Chapter 8 ("LININTIKANG PAG-IBIG")

28 1 0
  • Dedicated kay J
                                    

Grabe, iba na talaga ngayon. Pumunta kasi si Mark dito sa bahay kanina. Ayos rin ang pagkakaibigan naming nito ni Mark. Simula elementary at high school, best friend ko na siya. At kahit ngayong magkaibang school na kami e, solid pa rin ang pagkakaibigan namin. Nagulat nga ako noong napadalaw siya ulit dito. Siguro may problema. Oo nga, tama akong may problema nga siya. Sa akin kasi nanghihingi si kupal ng payo tungkol sa mga bagay bagay.

Umalis kami at pumunta kami ni Mark sa tambayan namin. At take note, simula elementary doon na kami tumatambay. Tahimik lang si Mark , kaya ako na ang nagtanong.

"Psst. Pre, 'nong problema mo?"

Tahimik lang talaga ang kupal, ayaw umimik. Binatukan ko nga.

"Pre, ano bang problema mo? Naka buntis ka ano?"

Mabilis siyang sumagot.

"Gago hindi! Putek naman talaga kasi pre e!"

Takte nagmumura na ang kupal. Hindi naman 'to nagmumura dati a.

"Putek, nagmumura ka na ngayon?"

Tahimik nanaman ang kupal.

"Ano ba kasing problema mo?"

Tahimik siyang sumagot.

"Pre, pasensya na talaga 'di ko na talaga alam ang nangyayari e. Nadadala lang talaga ako."

Ay putek! Malaki nga talaga ang problema nito.

"Naiintindihan ko pre. So, ano nga ba talaga?"

Pinunasan ni Mark ang namumuo niyang sipon. Takte. Umiiyak ba 'to o nahamugan lang?

"Naaalala mo pa ba si Maria? Yung muse noong 4th year?"

"Oo, bakit? Anong meron kay Maria? 'Diba dati sabi mo liligawan mo 'yon?"

"Oo pre. Sinabi niya sakin noong prom natin na maghintay lang daw ako ng graduation, tapos pwede ko na siyang ligawan"

"Ah, kaya pala kayo umalis huh! E ano problema doon?"

"Pre noong pagka-graduate natin e nagpaalam ako sa mga magulang niya para ligawan siya. Pumayag naman sila kaya 'yon, tinanong ko si Maria kung pwede na ba. Umoo siya."

"Naks pre, old style ah. Magulang muna bago 'yong target. So, ano nga naging problema?"

"Ganito kasi yun pre. Noong una, masaya. Laging walang negatibong nangyayari. At kung meron man, e tampuhan lang at madali namang nagiging okay. Nanligaw lang ako, 'di ko siya tinanong kung pwede na bang maging kami. Kasi gusto ko siyang bigyan ng oras para malaman niya kung mahal niya ba talaga ako. Naging mag-M.U. kami at para sa akin e isa na 'yong clue na baka pwede ko na siyang tanungin. Pero may nakalimutan ako, nakalimutan kong hindi pa kami at meron ding iba na may gusto sa kanya. Isang araw nagkatampuhan kami na inabot ng isang linggo, di ko alam may sumulpot na pala na isang bagong kumag. Alam ko ang pagsulpot niya pero binalewala ko lang. Tiwala ako na ako ang gusto ni Maria.

Nabawasan ang komunikasyon namin ni Maria dahil sa pag-aaral, problema sa pera, at sa bahay. Bihira nalang kami mag-usap noong mga panahon na 'yon. Pero kahit ganoon, sweet pa rin siya sa akin at ganoon din pa rin naman ako sa kanya.

Pero habang tumatagal 'yong mga matatamis na bagay ay unti-unti itong nanabang. Hindi na siya tulad ng dati. Kahit ang tagal kong nawala, wala na siyang sinasabing, "I miss you" na dati kasi isang araw lang ako mawala meron na agad.

'Di ako sumuko pre, ginawa ko lahat ng kaya ko para maibalik yung dati pero wala na talaga pre. Nasanay na siyang wala ako, napalitan na ako ni Matthew. Siya yung kupal na bigla nalang sumulpot sa buhay ni Maria. Sila na lagi yung nag-uusap sila na lagi ang magkasama. Sabi sa akin ni Maria, friends lang sila. Pero iba ang nakikita at nararamdaman ko. Pre naaalala mo pa ba yung tinuruan mo ako mang hack ng fb?"

"Oo, 'wag mong sabihin na hinack mo si Maria!"

"Hindi ko hinack si Maria. Pre, alam mo namang 'di ko kaya 'yon. Kaya si Matthew ang hinack ko. Binasa ko ang mga messages nila sa isa't isa at halos mamatay na ako. Hindi lang sila mag kaibigan, sila ay "special friends", which is sa tingin ko ay sila na. Putek, bakit hindi niya nalang sinabi na ayaw nya sa akin ng hindi ganito ka hirap? Iniisip ko na baka sila na nga dahil sa ka-sweetan nila. Ayokong isipin pero pinipilit ako ng utak ko na isipin na, oo ganoon na nga ang mga nangyayari. Na baka si Matthew na talaga ang gusto niya. Pre, sabi mo 'wag akong susuko. Sabi mo matuto kang maghintay. Sabi mo maniwala lang ako. Pre, bakit ganoon? Gusto ko nang mamatay!"

Sinampal ko siya ('di naman ganoon kalakas).

"Pre. Oo tama ka sinabi ko 'yon, pero wala akong sinabi na umasa ka. Pre, alam kong 'di maiiwasan na umasa ka pero dahil diyan sa kalintek-lintekang M.U. na yan, nagkaroon ka ng false hope."

Umiiyak na si Mark. Grabe mahal niya talaga si Maria.

"Pre, 'di ko lang kasi talaga maintindihan kung bakit niya ginawa 'yon?"

"'Yan ka nanaman e, hindi nga kayo. Okay?"

"Okay naman kami e."

"Alam mo Mark, lahat ng bagay nagbabago. Walang permanente. Alam mo 'yon diba? Ayon yung sinabi satin ni Sir. Obli na, 'The only permanent in this world are changes.' Pre, pwede ba akong magtanong sayo?"

"O sige. Ano ba 'yon."

"Mahal mo ba si Maria?"

"Oo pre. Alam ng Diyos kung gaano katotoo ang pagmamahal ko sa kanya."

"Pero sa tingin mo, hanggang saan ang mararating ng pagmamahal mo?"

"Putek. 'Di ko alam pre. Nahihirapan na ako. 'Di ko alam kung ano ang gagawin ko."

"Okay pre. Sige, meron kang dalawang bagay na pwedeng gawin.

Una, mahalin parin siya hanggang sabihin niya na sayo yung totoo na meron na siyang iba, na pwede kayong maging friends nalang. Syempre, tatanggapin mo 'yon dahil mahal mo siya at ayaw mong mawala kahit ang pagkakaibigan ninyo. Pero sasaktan mo lang ang sarili mo. Pero ulit, may pag-asa ka din naman na baka makita niya ulit ang pagmamahal mo sa kanya at mauulit muli ang dating kayo. 50/50 chance 'to pre.

Pangalawa, umalis ka na sa buhay niya. 'Wag ka nang magpakita, magparinig, at magparamdam. At sa huli ay mapagtatanto niya na nagtapon siya ng ginto para sa isang basura. Hindi naman sa gumaganti ka sa kanya, pero isa 'yon sa paraan para hindi mo saktan ang sarili mo. Minsan, kailangan ding mahalin ang sarili."

Muling tumahimik ang tambayan. Inakbayan ko si Mark at hinatid na siya sa bahay nila dahil nakainom ito.

At ganoon na nga ang nangyari. Ang saklap ng nangyari kay best friend kumag. Sana makatulog ako.

Sa totoo lang kasi, ang hirap sa tao e, bibigyan ka ng motibo kahit 'di ka naman nila gusto. At kapag nahulog ka na, papaasahin ka nila. Yung mga tawag sa ganoon e yung mga "pa-fall". Naisip ko tuloy na wag mong hawakan ang isang bagay kung bibitawan mo lang din. Kasi 'di mo alam nab aka sa susunod, ikaw naman ang bitawan sa huli.

Putek. (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon