Chapter 9 ("THE PENGUIN"

25 1 0
  • Dedicated kay J
                                    

May isang bagay na tungkol sa sarili ko na sigurado ako. Except sa pagiging cute ko at mabait e, medyo "socially awkward" ako.

Hmm, semi lang naman. Pero ang semi na ito ay nagiging buo kapag may babaeng nagpapakilala sa akin or gusto makipag kaibigan. Okay. Really, nakakabaliw 'yon. Hindi naman ako ganoon ka-cool na lalake e. At alam mo ba kung ano ang mas nakakabaliw doon? E 'yong kapag may nagpakilala sa akin at biglang mag iingay 'yong mga barkada ko at sisigaw ang mga lintek ng, "Ayyyyyyiiiiieeee!" Putek. Kahit anemic ako nagba blush ako pag ganoon. Hindi nga lang ganoon ka pula tulad ng sa iba. At ang nakakainis pa doon is, kahit wala naman akong gusto or hindi ko type 'yong babae, mamumula parin ako pag may mga nag-a "Ayyyyyyiiiiieeee!" na. Yung feeling na parang umiinit 'yong cheeks mo at naninigas 'yong katawan mo. Hindi ako makapag isip ng matino. Parang gusto kong mawala nalang muna sa mundo. At kapag nasa normal na ang blood flow ko, babalik na ako.

Pero may isa pang hindi ko ma-explain sa sarili ko e. Nagtataka ako dahil bakit kapag sa crush ko, hindi ako nagba blush? Which is okay din naman lalo na kapag lihim 'yong pagka crush ko sa kanya. Ang weird.

Tulad kanina, nakita ko 'yong semi-like ko, (semi-like means hinahangaan ko dahil may talent siya or mabait siya. It's not crush but more like likely normal liking. Nothing's special.) 'yon kasi ang mga nakalap kong impormasyon e. Si "semi-like" daw ay mas attracted sa mga lalakeng nagba blush dahil simbolo daw ito nang matinding passion sa love. (I'm not sure kung narinig ko lang.) So of course, baka may chance na magustuhan niya ako. Malay natin magkaroon ng special at isa pang dahilan e, she's nice. Ang masama nga lang doon e, noong trinay kong kausapin siya, hindi ako nag blush. Kalintik lintikan pa naman oh! At alam mo 'yong matindi pa doon e, 'yong moment na inakala niyang bakla ako. Anak ng nilintikang manok oh! Sa dami ng pwedeng mangyari sa akin, bakit ito pa? Ang mahirap doon e, nagsabay pa. At alam mo kung ano ang climax sa nangyari kanina? Sabi niya, "Alam mo, gusto kita maging best friend. Alam mo 'yong gay and girl friendship?" Anak ng putakte, grabe. Phew.

Para makatakas sa pangyayare, nagpaalam akong magbanyo nalang.

Putek. At ngayon ko lang narealize na dapat sinabi ko nalang sa kanya na hindi ako bakla at I like her. Semi nga lang. I'm sure tatawa siya pero mag e-effect 'yon and magiging close kami kahit papaano.

And bago ko pa malimutan, her name is Denise. At vocalist siya ng isang banda. Hindi ko alam yung pangalan e. Basta ito lang ang alam ko.

Putek. (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon