12

5.4K 158 16
                                    

LUNA

"Where do you want to eat?" tanong sakin nitong kasama ko. saglit lang siya tumingin sakin bago ibalik ang tingin sa daan

kakaalis lang namin sa mall dahil ang dami niyang pinamili. karamihan ay puro kagamitan sa bahay, sigurado akong para lahat yun sa bahay niya

Narinig niya siguro yung mga binubulong ko kagabi kaya pumasok sa isipan niyang mamili nang ganon karami.

Papunta kami ngayon sa bibilhan ng pusa akala kopa naman na scam ako nitong si ma'am kasi ang tagal namin dun sa mall

Nang matanaw ko ang karendirya sa hindi kalayuan ay nagliwanag agad ang mukha ko

"Jan tayo kumain ma'am. masarap po mga pagkain nila jan, hindi kana lugi" nakangiti pang sabi ko

Bukod kasi sa masarap mga luto nila ay mga mura pa, hindi tulad sa kinakainan nitong kasama ko na mapapamura ka dahil sa mahal ng pagkain

Napansin ko naman ang paglunok nito bago ako tignan ulit "Let's eat to the restaurant" sabi nito kaya napasimangot ako. Alam ko naman kasi na ang mahal ng pagkain sa sinasabi niyang restaurant na yan

"Pero mas gusto ko jan."nakasimangot kong sabi pero mas binilisan pa nito ang pagmamaneho

May adobo rin kasi sila. jan kami madalas kumain ng mga kaibigan ko kapag gumagala kami

"𝘣𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢 𝘬𝘢 𝘥𝘺𝘢𝘯." bulong ko nang malagpasan namin yung karendirya.

kumain nalang siya mag-isa mamaya. tutal siya naman may gusto kumain sa restaurant  na sinasabi niya

Nakasimangot lang ako habang nakatingin sa mga kalsada habang binibilang ang mga sasakyan na nalalagpasan kami

Nagtaka naman ako ng huminto itong maarte kong kasama. tumingin ako sa kanya sa nagtatakang tingin

"Bakit kapa huminto?" may bahid na inis na tanong ko

Subokan lang niya ako tarayan ngayon. masama pa naman loob ko sa kanya, hindi niya pinapansin tanong ko kaya napairap nalang ako sa kawalan.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko dahil pinabalik niya ang sasakyan

"Karendarya." sabi nito. bahagya naman akong natawa dahil sa mali niyang pagkasabi ng karendirya

Tinignan naman niya ako at sinamaan ng tingin.

"Karendirya kasi ma'am. hindi karendarya." Pigil tawang sabi ko kaya inirapan niya ako

Pasalamat siya maganda mga mata niya. dahil kung hindi baka matagal ko ng tinusok yan kakairap niya

"Whatever" sabi nito at nauna nang bumaba ng sasakyan

Hindi ko man lang napansin na andito na pala agad kami, bumaba naman ako agad dahil baka mag iba pa ang isip ng yelo na yun.

Pagkaupo pa lang namin ay tinanong na agad kami ni manang, sinabi ko naman agad sa kanya kong ano ang kakainin namin.

"Ma'am ayusin mo nga yang itsura mo. nagmumukha ka pong nalugi." sabi ko dito sa kasama ko. kanina pa hindi maimpinta ang mukha niya

parang gusto nga niyang magdabog pero hindi niya magawa dahil maraming tao dito

"They looking at you." Inis nitong sabi kaya napatawa ako. tumingin naman ako sa paligid

May mga nakatingin nga sakin pero mas grabe nilang pasadahan ng tingin itong kasama ko, parang gusto ko tuloy sila irapan isa isa

"𝘕𝘢𝘬𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘯𝘨𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘴𝘢𝘺𝘰." bulong ko

"Are saying something?" tanong nito habang nakataas ang kilay.

PROFESSOR MARIANO (Editing/Revising)Where stories live. Discover now