Chapter 1 ("BIP BIP, ANG SABI NG DYIP")

207 7 3
  • Dedicated kay J
                                    

Sumakay na ako sa dyip dahil parang uulan na at wala ako payong.

"Paki suyo nga po."

"Saan to?"

"Letre lang ho boss."

Mahirap talaga mapunta dito sa dulo ng dyip (sa likod ng drayber). Kung hindi mo naamoy ang upuan nang drayber na nakalimutan ng labhan dahil sa kakapasada eh ikaw naman na ang may obligasyon na mag-abot ng mga bayad ng ibang pasahero.

Umaambon na. Nag-aamoy alimuom na ang kalsada. Amoy ewan. At mamaya sigurado ako na may mangangamoy sama ng loob na pwedeng galing sa ibang pasahero o sayo mismo.

"Ma, bayad ho. Isang C4. Paki suyo nalang."

Walang kumukuha ng bayad nung babaeng di naman nag kakalayo sa edad ko at di kagandahan. Kaya pinilit kong ako nalang ang umabot. At laking salamat ko sa Diyos na tinubuan nang hiya ang katabi nitong lalake at sya na ang nag-abot sa akin.

Hindi ko talaga alam kung bakit minsan walang nag-aabot nang bayad ng isang pasahero. Para bang walang pakialam ang mga tao. Sana sa susunod meron nang maliit na flying basket na pupunta sa harapan mo habang nakasakay ka sa dyip at dun mo nalang ilalagay ang bayad mo. O kaya sa susunod na taon ipa re-arrange na natin ang DNA ng mga susunod na tao at gawing mahaba o kaya humahaba yung kamay na parang kay Lastikman. Minsan nga nung mga nasa panahon pa ako nang pag bibinata nahihiya ako makisuyo nang pag abot ng bayad ko. Natatakot kasi ako na baka isnabin nila ako. Kaya tuwing magbabayad ako, ako mismo yung lumalapit sa drayber o kaya dun ako umuupo sa tabi ng drayber tulad ngayon, walang pressure sa pagaabot nang bayad ko.

Pero bakit nga ba ganun? Bakit hindi magawa ni Juan Dela Cruz na mag abot nang bayad ng kapwa niya?. Alam ko namang hindi lahat ganoon meron paring mga mabubuti ang loob at may manners parin nang isang totoong Pilipino. Ehem. Meron nga pero yung iba namimili. Tulad kanina diba hindi man lang pinansin nung lalake na mag babayad yung katabi nya, kailangan pang may humarang na maputlang kamay sa harap nya (kamay ko yun) para mapansin. Natuto na siguro si Juan maging mapili. Pati sa pagtulong namimili narin.

Teka. Tama ata ang hula ko may nangangamoy na nga. Pusang gala kumakalat ang amoy parang pumapasok sa ikabuturan nang kaluluwa ko. Unti-unti akong pinapatay sa baho. Pero nakaka-mangha talaga ang mga Pilipino. Nagagawa nilang wag mag react sa mga gantong bagay. Yung iba mag tatakip nang panyo at kunwari mapapa ubo sa usok, yung iba dudungaw sa labas para maka langhap nang fresh air galing sa mga tambutso ng mga sasakyan at yung mga katulad ko na malalakas ang loob para singhutin nang buong pagmamahal ang mabahong amoy hanggang maubos ito.

Ayaw parin mawala nang nakamamanghang amoy kaya pasimple akong nag hanap ng suspect. Lahat nang tao dito ay suspect kahit ang drayber at ako. Pero hindi ako yun dahil wala namang lumabas sa na hangin sa puwet ko. Mas malakas ang amoy sa pwesto namin dahil dito maamoy mo pa kung anu ang kinain ng nag pasabog nang lagim. Meron mga clue para malaman kung sino ang nag sabog:

1. Hindi ito mapakali dahil posibleng hindi lang hangin ang nilabas nya.

2. Medyo pinagpapawisan ito kahit malamig ang panahon.

3. Ang mata ay paikot-ikot pero hindi maka tingin sa mata nang ibang pasahero. At

4. Pinipilipit nito ang dalawang pisngi ng puwet nya para mabawasan ang pagsabog.

Pa simple kong inamoy ang drayber at ang katabi ko. Hindi sila. Amoy amoy din sa iba. Pusang gala nag pasabog nanaman ang unknown human being. Sakto ito para mas malaman kung sino ang may sala.

Pinakikiramdaman ko ang kilos ng hangin kung san ito umiikot at boom galing ito sa harap ko. Pinagmamasdan ko ang katabi ko at parang may iniipit ito sa puwet nya at seryoso ang mukha. Siya na nga ba ang may sala?

Putek. (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon