Chapter 17 ("ANG PAGKIKITA")

25 1 0
  • Dedicated kay J
                                    

Pagkagising na pagkagising ko palang ay dali dali na akong kumain, naligo, nagbihis, at umalis. Medyo malayo ang papunta sa bahay nila Athena. Pero buti nalang ay maluwag ang daan kaya napabilis ako. Suot ko ang paborito kong itim na polo. Naka blue jeans at suot ko ang sapatos kong converse na kakarag-karag na. Umalingasaw sa bango ang pabangong patago kong kinuha sa aparadador ng papa ko dahil ayaw akong bigyan. Bagong gupit ako (trim lang). At may daladalang bulaklak.

Malapit na ako sa iskinita nila Athena at oo, kinakabahan ako sa mga mangyayari. Huminga ako ng malalim at kumatok sa gate ng bahay nilang kulay green. Pinagbuksan ako ng mama niya at pinapasok ako. Tuwang tuwa siya sa pagdalaw ko.

Pagpasok ko sa bahay nila Athena, kitang-kita ko ang pagiging maayos sa bahay ng nanay niya. Walang kahit isang kalat na makikita. Pinaupo ako ng nanay niya sa sofa at binigyan ng tubig (nung una ay inalok niya ako ng softdrinks pero sabi ko hindi ako nagsosoftdrinks). Sinabi sa akin ng mama niya na matagal na daw akong inaantay ni Athena. At sinabing alam ko naman na daw kung saan ko siya pupuntahan. Tumayo ako at niyakap ang nanay niya. Nagpaalam at umalis.

Pumunta ako sa lugar kung saan alam kong nandoon siya. Nahirapan ako sa paghahanap pero nakita ko rin siya. Lumapit ako sa kanya. Umupo sa tabi niya at umiyak ako habang nilalagay ko ang dalang bulaklak sa marmol kung saan nakaukit ang pangalan niya.

Putek. (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon