CHAPTER 8: Problem Again

705 16 4
                                    

Chapter 8


Isang linggo na si Zyer, dito sa Baguio. Isang linggo na rin siyang naiinip. Gusto niya na kasi talagang bumalik sa QC.

Oo nga't presko ang hangin dito, and that's a good thing. Pero hindi pa rin maalis sa isipan niya, ang mga bagay na nawala sa kan'ya. Ang mga perang inipon niya nang ilang taon. Hindi niya alam kung paano soya magsisimula ulit.

Saving money is not easy. And worst, nawala ang lahat nang ganun lang kabilis. Paano na ngayon ang mga plano niya?

"Bakit hindi ka na lang mag-stay dito for good? Malay mo, nandito ang babaeng para sa'yo," sabi ng kanysng ina, na para bang nararamdaman nito ang nararamdaman niya ngayon.

Nilingon niya ang ginang. "What?" Umiling siya. "No thanks! I can find a wife anytime I want, ma!" sabi niya.

He gave her an arched look. "Bakit nga ba kasi hindi ka pa mag-asawa? Gwapo ka naman. Imposibleng walang babae dun sa Maynila na nagpapakita ng motibo sa'yo," sabi ng ginang.

"Tss!" Umiling lang si Zyer. "Marami. Kaso lahat sila hindi ko type," seryoso niyang tugon.

"Really?" Napatayo naman ang kanyang ina sa upua, at nagmamadaling lumapit kay Zyer.

Hinipo siya nito sa noo. "Wala ka namang lagnat. . . bakit ganun?" nagtatakang tanong ng ginang.

Inalis niya ang kamay ng kanyang ina, mula sa kan'yang sa noo. "What?" nagtatakang tanong niya.

She looks at him with meaning. "Don't tell me. . . Lalaki na ang gusto mo ngayon?" seryosong tanong ng ginang.

Kaagad namang umapila ang binata.
"Ma!" Napatayo siya sa upuan at nagsimulang mawala sa mood. "I just don't like women. They're all the same, manggagamit, mga gold digger!" sigaw niya.

Napahawak sa dibdib ang ginang. Hindi makapaniwala sa mga tinuran ng kanyang anak. "Anak nanay mo 'ko. B-Babae rin ako," sabi niya.

Huminga nang malalim si Zyer. "Except you, ma. You're different. Nakita ko kung paano ka nag-stay kay papa, simula nung walang-wala pa siya." Umupo ulit sa sofa ang binata at pabagsak na sumandal sa upuan. "And that's the reason why I hate women. Kasi hindi ko makita sa kanila ang ugali na meron ka," sabi niya.

Huminga nang malalim ang ginang, at umupo sa tabi ni Zyer. "Anak. . ." Hinawakan siya nito kamay, at pinisil. "May nanloko ba sa'yong babae?" tanong nito sa kan'ya.

Napailing kaagad si Zyer. "W-Wala siyempre! Ako ang nanglokoko sa mga babae," sabi niya habang pilit na nakangiti.

Ngunit ang totoo ay nahihiya talaga siyang sa sarili niya na naisahan siya ni Farrah. "That woman! Humanda talaga siya sa'kin kapag nakita ko siya," bulong niya sa kanyang sarili.

"Naku tigilan mo 'yan! Mamaya makarma ka sa mga ginagawa mo!" tugon ng ginang.

Bigla namang napaisip si Zyer. Paano nga ba kung totoo ang tinuran ng kanyang ina? Paano nga ba kung si Farrah pala talaga ang kanyang karma?

Napailing siya dahil sa isiping yun. "Ma, hindi totoo ang karma!" sabi niya.

Pinagtaasan siya ng kilay ng kanyang ina. "At gaano ka kasigurado?" tanong niya.

Hindi naman nakasagot si Zyer. Alam niya kasing hindi siya mananalo sa kanyang ina.




MATAGAL NA RIN simulan nang iwan ni Zyer ang Baguio. Kaga-graduate lamang niya ng highschool nun, nung lumawas siya sa Manila.

Sa ilang taong lumipas, napansin niya ang malaking pagbabago ng Hacienda Montino.

Mas malawak na kasi ang flower farm ngayon sa hacienda nila. Yung mga binibentang bulaklak sa flower shop ng kanyang ina sa QC, dito rin galing sa mismong flower farm ng hacienda.

This Time I'll Be Sweeter : Zyer Montino (Casanova Series #4) ✨ COMPLETED✨Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon