LUNA"Ma'am pwede bang bilhin nalang lahat?" nakasimangot kong sabi kay Ma'am, kanina pa kami tumitingin-tingin ng pusa pero hindi ako makapili kasi ang cute lahat.
"Okay, as long as you can handle." pagsabay niya sa pagbibiro ko kaya napasimangot ako lalo
"Che. bahala ka dyan" padabog akong naglakad muli para tumingin pa ng mga pusa.
Narinig kopa ang pagtawag sakin ni Ms. Mariano pero hindi ko nalang siya binalingan ng tingin.
Nagulat naman ako nang may pusang patakbo na pumunta sakin at nagpa-ikot ikot sa paa ko kaya napangiti ako.
Umupo naman ako para hawakan ito. feeling ko kasi ang sarap niyang hawakan kasi mabulbunin siya
"Hi mingming, gusto mo bang sumama sakin?" pagkausap ko sa kanya at hinaplos ang noo niya.
Kagaya nung pusa na nakita namin sa mall ay nag 𝘮𝘦𝘰𝘸 din ito.
"Nako ma'am pasensya napo kayo, bigla po kasing tumakas yan." sulpot ng babae, ang tinutukoy niya ay itong pusang hawak ko
"Okay lang po, babae poba ito or lalaki?" tanong ko sa kanya
"Babae po ma'am" nakangiti niyang sabi.
"Binibenta niyo rin poba ito?" nakangiti kong tanong.
Ito lang kasi yung naiiba sa mga nakita kong mga pusa dito
"Yes po ma'am, kaso ayan po ang pinakamahal." nahihiya nitong sabi. napangiwi naman ako dahil sa sinabi niya
Baka isumpa pa ako ni ma'am nyan
"How much?" napalingon naman ako nang sumulpot si Ma'am sa likod namin
"300k po Ma'am. pero pwede po namin kayo bigyan ng discount, mukhang nagustohan po kasi ng kapatid niyo" sabi ng babae.
para naman akong nabulunan sa sarili kong laway kaya hindi kona nagawang sumali sa usapan nila.
"She's my wife." sabi ni Ms. Mariano nang nagpatibok ng sobrang bilis sa puso ko, parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa ngayon
Binalingan ko naman ng tingin yung isang babae, gumuhit sa mukha nito ang gulat pero ngumiti rin naman siya agad.
"Ay pasensya na po, parehas po kasi kayong maganda kaya naisip ko agad na magkapatid kayo" paghingi nang paumanhin ng babae. hindi rin nakatakas sa paningin ko yung pag-irap ni Ma'am
"I will buy that cat" Sabi ni Ma'am kaya agad akong lumapit sa kanya habang buhat buhat yung pusa.
"Seryoso ma'am? ang mahal kaya nito, mas mabuting mangidnap nalang tayo ng pusa sa kalye" bulong ko sa kanya pero inirapan lang niya ako
Nagustohan ko itong dala dala kong pusa pero masyado naman kasing mahal. mapapamura ka nalang talaga e
.......
"Ma'am, ano po magandang ipangalan sa kanya?" tanong ko kay Ma'am, pauwi na kami ngayon
Nagtalo pa kami kanina dahil pinipigilan ko siyang wag bilhin itong pusa pero hindi siya nagpatalo
binantaan pa niya ako na kapag hindi ako tumigil ay susumbong niya kay daddy yung nangyaring pagharang sa sasakyan ko, kaya kahit labag sa loob ko ay hinayaan ko nalang siya.
𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘶𝘮𝘢𝘴𝘵𝘰𝘴 𝘦.
"Elyse." sabi niya, saglit pa itong tumingin sakin