LUNA"Ma'am saan po tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. pagkatapos kasi namin mag breakfast ay sinabihan niya akong maligo dahil may pupuntahan kami
"Mall." tipid nitong sabi kaya napasimangot ako, matapos niya ako yakapin kagabi gaganyan siya ngayon
Halos wala na nga akong tulog dahil madaling araw na akong nakatulog. tapos ang aga aga pa niya ako ginising, maktol pa ako ng maktol pero sinasamaan lang niya ako ng tingin
"Ano pong gagawin natin dun? papalitan niyo rin poba yung car kong nasira?" walang hiyang sabi ko. malay niyo naman diba
Tinaasan naman niya ako ng kilay "it's not my fault kong bakit nasira sasakyan mo kaya bakit ko papalitan?"
"Edi wag. kuripot" sabi ko sa nagtatampong boses.
"What's kuripot?" nakakunot noo nitong tanong. bahagya naman akong natawa dahil hindi niya pala alam yung kuripot
Tinaasan naman niya ako ng kilay pero mas lalo lang lumawak ang ngiti ko nang makaisip nanaman ako ng kalokohan.
"Ang meaning po nyan ay maganda." nakangiting sabi ko kaya nawala ang bahid na inis sa mukha niya.
"Oh really? thanks, you're kuripot too" inosente nitong sabi kaya hindi kona napigilan ang pagtawa ng malakas.
"Are you making fun with me, Allegre?" sabi niya sa naiinis na boses kaya napatigil ako sa pagtawa. kapag tinawag niya na ako sa apelyido ko alam kong hindi na talaga siya natutuwa.
"No po ma'am" pigil tawang sabi ko kaya nakatanggap ako ng irap mula sa kanya
Inis itong tumalikod at naglakad na palabas kaya sumunod nalang din ako. baka iwan pa ako e papalibre pa naman ako sa kanya.
.....
Nagising ako dahil sa may tumatapik nanaman sa pisngi ko. pagdilat ko nang mga mata ko ay bumungad sakin si ma'am na mukhang naiinip na kaya napasimangot ako.
"What with that face, luna?" sabi nito kaya napasimangot ako lalo
"Ginising moko e. alam mo bang madaling araw na akong nakatulog dahil kung makayakap ka ay parang walang ng bukas." pagmamaktol ko. agad naman ito nag iwas ng tingin dahil sa pamumala ng pisngi niya
"You look like a tomato." pag-gaya ko sa lagi niyang sinasabi kapag namumula ako ginaya ko rin yung pagtawa niya kaya nakataas ang kilay niyang tumingin sakin.
Imbes na tumigil ako sa pagtawa dahil sa pag-iiba ng mood niya ay mas lalo pa akong tumawa. pano ba naman kasi pulang pula ngayon yung mga pisngi niya.
"Not funny." pairap nitong sabi at padabog na lumabas ng sasakyan niya. napikon ko yata
"Ma'am wait naman!" habol ko sa kanya dahil ang bilis niyang maglakad. kulang nalang tumakbo siya.
"What?!" Inis itong humarap sakin sabay sinamaan ako ng tingin. mukhang napikon ko nga talaga
"Ang bilis mo kasi maglakad e." nakasimangot kong sabi pero inirapan niya lang ako at muling naglakad pero hindi na ganon kabilis kaya nakakasabay ako sa kanya.
"Galit po kayo? I'm just kidding lang naman po e." nakangusong sabi ko kahit hindi siya nakatingin sakin
"I'm not mad." cold nitong sabi kaya napasimangot ako.
bahala siya! kapag naman siya nagiging ganon hindi ako nagagalit, hindi nalang din ako umimik at sumunod kong saan man siya pupunta.
Nagliwanag naman ang mukha ko ng may makita akong pusa. mukha siyang nawawala kaya nilapitan kona "hey are you lost, ming ming?" pagkausap ko sa kanya na parang tao