Chapter 16 ("WALANG TITLE")

14 1 0
  • Dedicated kay J
                                    

Tinignan ko ang mga ulap. Tumingin din sya. Tinanung niya ako kung ano ba daw yung sasabihin ko. Sabi ko, "Sandali lang, tignan muna natin ang kagandahan ng mga ulap." 'Di na siya sumagot. Tumahimik nalang din siya at tinignan ang mga ulap.

"Ang ganda ng clouds no?", sabi niya. Ngayon, nakangiti na siya, mukhang 'di na nagmamadali. "Parang ikaw", sagot ko ng hindi tumitingin sakanya. Alam kong nakatingin siya sa akin noong sinabi ko 'yon. "Ikaw talaga", sabi niya. Tumahimik ulit. Walang nagsasalita, walang umiimik.

Tinignan ko siya. Nakatingala pa rin siya sa mga ulap. Kinuha ko ang sulat sa bulsa ko at inabot ko ito sa kanyang mga kamay. Nagtataka ang expression ng mukha niya. Ngumiti lang ako.

Habang binabasa niya ito ng mataimtim ay tinitignan ko lang siya. Ngumingiti, tumatawa, titingin sa aking ng pataray at ipagpapatuloy ang pagbabasa. Matapos niya itong mabasa ay tumingin siya sa akin. Nakangiti siya. May mga namumuong hula sa kanyang mga mata. Nginitian ko rin siya. Sabi ko sa kanya, "Athena, pumikit ka muna. Sandali lang." Pumikit siya. Ilang Segundo ko siyang tinignan. Ang babaeng hindi ko pinagsasawaang tignan ay nasa harap ko at malapit na kaming maghiwalay. Mabagal ang takbo ng oras habang biglaan ko siyan niyakap. Hindi ganoon kahigpit ngunit sapat na upang maramdaman kong kasama ko siya sa mga oras na iyon. Sa pagyakap ko sa kanya ay hindi ko maintindihan ang mga emosyong sabay-sabay nagparamdam. Naiyak ako. Biglang bumilis ang oras nang tinanggal ko ang sarili ko sa pagkakayakap sa kanya. Tinalikuran ko siya. Tumakbong paalis ng hindi nagpapaalam.

Putek. (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon