Chapter 13 ("TEXT")

27 1 0
  • Dedicated kay J
                                    

Heto nanaman. Gabi ulit. Nakatunganga lang sa kadiliman at hinihintay na dalawin ng antok. Takte naman kasi si Mark, kung ano-ano yung pinagsasabi kanina. Kinakabahan tuloy ako. Baka kasi kung anong mangyari dun sa lalaking 'yon. 'Di pa rin yata siya nakakapagdesisyon sa mga nangyayari. Ang hirap talaga siguro ng nararamdaman ni Mark. Ikikwento ko nalang ulit sa imaginary friend ko (which is ako rin naman) ang mga pinagusapan naming. Sa text lang kami nagusap. Which is literally, hindi kami nagusap. Sa text lang kami. Ay putek, nevermind. Ito na yung pinagusapan o pinagtextan namin:

Mark: "Pre, sabi mo mahalin ko siya at baka mapansin din niya yung nararamdaman ko para sa kanya. Pero bakit ganoon? Bakit siya lalong lumayo sa akin?"

Ako: "Pre, nakainom ka ba? Gabi na. Itulog mo nalang 'yan. Bukas pumunta ka dito sa amin. Pagusapan natin 'yan pre. Ituloy mo na 'yon."

Mark: "Hindi, gusto ko ngayon na natin pagusapan 'to. Tangina, sabi mo mahalin ko siya diba? Pero bakit lumayo siya?"

Ako: "Takte, nagmumura ka nanaman, sinabing itulog mo nalang 'yan e. Pero kung ayaw mo talaga, sige magusap tayo. Pre, diba sinabi kong sundin mo yung sinabi ko. Binigyan lang kita ng options pero sa huli, nasayo parin ang desisyon."

Mark: "Nakakagago 'yan Sam a. Lintek."

Ako: "Please Mark, pwede naman tayong magusap ng 'di ka nagmumura siba? Pwede bang kahit ngayon lang 'wag ka magmura. Lintek. Bakit ka ba nagkakaganyan? Ano ba nangyari?"

Mark: "Sige, 'di na ako magmumura."

Mark: "Kasi sinunod ko yung sinabi mo na iparamdam ko sa kanya na mahal ko siya at nandyan ako para sa kanya. Kaya 'yon, sinabi ko sa kanya na mahal ko siya. Sabi niya, "Sorry, hanggang friends lang tayo tsaka kami na ni......" Lintek, sila na nung kupal."

Ako: "Wew. Sila na ng di mo nalalaman?"

Mark: "Manahimik ka muna diyan. 'Di pa tapos ang kwento ko."

Ako: "Okay."

Mark: "Yun na nga. Sa kalintik-lintikang, sila na nung kupal. Okay na nga sa akin 'yon e. Yung sila na at nasabi ko na yung nararamdaman ko. Kahit ang sakit. Pero hindi ko alam kung bakit lumayo siya sa akin. 'Di na siya sumasagot sa mga tawag ko. 'Di na rin nagrereply sa mga text at chat messages ko. Lintek, bakit siya ganoon? Lumayo siya at ngayon, nahihirapan ako dahil 'di ko alam kung anong mali ang ginawa ko."

Ako: "Normal lang siguro na lumayo siya dahil ayaw niya na mas mahulog ka pa sa kanya. Siguro ganoon ang dahilan niya. Maging open minded ka pre. 'Wag yung ganyang ang kitid ng utak mo. Walang mararating 'yan."

Mark: " Alam mo bang sa mga nangyari, 'di ko alam kung gaano kahirap? Hindi mo alam kung gaano kasakit. Hindi mo alam kaya wala kang karapatang sabihin na normal lang 'yon. Wala kang alam."

Ako: "Putek. E kung ganyan pala ang gusto mo e, bahala ka na sa gusto mo. Bahala ka na sa sarili mo. Hindi mo rin alam ang nangyari sa akin. Kaya wala kang karapatn na sabihing wala akong alam. Pero pre, please. Makinig ka sa akin. Lawakan mo ang pagiisip mo."

Mark: "Pre, alam ko."

Ako: "Anong alam mo na?"

At hindi na nagreply si Mark sa akin. Bukas pupunta nalang ako sa bahay ng mokong na 'to. Sana walang masamang nangyaring masam sa kanya. O baka naubusan lang siya ng load.

Nagaalala tuloy ako. Hay putek. Bukas nalang. Inaantok na yata ako.

Putek. (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon