Chapter 14 ("EWAN KO LANG")

36 1 0
  • Dedicated kay J
                                    

Minsan naiisip ko, paano kung gusto ko na pala si Denise at hindi na si Athena? Na baka namimiss ko lang si Athena kaya ganito ang nararamdaman ko? Wala ba kaming malinaw na closure kaya ganito ang nangyayari? Kasi I think, kaya naging friends pa kami ni Denise ay yung closure na sabihin na nating nagustuhan ko siya. Pero paano si Athena? Paano ang babaeng nagparanas sa aking ng mga data at hindi ko dapat maranasan? Nababaliw na ako sa mga nararamdaman ko. 'Diba sabi nila, kung nagmamahal ka ng dalawang tao,piliin mo yung pangalawa dahil hindi ka magmamahal ng isa pa ulit kung mahal mo talaga yung una. Pero hindi ko naman mahal si Denise. I just like her at hindi ko alam kung mahal ko ba talaga si Athena o namimiss ko lang talaga siya. Ay bwisit. Bakit ko ba kasi 'to iniisip in the first place? 'Diba dapat tahimik lang akong nagpapahinga ngayon?

Kailangan gawing busy ang sarili. May computer, ayaw ko; sasakit lang ang mata ko. Maghugas ng pinggan, takte; kakahugas lang ng pinggan ng mama ko. Maglaba, putek; baliw na ba ako? Magbasa, ayaw ko rin; masakit na ang mata ko e. Matulog, hay naku; hindi ako makatulog kakaisip. Manahimik, mas lalong 'wag na. Manood ng TV or movie, pwede; pero wala ako sa mood.

Takte naman o! Nababaliw na ako. Ang daming thoughts sa utak na gusting kumawala pero 'di pwede dahil hindi ko rin alam kung bakit hindi pwede. Amputek! Okay, kailangan nating gamitin ang pagiisip ng mabuti. Ang Q and A sa sarili.

Q: Bakit ka nagkakaganyan?

A: Ewan. Dahil kay Athena siguro.

Q: Bakit ba laging si Athena ang iniisip mo?

A: Siguro mahal o namimiss ko siya.

Q: Mahal mo ba siya?

A: Ewan ko lang.

Q: Namimiss mob a siya?

A: Siguro.

Q: Bakit ayaw mong magpakatotoo sa sarili mo?

A: Nagpapakatotoo ako.

Q: Bakit mo niloloko ang sarili mo?

A: Hindi ko niloloko ang sarili ko.

Q: Bakit ayaw mong ipakita/sabihin ang totoong nararamdaman mo?

A: Pinapakita ko naman a?

Q: Hanggang kalian mob a itatanggi ang totoo?

A: Ang ano?

Q: Walang patutunguhan 'to. Bakit ayaw mong magpakatotoo? Ano? Bakit ayaw mo?

A: (Sigh) Dahil natatakot ako.

Q: Bakit ka natatakot?

A: Dahil takot akong humina ang sarili kong paniniwala sa lahat ng kaya ng isip ko.

Q: tatanungin kita ulit. Bakit ka nagkakaganyan?

A: Dahil sa sarili ko.

Q: Anong meron sa sarili mo?

A: may problema at isang babaeng hindi ko makalimutan o maialis sa buhay ko.

Q: Sino ang babaeng 'yon?

A: Si Athena.

Q: 'Diba gusto mo naman na nand'yan siya sa puso mo? Bakit ngayon gusto mo siyan alisin?

A: Ayokong mawala siya pero minsan madaming tao ang naaapektuhan ng dahil sa kanya.

Q: Dahil sa kanya o dahil sayo?

A: Siguro parehas.

Q: Bakit parehas?

A: Dahil bahagi siya ng pagkatao ko.

Q: Mahal mob a ang bahagi ng pagkatao mo na 'to?

A: Oo.

Q: Paano naman ang bahagi ng pagkatao mo na ikaw mismo ang tao? Mahal mob a ang sarili mo?

A: Siguro oo.

Q: Mahal mob a ang sarili mo?

A: Oo.

Tama na nga ang Q and A. Ngayon, malinaw na ang pagiisip ko. Bukas pupuntahan ko na si Athena sa bahay nila. Anuman ang mangyari, kahit napakaaga pa nito sa pinaguusapan ay pupuntahan ko siya.

Putek. (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon