Chapter 5 ("TILAOK NG ITLOG")

34 2 0
  • Dedicated kay J
                                    

Ay takte! Sabi ko 10 minutes lang, tapos naging 20 minutes na? Putek! Late na ako. Wait, anong araw ba ngayon? Takte, may pasok ba ako? Amputek! Ano ba pinag iisip ko e wednesday ngayon? Putek, makabili na nga ng almusal.

Madilim ang paligid, liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw ko. Tunog ng mga yapak ko ang naririnig ko. Malamig ang simoy nang hangin. Nakakatakot.

"Ano sayo Sam?"

"Sampung piso na sinangag tsaka dalawang itlog."

"24 pesos."

"Kuya, bente nalang. Lagi naman akong bumibili dito e. Pang kape ko nalang yung lima."

"Sige na nga. Pasalamat ka't kumare ko ang nanay mo."

"Mas gusto ko dito kala kuya Ricky kase napapakisuyuan ko na bente nalang ang bayad ko. Minsan nga libre pa e.

"Kuya Ricky, pahingi namang sabaw d'yan o."

Makapal ba ang mukha ko? Sabi ng mga classmate ko oo daw kasi ako lang daw ang nakikipag titigan sa mga teacher kapag galit sila sa amin (mabuti nga hindi ako naga guidance e). Ako rin ang pinapatanong nila pag may gusto silang itanong sa teachers. Makapal ba talaga ako? Alam ko kasi talaga hindi e. Mahiyain ako sa una. Pero kapag nakilala na kita at naging friends na tayo, e baka pagsisihan mong naging kaibigan mo ako. Lalo na kapag babae ka.

Kasi hindi ako yung tipikal na lalake na mabait or sweet at maalaga sa mga kaibigan niyang babae. Iba ako. Hindi ako gentleman sa kanila. Sila pa nga pinagbubuhat ko nang bag ko e.

Pero nakakaganti din naman sila. Kasi binubugbug nila ako kapag nagkampihan na sila. Lugi ako. Masasabi ko rin naman na mabuti akong kaibigan dahil kahit hindi ako maginoo, e kapag kailangan naman nila ako, agad ko silang tinutulungan.

Mainit-init pa ang kape na tig-lilimang piso. Natural mainit pero iba ang init nito ngayon. Bagong kulo yata 'to e. Normal na sakin ang uminom ng kape. Yung mumurahin lang. Hindi yung mga mapapamura ka sa mahal. Hindi ko naman hilig ang kape, nagustuhan ko lang 'to dahil napapakalma nito ang tiyan ko. Pang relax na pang sagip gutom pa.

"Sam, ito na yung sabaw mo."

"Salamat Kuya Ricky."

Hay, naalala ko nanaman si Athena dahil sa sabaw na 'to. Lagi kasi kaming sabay nagre-recess ni Athena at lagi niya akong nililibre. Naalala ko pa na ako lagi ang pinapahingi niya ng sabaw. Mayaman si Athena at ako ay isang hamak na "makakain lang, ok na". Pero parehas naming paborito ang sabaw ng sopas na nasobrahan sa asin at kinulang sa gatas.

Putek. Tama na nga muna 'to. Papasok pa ako at baka dahil dito ma-late pa ako.

Papasok nanaman ako mamaya-maya, uuwi, at matutulog. Parang paulit-ulit lang ang buhay ko. Pero "parang" lang naman which means na hindi ito sure. Baka hindi ko lang napapansin ang mga magagandang bagay na nangyayari sa buhay ko. Tulad ng, hmmmmm. Noong buhay pa ako, nakakapagkwento pa ako sa sarili ko. Bakit kaya mas gusto ko makipagusap sa sarili ko? Makipagaway? Minsan pa nga may debate pa kami e.

Nakakatuwa din 'no? Na nakikipag usap ako sa sarili ko, imbes na sa ibang tao. Pero mas okay narin 'to. Kasi nalalaman mo yung iba-iba mong opinyon. Ngunit hindi lagi dahil minsan sarili mo rin ang magtatraidor sa 'yo. Ang galing 'no? Kaya nating traidorin ang sarili natin. Ilang beses ko narin trinaidor ang sarili ko, lalo na sa pagpili ng gusto ko sa ayaw ko. Sa tama at mali.

Putek. (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon