Chapter 11 ("'DI KO MAINTINDIHAN")

36 1 0
  • Dedicated kay J
                                    

Putek! Ito na nga ba yung sinasabi ko e. Babagsak ako dito sa long test na 'to. Bakit ba kasi ganito kahirap ang math? Sabi nila pag napag-aralan mo na madali nalang daw 'yon. E lintek, kahit 'yong mga classmate kong nag-aaral, nahihirapan din. Yung math noong elementary, nahihirapan na ako. Pero hindi siya ganoon kakomplikado. Noong high school naman, hayahay lang ako. Kumopya ka lang papasa ka na. E ngayong college, putek! Kinakain ako ng buhay ng test papers. Ang hirap mangopya dahil hindi na tulad ng dati na magkakatabi kayo. Mas nagmamasid na ang mga Professor kaya 'di ka makakasilip sa katabi mo ng sagot. Minsan pa nga e, ipagdadasal mo na lumabas yung Prof niyopara lang makakopya ka. Kailangan mabilis ang kilos dahil sandaling oras lang ang binigay sa iyo. 'Di ko alam kung bakit lumalabas sila minsan. Kapag may mga test din siguro nararanasan nila mahirapan at tanging kopya nalang ang makakasagip sa kanila. Kaya binibigyan din nila kami ng time para makakopya. Sana lumabas na si Sir para makakopya ako kahit konti.

Naisip ko lang kung magagamit ko ba 'to pagka-graduate ko. E hindi naman 'yon ginagamit ng mama ko o ng tito at tita ko. Naalala ko tuloy yung sinabi sa akin dati ng teacher ko sa A.P. (Araling Panlipunan). Nakita niya kasi akong hirap na hirap sa test sa math. Tapos sabi niya sa aking nung napadaan siya, "'Sus, hindi mo naman gagamitin 'yan pagtanda mo e. kakalimutan mo lang lahat ng 'yan." Sa tingin ko tama si Sir noong sinabi niya 'yon. Dahil A.P teacher siya at hindi math. Well, 'di naman ako magiging math teacher dahil ayoko. So hindi ko talaga magagamit 'tong mga kung ano anong numbers and letters na 'to. Tsaka magiging pulubi lang ako at kung meron mang pulubi na gumagamit ng kung ano anong equations sa panlilimos, hinahangaan ko siya at papakainin ko siya.Takte, kung ano ano nanaman ang iniisip ko. Bakit ba ako ganito? Imbes na manghula ako e, nakatunganga at nakikipag usap sa sarili. Baliw na ba ako? Putek.

Okay, kailangan kong i-cheer ang pagiisip ko. Sam, tanggapin mo nalang ang mangyayari sito sa long test na 'to. At kung bumagsak ka man ay wag kang magpakamatay dahil hindi pa iyon ang katapusan ng lahat. Tandaan, ilang percent lang ng whole grade mo ang long test. May kung ano ano pa diyan na pwede mong pagsikapan para makabawi. Now close your eyes and think of a happy place.

Putek. (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon