Chapter 2 ("KANIN LANG ANG SUNOG")

76 1 0
  • Dedicated kay J
                                    

Putek naman nasunog pa yung kanin. Ngayon ako nanaman ang kakain ng sinunog kong kanin. Ganito kasi samin. Kung sino ang nakasunog siya ang kakain. Takte. Sana Kung sino rin ang nagluto nang maayos, siya lang din ang kakain.

“Sayo ang sunog.”

“Oho Pa.”

Nagising na si Papa. Lagi kasing pagod kapag umuuwi kaya natutulog agad siya. Gigising nalang kapag kakain na. Kaya tumataba yun e. Kakakain lang kasi hihiga agad. Hindi naman tamad ang Papa ko, pagod lang siguro talaga sa trabaho.

“Sandukan mo na ako.”

“Opo sandali lang.” (nag lalagay ng yelo)

Takte ang init! Putek napaso ako! Amputek! Buti hindi ako nalapnos at buti nalang hindi ko nabitawan yung kaldero.

“Kumain ka na dito.”

Akma sana akong lalabas pero napigilan na ako. Wala nang magagawa kundi kumain nalang.

“Opo.”

Busog ba ako o nawalan na ng gana? E kanina lang excited na ako kumain at parang bibitayin na sa gutom, ngayon wala na. Ayoko pa talaga kumain. Ewan. Dati naman pang construction worker ang kain ko pero hindi ako tumataba masyado. Takte naman o! Sino ba talaga ang gaganahang kumain pag puro tutong ang kanin mo? Buti nalang ako ang nagsasandok. Napepeke ko sila. Hinahaluan ko nang kaning tama ang luto.

Masarap ang adobo ni Mama. Pero mas masarap ang kay Papa. Gustong gusto ko yung kay Papa. May something special na parang lugaw na may extrang laman. Mahilig din akong magluto. Minsan sinubukan ko yung adobo ni Papa. I failed. Masarap din naman kaso hindi ko nahuli yung lasa. Kaya nung nagkataon na nagluto sya ulit, palihim akong nanood. Kaso nung nakita ako, naging utusan ako.

“Hoy! Hindi natutunaw ang pagkain sa pagtitig.”

“Wait lang. Kumukuha ako ng lakas sa pagkaing haharapin ko.”

Umuusok ang kain, pati narin ang adobo. Gumawa ng sawsawan ng pinagsamang patis at siling pampagana.

Kumuha ng tubig. Inom ng kaunti. Subo. Mainit pa. Hinipan muna. Lumamig na. Subo ulit. Nguya diyan, nguya dito. Ulit ulitin.

Natapos na ang giyera. Payapa na ang lahat. Niligpit ko na ang pinagkainan.

Mamaya na ako maghuhugas. Pahinga muna tayo mga dre. 

Hayyy. Ang sarap matulog ‘pag kakatapos lang kumain. Pero bawal. Hindi sa tataba, kundi baka kunin na ako agad ni Lord. Wag muna. Marami pa akong pedeng magawang kasalanan sa mundo e. Sayang naman kung ‘di ko mararanasan ‘yon.

Nakatunganga lang ako dito sa TV. Tama nga ang teacher ko sa ekonomiks na walang mabuting nadudulot ang telebisyon. Kasi daw hindi gumagana ang utak mo. Binibigay na raw nang TV ang lahat. Kulay, galaw, tao, at marami pang iba. Hindi daw gumagana ang imagination natin ‘pag nanunuod tayo. Pero diba pag naririnig na natin ang salitang "Abangan bukas" e takteng gana ng gana ang ating imagination sa kakaisip nang pwedeng mangyari? Pag may lalabas na bagong tao sa isang istorya ng paborito mong teleserye, pilit natin iniisip kung ano ang posibleng kaugnayan nito sa bida diba? Ngayon totoo ba ang sinabi ng teacher ko sa ekonomiks?

“Hugasan mo na yung pinagkainan. Bilis!”

“Opo.”

Gusto ko pa sana umangal at mag "teka mode" o "wait lang mode".

Kaso ayoko muna ngayon ng sermon. Hindi na nga ako nagsisimba tapos magpapakasama pa akong anak. A basta wag muna ngayon, bukas nalang.

Bareta o dish washing liquid?

Wala naman akong pinipili sa dalawang yan e. Ang mahalaga magawa ko yung toka ko. Wala naman akong pakialam sa sinasabi ng isang commercial na nakakadagdag lang nang germs ang bareta. ‘Sus! Kailangan ng katawan ng tao ang germs at bacteria. Yung mga pulubi nga na mas madumi at tiyak na mas maraming germs e mas malakas pa minsan sayo.

Ano ba ‘tong mga pinagiisip ko? Takte! Puro kalokohan lang yata ‘to e. Ako lang ba ang taong ganito? Hindi siguro. Ay ewan! Maghugas ka na nga lang Sam. Takte.

Natapos ko na lahat ng aking kailangang gawin. Maliban sa pagpapahinga ulit.

Ahhhhh. Ang sarap humiga.

Bagsak na ang aking mga mata at ngayo’y natutulog na.

Putek. (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon