Chapter 7 ("NANAMAN")

26 2 0
  • Dedicated kay J
                                    

Kamusta na kaya si Athena? Matagal na rin nagsimula ang huli naming pag-uusap at hindi ko malilimutan 'yon.

One week before graduation, Monday. Walang tao sa room except saamin ni Athena. Kanina pa kasi naguwian e. 'Di ko muna pinauwi si Athena kasi may sasabihin ako sa kanya.

Tahimik ang room, ingay lang ng mga dumadaan na sasakyan sa labas ang naririnig. Muli, tinitigan ko ang babaeng 'di ko pinagsasawaang tignan. Masaya siya. Ang daming sinasabi ng kanyang mga mata. Nakaka-bingi. Alam mo yung parang sakanya lang naka-focus ang lahat. Napatulala niya ulit ako na parang for the second time around na in-love ako ulit sa kanya.

Tinapik niya ako sa pagkakatulala. Tinanong niya kung ano ba talaga yung gusto kong sabihin. 'Di ako nagsalita. Ngumiti lang ako. Nainis siya at akmang aalis na dahil gusto ng umuwi. Natural hinabol ko, dahil may gusto akong malaman niya. At inaya ko siya umakyat sa roof deck.

Sabay kaming naglakad paakyat. Gusto kong pabagalin ang oras. Gusto kong manatili ang nararamdaman ko noong araw na 'yon. Madaldal talaga si Athena pero parang lahat ng sinasabi niya ay pa slow motion. Lahat mabagal kahit nasa normal naman ang lahat. Naka drugs yata ako noon.

Tinignan ko ang mga ulap. Tumingin din sya. Tinanung niya ako kung ano ba daw yung sasabihin ko. Sabi ko, "Sandali lang, tignan muna natin ang kagandahan ng mga ulap." 'Di na siya sumagot. Tumahimik nalang din siya at tinignan ang mga ulap.

"Ang ganda ng clouds no?", sabi niya. Ngayon, nakangiti na siya, mukhang 'di na nagmamadali. "Parang ikaw", sagot ko ng hindi tumitingin sakanya. Alam kong nakatingin siya sa akin noong sinabi ko 'yon. "Ikaw talaga", sabi niya. Tumahimik ulit. Walang nagsasalita, walang umiimik.

Tinignan ko siya. Nakatingala pa rin siya sa mga ulap. Kinuha ko ang sulat sa bulsa ko at inabot ko ito sa kanyang mga kamay. Nagtataka ang expression ng mukha niya. Ngumiti lang ako.

Ay putek, tama na nga 'to! Hindi ko na maalala yung letter na sinulat ko. Grabe, iba talaga ang puwersa ng inodoro sa utak ko. Imbes na dapat sa puwet ko. Makapaghugas na nga.

Putek. (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon