Chapter 3 ("GABI NG PUNYETANG PUYATAN")

40 1 0
  • Dedicated kay J
                                    

Mahirap talaga kapag gabi na at magpapahinga ka nalang. Mas active ang utak ko at kapag ganito nang ganito, e naaalala ko pa rin si Athena at ang nangyari sa amin.

Si Athena ang babaeng alam kong minahal ko ng totoo. Classmate ko siya noong high school. Maganda, mabait, maputi at kaakit-akit. Pero wala ako ni kunting pagtingin para sa kanya. Noong una.

Hindi kami close ni Athena. Maganda siya pero hindi para saakin. Maraming nag kakagusto sakanya, habulin ng boys or even girls. Pero wala siyang appeal para sa akin. Ewan, basta I just don't find her interesting.

Pero siyempre may mga pangyayari na hindi ko inaasahan, na hindi ko alam kung ikakasaya ko ba o ikakalungkot.

Ayun, naging close kami. Naging mag-MU (malabong usapan). Pero hanggang doon lang ‘yon. Nagkaroon ako ng feelings para sakanya. Ang masaya, siya, iba ang gusto. Alam niya na may pagtingin ako sakanya. Pero, ang hindi ko maintindihan e yung kung bakit may gusto siyang iba kahit sweet siya sa akin minsan. Baka trip lang.

Wait. Baka tama ako na misunderstanding lang ang lahat? Na nag-assume ako na may something yung ka-sweetan niya?

So, nagpatuloy akong mahalin siya (na baka hanggang ngayon), sabi ng kaibigan ko noon nagpapakatanga lang ako. Na tanga ako. Sabi ko sakanya, "Sometimes you need to be a fool, to become wise". Hindi pa ako sure d’yan kung tama ang grammar ko.

Wise pala ha?

Kaya ‘yon, nasaktan ako ng sobra. Kasi naging sweet sila nung lalaking gusto nya. Classmate ko rin kasi. And it really kills me na sa araw-araw ng buhay ko, ginusto kong maging bulag na sila lang ang hindi nakikita. Nasaktan ako.

Lumayo ako, pinilit makahanap ng ibang babae, nagtiis sa kalungkutan na sinasarili ko, at sa awa ng mga diyosa at diyos ng pagibig, kinaya ko kahit papaano. Para sa sarili ko at para sa kanya. Bakit para sa kanya? Kasi naging sila na ng classmate ko. At ayokong umepal sa pagiibigan nila.

Namanhid na ako. Nakalimutan ko na ang pakiramdam ng kinikilig, nagseselos, naiinis at kung ano ano pang pwedeng maramdaman.

‘Di nag tagal ay naghiwalay na sila. Unti-unti siyang lumapit muli sa akin. Mahal ko siya, alam ko ‘yon. Kaya sinubukan ko ulit. Pero hanggang pagkakaibigan lang siguro ang kaya niyang ibigay sa akin.

Masakit pero tinanggap ko. Kahit ganoon. Kaysa naman mawala pa siya.

Nagsinungaling ako na ‘di ko na siya gusto, na meron akong iba, na friend lang ang tingin ko rin sakanya, walang special na kung ano.

May nagustuhan siyang iba ulit. Noong nalaman ng lalake, e biglang nagparamdam na sa kanya. Naging sweet sila sa isa’t isa, nag "ILOVEYOU"-han kahit hindi sila, nagho-holding hands, akbayan, yakapan, ewan ko lang yung halikan.

Nasaktan nanaman ako. Ay hindi, pinapatay ako. Ay mali pala, patay na ako. Isang patay na umiibig sa isang buhay na walang pakialam.

Kasalanan ko naman talaga ang lahat e. Kaya tinanggap ko nalang ang katotohanan. Pinilit ko na pawalain na ang lahat ng nararamdaman kopara sa kanya. Kung kailangan, patayin na rin. Nabigo nanaman ako.

hindi nagtagal, naghiwalay din sila dahil may iba ang hinayupak yung lalake. Langya, pinapangarap ko tinatapon lang ng iba.

Bakit kasi hindi nalang ako.

Nakita ko siyang umiiyak. Umiiyak ang prinsesa ko, ang reyna ko, ang mahal ko. Napuno ako ng galit, gusto kong bugbugin yung lalakeng nagpaiyak sa kanya. Pero ayaw niya na daw ng gulo. Gusto ko siyang yakapin, gusto kong ibulong sa kanya na nandito ako para sa kanya. Gusto kong punasan ang mga luha niya. Gusto kong sabihing mahal ko siya. Pero ang kaya ko lang gawin ay ang panoorin siyang umiyak sa tabi. Ito at iyon lang ang kaya ko. Yun Lang.

Tahimik ang buong kwarto at ang tangi kong naririnig ay ang pagiyak niya. Nagbibigay liwanag ang isang lampshade at liwanag ng buwan. Bigla niya akong tinignan. Hindi malinaw ang pagkakita ko pero alam kong lumuluha pa rin ang kanyang mga mata. Tinanong niya ako.

“Sam, mahal mo ba ako?”

Putek. (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon