses niya kaya hinayaan ko nalang.


A/N: sorry sa mga wrong grammars:>

PROFESSOR MARIANO (Editing/Revising)Where stories live. Discover now