Chapter 6 ("ESSAY NG BALIW")

45 2 0
  • Dedicated kay J
                                    

Nakakatamad talaga ngayon, grabe. Kapag ganito na ako ka-bored, mas gusto kong pinapagana ang utak ko. Kaysa sa nakatunganga siya diyan.

Okay. Ito ang tinatawag kong "Essay Kuno". Madali lang 'to gawin. Magiisip ako ng topic tapos isusulat ko sa papel na parang nag e-essay. As easy as that. Pero medyo mahaba ito kasi nga parang nakikipag usap lang ako sa sarili ko. Tulad ngayon, nagtuturo ako ng instructions sa sarili ko na alam ko naman na.

Ganoon 'yon, para parang realistic na may kausap ako.

Okay. Makapag simula na nga.

Isip, isip, isip ng topic...

Hmmmm... Ano ba ang trending ngayun? Ummmm.... Okay alam ko na.

Game.

Love.

(Masyadong common na daw kapag tanong ang una lagi sa mga essay. Let's try something new naman daw.)

Love is blind, Love is merciful, Love is God, Love is everything, etc. Ang dami ngang meaning ng love ngayon 'no? Yung iba nakakaloko, yung iba pa-deep masyado. Pero ano nga ba ang totoong meaning ng love. Nakakain ba 'to? Abay oo, para sa iba (If you know what I mean). Diba nga sabi sa kanta, "When we're hungry, love will keep us alive". O 'diba? tinalo pa ang chaporado't pandesal.

Sa totoo lang, ang daming tao na ang naghanap ng meaning ng love. Meron sa bible pero sa pagkakaalam ko 'yon yung tinatawag na divine love or God's love. E ano naman ang tawag sa love ng isang mortal na tulad natin? Ummm. Earthly love? Human love? How about the animals? Nagmamahalan din ba sila? So, animal love ang tawag dun? Takte. Ang daming branches ng love. Mas marami pa sa Jollibee.

Pero sa tingin ko, pwede naman tawagin nalang siyang "love" kasi 'yon na 'yong pinaka base e. Sakanya nagsisimula ang lahat. Negative man ang kakalabasan or positive. So ngayon, ano nga ang love? Simple lang ang sagot ko diyan, "Love is love", tapos. Hindi mo na kasi kailangang hanapan pa siya ng meaning sa kung saan-saang diksyunaryo e. Kasi it explains itself naman na. Ang pagmamahal ay pagmamahal. Wag na nating gawing komplikado. Minsan kasi tao din ang nagpapahirap sa sarili niya e. Siya din ang gumagawa ng sarili niyang problema. Simple lang ang mga bagay bagay pero mas pinipili natin itong gawing komplikado. Kaiinis.

End.

Phew. Okay. Iniklian ko na muna. Ayoko habaan to baka abutin pa ng bukas. Kaso nabitin ako doon. Parang gusto ko pa. Okay mga dalawa pa sigurong essay kuno. Okay sunod sa love is,

Destiny.

(Try natin yung patanong).

Naniniwala ka ba sa destiny? Kung oo parehas tayo. Kung hindi parehas din tayo. Ewan ko. Kasi ako, naniniwala ako sa dalawa. Naniniwala ako na nakatakda ang mga dapat ng mangyari. Sabi nga diba, "Everything happens for a reason". Pero paano kung naghintay ka lang kay destiny? Tapos ang masakit doon e wala namang nangyari. Nasayang lang ang lahat. Kaya minsan 'di ako naniniwala doon. Kasi diba, kung wala kang gagawin, walang mangyayari. Kung may gusto kang mangyari, hindi lang dapat puro hiling at pagpapabahala. Mas maganda parin 'yong pinaghirapan mo.

Kaso, paano kung nakatadhana ka na walang gawin?

Diba? Ang gulo. Nakatadhana ka sa isang bagay na ikaw rin ang mag dedesisyon kung may gagawin ka o wala.

Destiny.

Paano kaya kung nakatakda ang isang tao na mahal mo na hindi mapapa sa 'yo?

Tulad ni Athena. Hindi siya kailanman naging sa 'kin. Kahit naging sweet siya ng panandalian, hindi parin siya naging akin. Kahit binigyan niya ako ng mga motibo, hindi parin siya naging akin.

Hayyyyyy.

Athena.

Ihihinto ko na muna ito. Wala na ako sa mood.

Putek. (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon