Chapter 12 ("SINEHAN")

40 1 0
  • Dedicated kay J
                                    

Natapos na rin ang delubyo ng buhay ko at uuwi na ako para makapagpahinga. Ayoko muna isipin ang magiging result ng test ko. Magsisine nalang muna ako bago umuwi. Nakaka-stress yung test e. Kailangan ko ng relaxation. Hmm, may pera pa naman ako at hindi naman ako agad hahanapin sa bahay.

Parang kaunti lang ang tao sa sinehan ngayon. Okay ito para sa mga magkarelasyong manonood. Yung mga sinehang hindi puno at kaunti lang ang tao. Takte, ang daming couples ditto at lahat sila may popcorn at naka-holding hands. Merong mga lalaking nakaakbay sa babae at mga babaeng nakasandal sa lalaki. Dito ako nakaupo sa hindi pansining upuan para hindi mapagkahalataang forever alone. Lahat sila nakikita ko rito sa pwesto ko. Tahimik lang at nanonood lang ng mga taong kain ng kain ng popcorn kahit hindi pa nagsisimula ang palabas. Mero ding maiingay at may mga hindi makatiis ng kati at naglalandian na. Sa totoo lang, minsan naiingit ako kahit ayaw ko sa ng PDA (Public Display of Abnormality). 'Chos. Affection 'yon. Putek, 'di ko alam kung bakit ako naiinggit. Ganoon ba ako ka-tagtuyot at naiinggit ako sa mga nagkakatihang tao sa paligid ko.

Pero kung naging magkaklase o magka-schoolmate kami ni Athena, or kahit malapit lang ang school na pinapasukan niya sa school ko, siguro halos buwan buwan kaming magsisine. Mahilig din kasi 'yon sa sine e. Tsaka balak na namin dati 'yon kaso nagkahiwalay kami. Kung binigyan lang sana ako ng chance ng Diyos na magkalapit kami kahit ng paaralan, edi sana iba na ang nagyari dito.

Subukan nating ibahin. Kunyari kasama ko si Athena ngayon sa sinehan. Ganito siguro ang nangyayari at kinukwento ko sa sarili ko.

"Kulang ang pera ko kaya magpapalibre ako kay Athena muna ng sine at pumayag naman siya dahil minsan, nililibre ko naman siya e. Ikaw kaya manood ng sine buwan buwan. Ewan ko lang kung 'di ka maghirap. Pero basta, si Athena may gusto ng gagawin ko. Akon a ang bumili ng popcorn dahil nakakahiya kung siya pa ang bibili. Ang kapal nan g mukha ko. Hindi ako bumili ng softdrinks dahil ayaw niya at ayaw ko rin kaya tubig nalang. Pagpasok naming sa sinehan ay nagulat kami dahil puro couple ang magkakasama. Nagkatinginan kami at mahinang tumawa at sinabi niyang baka pagkamalan kaming mag-on. At sabi ko okay lang 'yon dahil wala naming nakakakilala sa amin. Umupo kami kung saan may magandang view. Hindi pa nagsisimula ang palabas kaya tinignan namani ang mga naglalandian couple sa paligid naming. May magkahawak ang mga kamay, may nakaakbay at nakasandal. Tapos may tinuro si Athena na couple na lalaki ang nakasandal at babae ang nakaakbay. Sabi niya ang sweet daw. "Bakit inggit ka?", sagot ko. Tapos umoo siya kaya sumandal ako sa balikat niya. Siguro mga ilang segundo ay tinanggal niya ang ulo ko dahil mabigat daw. Kaya siya nalang ang sumandal. Tapos habang nakasandal siya ay pinapakuha niya 'yong popcorn. Kakain daw siya. Sbi ko 'wag muna kasi 'di pa nagsisimula ang palabas. Naginarte siya at humiwalay sa akin. Siyempre, nilapitan ko at humingi ng tawad. Tapos nilagay niya ang ulo niya sa mga balikat ko (mukhang ayaw niya pa nga ilagay e). Sa huli ay sumandal nalang siya. Sinusubuan ko siya ng popcorn nung una pero nadala rin sa pagpilit. Sabi ko kaunti lang muna ang kainin niya dahil 'di pa nagsisimula ang palabas. Umoo siya at nagsimula na ang palabas. Nangawit yung ulo nya kaya tinanggal niya ito sa balikat ko. Inakbayan ko siya hanggang matapos ang palabas. Tahimik lang kami. Nang natapos na ay tumayo na kami. Nag CR siya at nagantay ako sa labas. Matagal siyang nagbanyo. Nag-retouch pa siguro. Magkahawak kamay kaming lumabas. Nakikinig lang ako sa kanya habang sinasabi niya lahat ng comment niya sa movie."

Ganoon siguro ang nangyari. Pero dahil ako lang magisa, at wala si Athena sa aking tabi ay iba ang nangyari. At ganito 'yon.

"Magsisimula ang palabas. Matatapos ito. Hihintayin kong lumabas muna yung ibang tao bago ako lumabas. Magbabanyo ako at at iniisip ang mga nangyari sa palabas kung bakit ganoon, bakit ganyan. Lumabas ako ng CR. Lumabas ako ng sinehan. Kakain ng burger sa McDo. Lalabas ng mall at uuwi."

Yan ang mangyayari sa akin. Kawawang Sam. Naaawa sa sariling kalagayan na napakatigang niyang "Landilife" Hay, buti nalang magsisimula na ang palabas at hindi na ako magiisip ng mga bagay na magpapalungkot sa akin.

Putek. (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon